Chapter 7

574 25 0
                                    

Chapter 7

"Boss. Hindi namin ma-trace ang kinaroroonan ni AZ."

Tatlong lalaking naka-suit ang nasa harap ni Brandon. Dahil sa narinig, di niya maiwasang manginig sa galit.

Binagsak niya ang kamao sa mesa, ikinagulat ito ng lahat.

"MGA WALA KAYONG KWENTA! DI PA BA SAPAT ANG BINAYAD KO SA INYO? INUUTUSAN KO KAYO! HINDI KAYO PWEDENG TUMIGIL! NAIINTINDIHAN NIYO!!!! HANAPIN NIYO SIYA!!" Galit na sigaw nito. Nanlilisik ang mga mata ng binata at nagtatangis ang mga ngipin sa gigil at inis.

Yumuko ang tatlong lalaki at nilisan ang kwarto.

Naiwan si Brandon na nakatayo. Kinuha nito ang susi ng sasakyan sa drawer.

Ngumisi ito at kinuha ang sumbrero.
"Kung hindi niyo kayang hanapin, ako ang hahanap sa kanya. "

*

Binaba ng misteryosong lalaki si AZ at tinulak papasok ng kotse.

"HHMM!!!!!!"

Alam ni AZ na nasa labas sila ng bahay dahil iba ang simoy ng hangin. Wala man siyang makita, wala man siyang marinig at di man siya makapagsalita, nanatili siyang sumisigaw at humihingi ng tulong kahit alam niyang walang nakakaintindi sa kanya.

"HMMM!!!!!!!!"

Ramdam niya ang pag-start ng makina at ang unti unting pag-andar ng kotse.

"HMMM!!!!"

Patuloy lang siya sa pag-iyak at paghagulgol. Wala ng paki ang dalaga kahit mamaos man siya o maaksidente sila dahil isa siyang malaking distraction. Sa lakas ng sigaw at iyak niya, maririndi ang kahit sino. Baliwala lang ang tape sa bibig niya dahil kaya niya pa ding mag-ingay.

Napatigil siya ng mag-sink in sa utak niya ang lahat. Nakagapos ang kamay niya sa harap at kaya niyang tanggalin ang piring at tape sa bunganga.

"HMMM!!!!"

Dali dali niyang naibaba ang piring sa mata at tinanggal ang mask pati ang tape.

"WOOH!!!!!" Nakahinga siya ng maluwag at nakadama ng makati sa paligid ng bibig dahil sa tape.

Natatawa siya sa sarili niya dahil hindi niya agad iyon naisip. Pinangunahan siya ng kaba.

Nilingon niya ang binatang seryosong nakatuon ang atensyon sa daan.

"Alam mo ikaw, kidnapper ka ba talaga? O baka fan? Umamin ka nga, anong kailangan mo sa'kin? Autograph? Groupie together? Time? O remembrance?" Sunod sunod na tanong niya.

Di kumibo ang lalaki.

"BINGI KA BA!??? HA??! SAGUTIN MO AKO! LALAKING MAY SORE EYES!"

Nagsimula na siyang magwala. Ipinadyak niya ng mga paa at pinukpok ang bintana gamit ang kamao.

*screech

Sa biglaang pag-preno, muntik na siyang tumilapon. Di siya nakapagsalita agad dahil sa gulat.

"Sumunod ka lang sa'kin wala tayong magiging problema." Walang emosyong sambit ng binata habang  hawak ang baril.

"H'wag p-please. Tatahimik na ako at s-susunod. Ilayo mo lang ang baril na 'yan sa ulo ko."
Natatarantang itinaas ni AZ ang mga kamay tanda ng pagsuko niya.

Kompirmado na, hindi dapat siya maging makulit kung ayaw niyang mapaaga ang pasko at new year dahil sa pagsabog ng utak niya.

*

Narating nila ang airport sa eksaktong alas-dos ng hapon. Nakaramdam siya ng pagkagutom at pagtawag ng kalikasan.

"Pwedeng kumain? At umihi? Kanina pa tayo nasa byahe, gutom na ako." Bulong niya. Natatakot pa din kasi siya dahil sa nangyari kanina.

"Pwede naman. Basta ipapangako mong hindi ka magpapasaway. Dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari sayo." Nakakakilabot na wika ng lalaki habang nakatitig ng diretsyo sa mata ng artista. Napalunok na lang siya saka tumango.

Huminto sila sa isang cafe na malapit lang sa paliparan. Tinanggal ng lalaki ang gapos sa kamay ng dalaga.

"H'wag mong subukang tumakas. Huwag ka ding mag-iingay."
Mahinang sabi ng binata bago lumabas ng kotse.

Papasok na sila ng cafe ng bigla siyang hinigit ng binata papalapit at inakbayan.

Nilapit nito ang bibig sa tenga ng dalaga.

"Tandaan mo ang sinabi ko Zia." paalala nito sa kanya. Para bang may nagtatambol sa puso ng dalaga. Hindi niya alam kung paano siya makakahingi ng tulong.

Nagtungo ang dalawa sa counter at kapwa nagpanggap na parang ordinaryo lang ang lahat.

"Pwedeng magcr?" Tanong ng dalaga. Umarte itong ihing ihi na.
"Hindi pwede." Sagot ng binata.
"Grabe ka naman! Iihi lang eh! Hindi ako tatakas! Samahan mo pa ako!" Bulong nito para di sila maka-distract sa mga kumakain.

Nagsimula ng maglakad si AZ na sinundan naman ng binata.

Iisa lang ang banyo ng cafe. Maliit lang kasi ito pero elegante ang pagkaka-disenyo. Ilang segundo pa, hindi pa din nagbubukas ang pinto ng banyo palatandaang may tao pa.

Nagmasid sa paligid si AZ, naghanap siya ng CCTV pero di abot ang lokasyon niya. Nang mapansin niyang nakatingin sa ibang direksyon ang kidnapper, sinamantala niya ang pagkakataon. Agad niyang tinulak ang pinto ng cr at mabilis ng pumasok saka ito nilock.

"WAAH! ATE! NILILINIS KO PA ANG CR---"
Nadatnan niya ang teen ager na babaeng nililinis ang lababo. Nakanganga ito sa gulat.
"SSHHH! Huwag kang maingay. Parang awa mo na, don't be scared. Let me introduce myself----" di pa niya natatapos ang sasabihin nagsalita na ang janitress.
"Miss AZ Rodriguez? Ikaw iyong artistang nawawala!" Gulat na tanong nito.
Bahagyang natuwa si AZ sa narinig.
"Oo! Ako nga! Tulungan mo ako. Kasama ko ang lalaking dumukot sa'kin. Kausapin mo si Brandon, ang manager ko. Sabihin mong pupunta kami sa airport at isasama niya ako sa ibang lugar." Kapwa kinakabahan ang dalawa. Natatakot sila sa pupwedeng mangyari.
"Ms. AZ, saan ko po makikita si Brandon? Paano ko siya maco-contact?" Natatarantang tanong ng tagapaglinis.
"Sa--"

*tok tok tok

Kumabog ng malakas ang dibdib nila sa gulat. Nanahimik sila dahil sa katok na mula sa labas. Bumagal ang paghinga nila sa takot. At tumulo ang mga ga-munggo nilang pawis.

"S-sandali! Matatapos na ako!"  natatarantang sigaw ni AZ.

Tinitigan niya ang janitress.
"Tulungan mo ako, ikaw na lang ang pag-asa ko. Lalabas na ako at h'wag kang lalabas hangga't di pa kami nakakalayo."

Tumango tango ang babae bilang pag-sang-ayon.

"Diyos ko po. Gabayan niyo kami." Lumabas ng banyo ang dalaga. Tumambad sa kanya ang lalaki. Kakaiba ang titig nito sa kanya kaya naman lalo siyang kinabahan.

"T-tara na. Kain na tayo." yaya niya dito.
Tinalikuran niya ang binata at naglakad paalis.

Ramdam ng lalaki na may kakaiba sa kinikilos ng dalaga. Naghihinala ito kaya ng tinalikuran siya nito, binuksan niya ang pinto upang tingnan kung may kinausap ito sa loob.

Vote and comment
Malalaman kaya ni Mr. Kidnapper? Good luck kay Allison.

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon