Chapter 16

1.4K 24 3
                                    

--

"Uy, bakla? May tanong ako."

Hindi niya pinansin ang tanong ko at tumitig lang sa mga soccer players na nagpa-practice sa field.

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat para ako naman ang titigan niya, "Ako lang dapat ang tinitingnan mo, bakla." Sabi ko at nagpout pa.

Tumalim ang tingin niya sa akin.

"Ano bang problema mo, ha?!"

Hindi ako makasagot dahil nabigla ako sa sigaw niya. Mukhang naputol ang dila ko kaya't napayuko na lamang ako.

"Wala naman akong problema." Mahinang tugon ko rito.

"Wala naman pala e! Pwes, h'wag kang makulit! Nakakairita ka na! Ako'y nananawa na sa 'yo! Nakakarindi ka na!"

Napatigagal ako sa sinabi niya. Sa palagay ko naman wala akong ginagawang masama. Parang suntok sa sikmura ko 'yung ginawa niya. Magtatanong lang naman ako kung anong dapat kong gawin kasi niyaya ako ni Clyde na manuod ng sine. Bwisit siya.

"Ganon? Nakakairita pala ako? Sorry ha? Hindi po kasi perpekto ang best friend mo,"

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at nagtatakbo palayo sa kanya. Hindi na bago ang ganito para sa amin. Nitong mga nakaraang araw kasi, napakabugnutin nito at palaging nakakunot ang noo. Pinagpapasensyahan ko na lang kasi alam kong may problema siya. Itinanong ko naman sa kanya kung bakit galit siya sa mundo pero ayaw niya sabihin kaya't nanahimik na lang ako.

My Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon