--
"Mommyyyyyyyyyyyyyyyyy!"
Napabalikwas naman agad ako sa kinahihigaan ko. Ang aga naman mambulabog ng anak ko. Talagang hindi niya titigilan ang pagkatok sa pinto hangga't hindi ako lumalabas. Kukulitin niya ako ng kukulitin sa abot ng makakaya niya. Hay.
Isinuot ko muna ang robe ko bago buksan ang pinto ng kwarto ko. "Why, baby?"
"Mommy, I want pancakes. With chocolate or maple syrup and fresh blueberries on top." Sabi ng anak ko at nagpout pa.
"Huh? Diba pwede ka namang magpa-luto kay yaya mo?"
"No, mommy. I want your pancakes. Your pancakes only."
"Okay, son. Magluluto ako ng favorite mong pancakes. Wag ka ng sad, please?"
Tumango-tango naman ito sa akin sabay takbo pababa sa hagdan. "Careful, son!"
Kagaya nga ng sinabi ko sa kanya, ipinagluto ko ang anak ko ng pancakes. Friday ngayon kaya may pasok sila. May practice pa ng dance class ang anak ko mamayang four pm. Mamaya pa naman ang dismissal nila, 2 pm. Kaya saktong-sakto sa schedule ng dance class. Hilig kasi ng anak ko ang pagsasayaw. He's now six years old. His name is Sean Guevarra Lavigne.
Guevarra is my surname. Lavigne. Apelyido ng ama nya. I don't know kung nasaan na siya ngayon. Wala ng akong balita kay James William Lavigne. Ang tatay ng anak ko. Umalis kami ng Pilipinas, seven years ago ng malaman kong buntis ako kay Sean. Walang nakakaalam na umalis ako ng bansa at nagpunta sa Paris. Itinago ko sa lahat ang anak ko. Ni hindi alam ni James na may anak siya. Para sa isang bading na kagaya niya, hindi ko alam na makakabuo kami ng isang gabi lang dahil sa kalasingan. Ang tulis niya, eh. Hindi niya kasi matanggap na natalo siya sa pageant ng gabing 'yon. Kaya 'ayun, nagyayang magbar. Ako naman 'tong si tanga, sumama naman kaagad.
At dahil nga sa kagagahan ko, nabuo si Sean. Ang galing ni James. Grabe, parang hindi talaga siya bading. Partida pang siya ang naka-una sakin. Tsk. Hindi naman kasi mukhang bading, beki o bakla si James dahil hindi naman siya cross-dresser. Ang astig nya nga pumorma, eh. Gwapo siya, hunk at hot. May 6 pack abs nga e. Kaya hindi ko alam kung bakit sumali-sali pa siya sa pageant na 'yun. Pak na pak naman ang sagot nya sa Q&A. Kaso, bokya pa din.
Ewan ko ba dati, simula elementary ay gustong-gusto ko na si James. Unfortunately, ang aking pagsinta sa kanya ay nasayang lang nung malaman kong pumipilantik pala ang mga daliri niya. Nung una, nakakalungkot isipin pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Hanggang sa tumuntong kami ng college, patuloy ko pa rin siyang minamahal. Sinusuportahan ko siya sa mga gusto niya. Ang pagsali niya sa mga pageant at kung ano-ano pa. Full support ako sa kanya. Never ko siyang tinutulan. Lagi akong nasa tabi niya kapag napa-frustrate siya. Kapag nasasaktan siya sa mga pang-aalaska ng mga batchmates namin dati. Palagi ko siyang ipinagtatanggol sa lahat. Hindi ko hinayaan na mapahamak siya. Ang sa akin kasi, okay lang na ako ang masaktan. Basta h'wag lang siya.
Ganun ko siya kamahal. Hindi naman kasi 'yun sa kasarian. Basta mahal mo, edi mahal mo. No questions asked. Kaya siguro umasa ako na mamahalin nya ako. Kaya siguro umabot sa puntong pati sarili ko, ibinigay ko sa kanya ng buong-buo without any hesitations. Well, lasing kami 'non. Wala naman akong sinisisi sa nangyari dahil wala naman talagang dapat sisihin. Hindi rin ako nagsisisi sa ginawa namin. Ewan ko lang kay James kung nagsisisi ba siya. Basta ako, no regrets. Sa katunayan nga, thankful pa ako sa kanya dahil ibinigay nya sa akin si Sean. My most wanted treasure. Atleast, may iniwang remembrance si James sa akin.
Minsan nga tinatawanan ko na lang yung mga kalokahan kong ginawa dati. 'Yung mga times na naging stalker pa ako ni James. At kagaya nga ng sinabi ko, hindi ako nagsisisi. Lahat ng koneksyon sa mga kaibigan at mga kakilala ko ay pinutol ko na bago ako umalis ng bansa. Kahit kay mama, hindi ko na rin siya kinontact. Walang ni isa sa kanila ang nakakaalam na may anak na ako. Natakot ako, syempre hindi naman yun maiiwasan. Natakot akong sabihin sa mga kaibigan ko na buntis ako dahil masyado pa akong bata. I was just 21 years old that time. Kahit kay mama, isinekreto ko ang pagbubuntis ko. Ni hindi ko sinabi kay James. Natakot kasi ako. Nawalan na rin ako ng pag-asa. Napagod na rin ako kaya mas pinili kong umalis ng bansa.
Hindi naman ako galit kay James. Hindi ko naman na itatago kay James na may anak n siya. Sasabihin ko sa kanya na anak namin si Sean. Kung kinakailangan na ipaliwanag ko sa kanya ang lahat, gagawin ko. Nasa kanya na lang 'yon kung tatanggapin nya si Sean at kikilalanin. May part sa akin na kinakabahan kasi baka hindi nya tanggapin si Sean o di kaya'y bigla na lang nyang kuhanin sa akin. Pero sino nga bang niloko ko? Malay ba natin. Hindi ko naman kasi alam ang mangyayari. Tao lang ako, napakaraming what ifs sa utak ko. Ang inaalala ko lang kasi ay yung custody ng bata. Kahit anong mangyari, sa akin lang si Sean. Hindi ko hahayaan na maagaw ng iba ang anak ko.
Ang akin ay akin lang. I am very territorial. Naaalala ko pa nga yung mga panahon na napaka-selosa ko kay when it comes to James. Kapag may nagugustuhan siyang lalake, hindi ko na lang pinapansin. Hinahayaan ko na lang siya kasi alam kong yun ang makakapagpasaya sa kanya. Kaya ang tendency, naging selosa ako and nagger. Hindi ko kasi maiwasan dati na hindi mag-imagine na dadating din yung time na magiging tunay siyang lalake at mamahalin nya rin ako. Na lahat ng pinaghirapan ko ay magkakaroon ng magandang resulta. Pero dati na lang 'yun.
Iba na ang priority ko. Hindi na si James. Mas mahal ko na ang sarili ko ngayon. Mas pinahalagahan ko na ang sarili ko. Lalong-lalo na ang anak ko.
BINABASA MO ANG
My Beki Husband
RandomLOVE WINS. Zeexhie x James All Rights Reserved - 2016. ELLAYUMI ™ Highest Rank: #40 (As of June 08, 2017 * 7:23 PM) - cover made by yours truly, photo not mine