Chapter 2

769 27 0
                                    

Chapter 2

"Nandito na tayo AZ."

Dahan dahang minulat ng dalaga ang mata at sumilip sa bintana. Nag-unat ito saka pinagmasdan kung nasaan na sila.

Napakadilim ng paligid at wala nang makitang tao. Mula sa pwesto nila, tanaw niya ang iba't ibang mga ilaw na mula sa bar at ramdam n'ya ang pagyanig ng lupa sa lakas ng tugtugin na nagmumula roon.

"Labas ka na. Bilisan mo lang, huwag kang magtagal sa loob, huwag kang iinom." Paalala ni Brandon sa dalaga.

Wala naman bisyo si AZ kung kaya't hindi na niya ito masyadong kailangang paalalahanan pa.

"Opo. Umaariba na naman 'yang pagiging kuya mo sa'kin. Hehe" natatawang tugon naman ni AZ.

"Syempre! Baka patayin ako ng fans mo kapag may nangyari sa'yo!"
Biro ng binata saka ginulo ang buhok ng dalaga na parang isang bata.

"Sige alis na ako Brandon. Pwede ka ng umuwi kaso alam ko namang hihintayin mo ako at hindi ka pa uuwi. hahaha!"

Isinukbit ni AZ ang bag sa balikat at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Teka, baka kailanganin mo ng face mask at cap? Baka may makakilala sa'yo sa loob. Mahirap na baka i-chismiss ka, alam mo naman sa showbiz. Magdisguise ka."

Hindi tuluyang nabuksan ni AZ ang pinto ng sasakyan at bumalik sa komportableng pwesto ng pagkakaupo.

"Oo nga. Salamat sa pagpapa-alala. Ayaw ko namang ibalitang umiinom ako at party girl kahit hindi." Wika ng dalaga saka hinanap ang mask at cap sa backseat kung saan nandoon ang mga gamit niya.

Hindi niya makita ang hinahanap. Tanging wigs and shades lang ang nandoon pati ang mask na agad naman niyang kinuha.

"Brandon, nasaan ang cap? Wala dito? Hiniram mo ba 'yon? Saan mo nilagay?" Sunod sunod na tanong nito habang walang tigil sa paghalungkat.

"Ay oo! Nandito yata. Teka...." binuksan ni Brandon ang isang maliit na compartment sa kotse.

Napatigil naman si AZ at umayos ng pagkaka-upo.

"Ako na kukuha." Nakuha na ng dalaga ang cap ngunit may isang maliit at kulay puti na nalaglag mula sa compartment.

Sa una hindi niya ito makita dahil medyo madilim. Agad niya itong pinulot. Napatigil siya at nalungkot sa nakita. Ilang segundo din siyang nakatitig sa hawak na stick.

"Huy. Bilisan mo na, alas dose na-----" naputol ang pagsasalita ni Brandon nang biglang humarap ang dalaga sa kanya. Nakasimangot ito at makikita sa mukha nito ang malaking disappointment.

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" Walang emosyong tanong ni AZ at inabot kay Brandon ang isang stick ng sigarilyo.

Di makapagsalita si Brandon sa gulat at di n'ya magawang tanggapin ang stick.

"Kailan pa?" Muling tanong ng dalaga.

"H-hindi sa'kin 'yan!" Pautal utal na tugon ng Brandon. Namumutla siya at panay ang iling.

Tumango ang dalaga at ngumiti. Tinapon niya sa bintana ang sigarilyo saka ulit muling binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Sus! Alam ko naman na hindi ka naninigarilyo eh!" Wika nito saka mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse.

Nakahinga ng maluwag ang binata nang makalayo na si AZ. Agad agad na kinuha niya ang isang kaha pa ng sigarlilyo na nakatago sa lalagyan niya.

*

Mausok, maingay, madilim at masikip ang sumalubong kay AZ sa loob ng bar. Ang kapal ng usok ng sigarilyo na nagkalat pa ang amoy sa paligid. May mga tao ding naglalasing na sumasaliw kasabay ang malakas na tugtugin.

Dire-diretso niyang tinahak ang daan at palinga lingang hinanap ang may ari ng bar, ang pinsan niya, ngunit di niya ito makita dahil ang dilim at puro hindi nakakasilaw na ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa kanya.

Nagpasya siyang pumasok na lang ng restroom. Doon ay nakahinga sya ng maluwag. Humarap siya sa salamin at tinanggal ang cap. Nanatili niyang suot ang mask at inayos ito maging ang buhok niyang nagulo. Kinuha niya ang cellphone sa bag. Kanina pa pala siya tinatawagan at tinitext ng pinsan.

Ayon sa mensahe ng kanyang pinsan ay matutulog daw muna ito at magpapanggap na lasing para hindi na painumin pa ng mga kabarkada.

Natawa siya nang mabasa ang mensahe.

Lumabas na kamang siya ng banyo at naghanap ng mauupuan.

"Isang juice please" utos nito sa bartender habang nagrereplay sa pinsan upang sabihing nakarating siya sa kaarawan nito.

Walang lingong kinuha niya ang maliit na baso na nilapag ng bartender at tinungga ito habang nagta-type nang hindi naaalis ang tingin sa screen ngcellphone.

*

Nabagot sa paghihintay si Brandon.

Pinatay niya ang radyo. Bitbit ang isang kaha ng sigarilyo lumabas siya at sumandal sa kotse.

Nagsindi siya ng isa at itinapon na lang kung saan ang kaha.
Pinagmasdan niya ang paligid.

Napakalaki ng parking space ng bar at kakaonti pa lamang ang mga nakaparadang sasakyan sa pwesto niya.

Iniisip niya kung ano ang lagay ni AZ, nag-aalala siyang baka may makakilala sa dalaga at bastusin ito. Gustuhin man niyang sundan si AZ sa loob subalit pinipigilan niya ang sarili sa kadahilanang baka magkasalisihan sila at pagbalik ni AZ sa kotse, wala itong madatnan. Matatakutin pa naman ang dalaga kapag nag-iisa sa dilim.

Itinapon niya ang sigarilyo saka ito tinapakan. Binuksan niya pinto ng sasakyan ngunit napatigil siya sa nakita.

Napako ang tingin niya sa isang kulay puting sasakyan. Pamilyar ito. Sobrang pamilyar...

Nakaramdam siya ng kaba at agad niyang naisip si......

"ALLISON!!!!!!!!!"

~~~

Ano sa tingin niyo mangyayari kay Allison? Kanino kaya ang kotse na kulay puti at bakit ito pamilyar kay Brandon? Bakit ba siya kinakabahan? Kotse lang naman iyon...

Vote and comment

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon