Chapter 17

439 21 0
                                    

Chapter 17

Sa bawat pagkalampag ng pintuan ay siya namang pagtili ng dalaga. Malakas ang iyak niya at pagmamakaawa.

Pinilit niyang itulak ang pinto para maisara ito sa kabila nang pagpupumilit ng binata.

"AHHH!!!! GO AWAY!!!"

Pumasok siya sa isang kwarto at isasara dapat ang pinto ngunit naabutan siya ng binata.

"Allison! H'wag ka ng manlaban...ALLISON!!!" Wika ng binata sa nakakatakot nitong pananalita.

Pinagpawisan si AZ sa sobrang kaba at umiling na lang.

"PAPASUKIN MO AKO!!!!"

Habang pilit sinasara ni AZ ang pinto, tinutulak naman ito ng binata.

Kinagat ni AZ ang daliri ng binata na nakadungaw sa pinto.
Napahiyaw ang binata sa sakit. Binawi niya ang kamay kung kaya't naisara ni Allison ang pintuan at agad itong ni-lock.

"BWISIT! ALLISON! BUKSAN MO ANG PINTO!!!!"

Lalo pang nakaramdam ng takot ang dalaga. Kasing lakas ng kalabog sa pinto ang pintig ng puso niya. Di na niya maramdaman ang hangin mula sa aircon dahil tumatagaktak ang pawis niya. Napuno ng katanungan ang isip niya.

"ALLISON! Nagbibiro lang ako. Masyado ka namang matatakutin...." rinig niya mula sa labas ng pinto. Pilit pa din nitong binubuksan ang pinto.

"Biro? Biro?! Hindi ako natutuwa sa biro mo!"

Naupo na lamang si AZ sa kama at umiyak.

Tumunog ang cellphone at agad niyang sinagot ang tawag.

"H-Hello? T-tulungan mo ako--"

"Nasa'n ka Zia?"

Nagkaroon ng pag-asa sa kalooban ng dalaga.

"Please. Tumawag ka ng pulis! Nandito ako sa----"
Napatigil ang dalaga.
"H-Hindi k-ko alam. Hindi ko alam." Naiyak na lang ang dalaga sa sobrang takot.

"Ganito. Tumingin ka sa paligid." Wika ng lalaki mula sa kabilang linya.

Tumayo ang dalaga at dumungaw sa bintana. Masyadong madilim sa paligid.

"Masyadong madilim. Wala akong maaninag." Wika ng dalaga.

Pinilit niyang aninagin ang palagid. At sa pamamagitan ng kidlat, panandalian niyang nakita ang tanawin.

"M-may gubat. Ngayon lang ako nakapunta dito. "

*blag

"AHHH!!!"

Nabitawan ni AZ ang cp sa sobrang pagkagulat.

"Allison naman. Praning ka na naman. Halika nga dito."

Liningon niya ang nagsalita. Tumulo na lang ang mga luha niya. Nakatayo sa harap niya ang lalaking di niya alam kung dapat ba niyang pagkatiwalaan.

"Brandon... Tinatakot mo ako." Umatras si AZ. Ramdam niya ang malamig na hangin mula sa labas at ang anggi ng ulan.

"Di kita tinatakot Allison... tinatakot mo ang sarili mo...." patawa tawa nitong sabi habang lumalapit sa dalaga. Ang hawak nitong tubo na bakal ay nakasayad sa sahig. Umaalingawngaw ang matinis na pagkaskas nito na lalong nakapagbigay kilabot sa dalaga.

"Nagtiwala ako sa'yo Brandon." Wika ng dalaga habang pinapahid ang mga luha gamit ang palad.

Nanlisik ang mga mata ng binata.
"AKO DIN ALLISON! NAGTIWALA AKO SA'YO! PERO SINIRA MO! MAHAL KITA PERO NILOKO MO AKO!! Sinaktan mo ako!"

Natulala ang dalaga sa binata.

"Ako? Mahal mo?" Di makapaniwalang tanong ng dalaga.

Huminto ang binata sa paglalakad.

"Oo bata pa lang tayo....." nalulungkot na wika niya.

Napuno ng tanong ang isip niya dahil kahit kailan di pa sila nagkatagpo nang bata pa sila.

"Pero di tayo magkakilala! Di pa tayo nagkikita no'ng bata tayo! Wala akong sinaktan Bran------"

"TIGILAN MO NA ANG PAGBANGGIT NG PANGALAN NA 'YAN DAHIL HINDI AKO SI BRANDON!"

Di na alam ni AZ kung anong paniniwalaan. Galing na mismo sa kaharap niya na hindi ito si Brandon gaya ng sinabi ng taong nakausap niya sa cellphone.

Tama ang tao na nakausap niya, kailangan na niyang umalis sa lugar na 'to.

Pinikit ni Allison ang mga mata, sa pagbilang niya sa isipan na hanggang tatlo, tumalon siya sa bintana ng ika-dalawang palapag.

"ALLISON!!!!!!!!"
Sinubukan siyang iligtas ng binata. Ngunit huli na.

Pinagtitinginan ng mga tao mula sa isang convinience store ang kalagayan ng isang lalaki. Paika ika itong maglakad. Umiiyak at magulo ang buhok. Naliligo ito ng dugo, pati damit nito ay kulay pula na. Hawak nito ang brasong muntik ng mabali dulot ng malakas na paghampas.

"Di ba si Brandon 'yan? Tumawag kayo ng pulis! Diyos ko po!"

Nagsimula na ang bulung-bulungan.

Tuloy lang sa paglalakad ang kawawang lalaki. Hindi niya alintana ang ulan. Tinitiis niya ang pagtama ng tubig sa mga hiwa niya at sugat na tinamo matapos hampasin ng maraming beses ng kapatid gamit ang bakal na tubo. Nagpapasalamat pa din siya dahil hindi baril ang ginamit sa kanya't baka natuluyan na siya.

Nanlalabo na ang mga mata niya at nanlalambot namang ang mga tuhod niyang parehong may pinsala.

Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone. Iniisip niya kung saan dinala ni Brix si Allison. Kanina pa siya palakad lakad, walang mga sasakyan ang dumadaan kahit isa kaya kahit mahapdi at makirot ang mga tinamo, binaliwala niya mailigtas lang ang dalaga.

"Iho! Hindi ka ayos! Anong nangyari?" Isang matandang ginoo ang pinayungan siya.

"M-meron po bang malapit na dagat dito?" Nanginginig na tanong niya sa matanda.

Natawa ang matanda at binigyan siya ng pamunas.

"Oo. May isang resthouse dito na malapit sa dagat. Ikaw ang nagmamay ari hindi mo ba natatandaan? Kakaiba 'yan."

Tumango ang binata at pinunasan ang mga dugo sa mukha na galing sa noo niya.

"Alis na po ako. Salamat." Kinuha nito ang isang motorsiklo na nakaparada.
"Isusuli ko din po ito."

Nagmadali siyang umalis at hindi na nilingon ang matandang sumisigaw.
Ngayon naiintindihan na niya ang sinasabi noon ni Eugene na bumili siya ng Resthouse. Wala siyang binili marahil ang kapatid niya ang may gawa n'on.


BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon