Chapter 8

512 20 0
                                    

Chapter 8

Pagbukas ng pinto ng cr, wala siyang napansing kahit ano. Normal lang ito at katamtaman lang ang laki. May isang lababo at isang inidoro.

"H-hoy! Ano pang ginagawa mo diyan! Tara na!" Sigaw ng dalaga.

Sinipat niya muli ng tingin ang banyo hanggang madako ang tingin niya sa sahig na may anino ng hugis tao.
Ngumisi ang lalaki at sinilip ang salamin.
Doon niya nakita ang repleksyon ng isang babae na pilit pinagkakasya ang sarili sa maliit na espasyo sa likod ng pintuan. Nagngininig ito sa takot habang nakapikit na tila nadarasal.

Humigpit ang pagkakahawak ng binata sa doorknob. Hindi siya pwedeng mahuli nino man.
Nilapitan niya si AZ at hinawakan ang pulsuhan nito saka hinila ng mabilis.

"T-teka! Saan tayo pupunta? Bakit nagmamadali ka?!" Bulong ng dalaga. Di niya maiwasang mainis, mahigpit kasi ang pagkakahawak nito sa kamay niya idagdag pa na halos makaladkad na siya. Di na lang siya nagsalita upang hindi sila pagtinginan.

Nakarating sila kung saan nakapark ang kotse ng binata. Binuksan niya ang pinto at pumasok naman ang dalaga. Padabog nitong sinarado ang pinto.

"Teka! Nagmamadali ba tayo? Ang bilis mong mag-drive!!!!" Kahit hindi nakagawian ng dalaga, gumamit siya ng seatbelt. Kasalukuyang kasing pinaharurot ng binata ang takbo ng minamanehong sasakyan.
Naglabas naman ng himutok ang dalaga. Kesyo gutom siya, kinakabahan at natatakot sa takbo ng sasakyan.

May pinindot itong isang buton sa harapan sanhi upang tumigil si AZ sa pagsasalita.

"Matulog ka muna."

*

Payapang binabaybay ni Brandon ang daan pauwi ng kanyang bahay sa isang subdibisyon. Galing ito sa presinto at isa na namang masamang balita ang narinig niya. Wala pa ring lead ang mga police. Tanging CCTV footage lang ang hawak nila, ngunit hindi tukoy ang biktima at suspek. Malabo ang kuha at masyadong madilim. Sa labas naman ng bar, nasira ang CCTV nang mismong gabing 'yong mawala si AZ, ayon sa pulisya, ang pagsira sa camera ay sinadyang gawin.

Papasok na siya ng gate ngunit hindi siya mapagbuksan ng dalawang gwardiya. May kausap ang mga ito na isang babae na mukhang may dadalawin sa loob ng subdivision ngunit matinding kilatis pa ang mangyayari. Humigpit kasi ang seguridad dahil na rin sa kumalat na balitang pagkawala ng isang artista.

Ilang segundo pa ay dumating ang isa pang gwardiya na madalas mag-ikot sa lugar. Pag-roronda ang paboritong gawin nito. Nakilala nito ang kotse ni Brandon kung kaya't siya na lang mismo ang nagbukas ng gate. Nakangiti ito at tumango sa kanya.

Pagdating sa bahay ay agad siyang nahiga para magpahinga. Hindi pa man din siya naiidlip ay tumunod ang kanyang telepono sanhi upang siya'y mapabangon.

"Hello sir Brandon!"

Ang tawag ay mula sa guard station. Ikinuwento ng isang gwardiya ang suliranin na kinakaharap nila. Mayroon kasing isang babae na nagpupumilit at gustong pumasok ng subdibisyon sa kabila ng pagbawal nila. Nais daw nitong maka-usap siya at napaka-importante ng kanyang sasabihin. Nagmakaawa daw ito at naki-usap ng paulit ulit hanggang sa lumuhod na sa harap nila.
Tahimik na pinakinggan ng binata ang litanya ng tagapag-bantay.

"Papasukin niyo at ihatid dito."

Dumating na nga ang babae sa bahay ng manager na si Brandon. Namangha ito sa laki ng bahay, para sa kanya mansyon ang tawag dito ngunit para kay Brandon, isa lang itong bahay.
Aliw na aliw ito sa malambot na sofa at makikinang na palamuting nakasabit sa kisame. Napakaganda at magarbo ang kabahayan kahit saan man mapadpad ang iyong mata, mula sa sahig hanggang sa maliliit na materyales.

"Ehem...."

Umayos ang babae sa pagkakaupo at tumingin sa binata na kararating lang mula sa kusina. May dala itong inumin at meryenda para sa kanya ngunit hindi iyon ang pakay niya.

"Sir Brandon. Ako po si Isabelle. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Naka-usap ko kaninang tanghali si miss Allison."
Kumunot ang noo ng binata. Hindi ito kumbinsido sa tinuran ng babae.

"Sir, isa akong janitress sa isang cafe. Doon ko nakita si Ms. AZ. Sa cr kami nagka-usap, n-naglilinis ako do'n. Biglanh siyang pumasok. Humingi siya ng tulong sa'kin at pinahahanap ka niya sa'kin! Dinukot daw po siya." Pangungumbinsi niya kay Brandon na seryoso lang at nakikinig.

"Kung ikaw ang kidnapper, tama bang kumain kayo sa isang cafe kasama ang pinaghahanap na artistang dinukot mo? You know Isabelle, galing ako sa police station. Mula kanina ng madaling araw hanggang ngayon ay madami ng nagsabing alam nila kung nasa'n si AZ, karamihan ay walang katuturan. Ikaw ay pang-isang daangput-walo sa mga nagsasabi! Karamihan nagsisinungaling makahingi lang ng pera!"

Napanganga si Isabelle. Nakangiti ang binata sa kanya ngunit labis na nakakasakit ang mga sinabi nito. Hindi siya mukhang pera. Hindi niya kailangan gumawa ng bagay na masama para lang sa pera.

"Sir. Oo kailangan ko ng pera. Kaya nga po ako nagtatrabaho sa cafe. Kung mangloloko ako ng mga tao, e di sana wala ako sa cafe nasa kalsada ako at naghahanap ng mga lolokohin. Pasensya na nga po at ngayong hapon lang ako nakapunta dahil hinanap ko pa mismo ang bahay niyo." Naiiyak niyang sabi sa binata.

Naramdam ng awa ang binata kay Isabelle.

"Okay. Lets just say na nakausap mo ng si AZ. Magkwento ka." Utos nito.

"Bandang alas dose eksakto, naglinis ako ng banyo ng pambabae. Pinupunasan ko ang lababo nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng hanggang balikat ang buhok, maputi at sexy. Maputla ito at nahalata kong may problema siya. Nagpakilala siya at namukhaan ko siya. Madalas siyang ibalita sa tv. Sinabi niya, dinukot siya ng lalaking nasa labas at kasama niya. Hanapin daw kita at sabihing papunta sila ng airport. Tapos---" pinutol ni Brandon ang kwento niya at ipinakita ang litrato ni AZ.


"Ito ba ang babaeng tinutukoy mo?" Tanong nito. Tumango ang babae ng maraming beses.
"Tingnan mong mabuti. Mahaba ang buhok niya. Baka ibang babae iyon. Isang fan na nagpanggap siguro, hindi kaya?"

Hindi alam ng babae ang gagawin niya para maniwala ang binata. Pero sigurado siyang si AZ Rodriguez ang naka-usap niya.
Kinamot niya ang ulo sa sobrang pagkainis. Pero nanlaki ang mata niya nang may mapansin sa litrato.
"Sir. Wala siyang kwintas dito?" Tanong niya na parang natataranta.

"Wala. Photoshoot 'yan." Sagot ng binata.

Napapalakpak si Isabelle sa sobrang tuwa.
"SIR! Kanina may suot siyang kwintas! Gold tapos may disenyong isang anghel na may hawak na puso ang pendant."

Nanlaki ang mata ni Brandon dahil ang kwintas na iyon ay nawala tatlong araw na ang nakalilipas. Hindi iyon sinusuot ni AZ sa shooting at tapings. Personal niya itong gamit at paborito sa lahat.

Sakto namang dumating ang isang lalaking naka-itim. Lumapit ito kay Brandon at may binulong.
Tumango lang si Brandon at tumingin kay Isabelle.

"Salamat. Makakauwi ka na. Ipapahatid na lang kita dito kay Charles kung ayos lang?" Tinuro nito ang driver niya.

"Sige po. Pero naniwala po ba kayo sa'kin?" Tanong ni Isabelle.

"Oo."

Vote and comment

Mahahanap na nga kaya niya si AZ? Keep reading.

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon