Chapter 11

2.4K 52 3
                                    

**

14 days. Almost two weeks din kaming nasa Paris ni James dahil nga sa aming honeymoon. Or whatever you call it. Halos namasyal lang naman kami sa mga sikat na tourist spots don especially sa Eiffel Tower. Para kaming bumalik sa college days namin habang namamasyal kami sa Paris. Hindi kami naghold-back sa mga nararamdaman namin sa isa't-isa. Kinalimutan namin lahat ng pagkakamali, pagsisisi at mga katangahang ginawa namin dati.

Sa palagay ko, nakatulong 'yung quality time namin sa isa't isa don sa honeymoon. Mas naging vocal at open na 'rin kami sa mga sarili namin. Despite the fact na medyo short-tempered ako, iniintindi niya pa rin lahat ng flaws at imperfections ko -- at ganun din ako sa kanya. Nag-intensified kumbaga ang nararamdaman ko sa kanya. Imbes na mabawasan, pakiramdam ko lalo pa itong lumala.

Delikado na naman ang lagay ko nito. Baka mahulog na naman ako tapos hindi niya naman ako sasaluhin. Paano pag bumalik si Kenji at mangyaring piliin ni James ang ex niya. Hindi ko 'yata kakayanin na masaksihan na ganun nga ang mangyari. Masaya na kami. Unlike dati na palagi kong binabara si James sa pang-aasar sa akin.

"Puputulin ko naman talaga ang ano mo e kapag ipinagpalit mo ako sa iba. Pagbubuhulin ko kayo ng kabit mo tapos isasako ko kayong dalawa tapos ibibitin ko kayong dalawa sa puno ng mangga na may madaming langgam.." Banta ko kay James habang nagsusuklay ng buhok, kakatapos ko lang maligo. Medyo nakakapagod ang araw na 'to dahil nagbonding kaming tatlo nila Sean. Mukhang namiss nga talaga kami ng batang makulit na 'yon.

Naglakad ito papalapit sa akin at hinawakan ang balikat ko, "Ayan na naman tayo sa topic na ganyan. Hindi ako magkakaroon ng kabit. Alam mong kuntento na ako sa'yo.. Sa inyo ni Sean, mahal kita -- kayo ng anak ko." Aniya sabay himas ng balikat ko.

Napabuntong hininga ako, "Hindi mo maiaalis sa akin na hindi mangamba. Sobrang saya kasi natin ngayon tapos baka may mangyari na namang hindi maganda. Iba kasi ang kutob ko ngayon." Sabi ko sabay hawak rin sa kamay niya na nasa balikat ko.

Ngumiti ito sa akin, "Hindi ako mangangako ng kahit ano kasi baka hindi ko rin naman matupad. Ang masasabi ko lang Zee, kuntento na ako sa'yo -- sa inyo ng anak natin. Kaya bakit pa ba ako maghahanap ng second best kung nasa akin na ang babaeng nagpapasaya at kumukumpleto ng araw ko. Mahal kita, okay? Sa'yo lang ako.." Ani nito sabay halik sa noo ko.

Medyo gumaan naman na ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Parang may kasiguraduhan na akong narinig mula sa mga binitawang nyang salita na hindi katulad dati na -- plain at walang kasiguraduhan. At least ngayon ay unti-unti ko ng natatanggap lahat nangyari sa amin noon. Everything happens for a reason. Ngayon ko lang na-realize kung kailan nagawa na ang kasalanan, kung kailan may mga tao ng nasaktan at kung kailan may mga tao ng naapektuhan. Hindi na sana nangyari 'to kung nagpakatatag lang ako dati imbes na piliing magpakaduwag at lumayo. Kahit naman sisihin ko pa ang sarili ko ngayon, wala ng magagawa pa.

Nangyari na ang nangyari.



--

Katulad nga ng nakagawian, nagluto ako ng almusal para sa aming mag-anak. Wala namang bago sa umagang ito, normal naman at maayos. Pero umaatake na naman ang kutob na ito sa isip ko. Parang sinasabi nito na may mangyayaring kakaiba at kailangan ko itong paghandaan kung hindi, si Lord na lang ang nakakaalam ng mangyayari.

Walang pasok si Sean ngayon gayundin si James kasi nga Linggo. Nagpasya kami ni James na bumawi muna sa anak namin dahil two weeks din kaming nawala. Buti na lang talaga at naalagaan ni mama ang apo niya ng maayos kahit na medyo may edad na ito at nagtatrabaho pa rin.

Bilib talaga ako sa kakapalan ng mukha ni James na asarin ako. Ngunit imbes na mainis, natutuwa pa talaga ako sa effort na ginagawa niya para lang mapatawa ako. Nakakatuwa din 'yung accompaniment na ibinibigay niya sa amin ng anak niya pagkagaling sa trabaho. Alam ko na pagod ito pero hindi niya lang ipinapahalata sa anak niya. Hanga talaga ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang side niyang ganito.

Sa tingin ko naman, pupwede na kaming magsimula ng panibago. Hindi sa sinabi kong kalimutan na ang lahat ng nangyari ng nakaraan, kahit papaano naman ay may pinagsamahan kami nj James. Well, wala naman talaga kaming romantic relationship ni James dati dahil mag-bestfriend kami. But it turned out na sa kanya rin pala talaga ang bagsak ko kahit na anong tanggi ko sa nararamdaman ko sa kanya. And take note, nauna pa ang baby bago ang kasal. Wala naman talaga kasi 'yon sa plano e. Dahil nga may jowa si James 'non na si Kenji, habang ako 'non ay happy being alone.

Hindi ko naman pinagsisisihan ang pagsama sa party ng gabing 'yon. Wild and ready to party -- that was me back then. Loud and trance music, rave party and such.. Sino bang tatanggi 'don kung pareho tayo ng personality? Hindi naman ako party-goer pero ano ba naman 'yung a shot or two? Ano ba naman 'yung pumarty kahit paminsan-minsan? Okay naman na sa akin ang lahat. Na-absorb na ng utak ko lahat at nakapag-adjust na rin sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ko.

Ang pagiging isang ina kay Sean ay isa sa mga pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Dahil sa kanya, mas naging positive akong tao. Dahil sa kanya natutunan kong pahalagahan at mahalin ang sarili ko. Kung ano man ako ngayon, tinulungan ako ng anak ko para mag-grow as a person. Ngayon ko lang napagtanto na okay lang pala na masaktan. Doon ka kasi pwedeng kumuha ng motivation para matuto sa mga pagkakamaling nagawa mo sa iyong buhay.

"Mom, may bisita si Dad sa baba.." sabi ni Sean matapos kumatok at pumasok sa pinto.

Sakto namang katatapos ko lang magpalit ng damit, kagagaling lang kasi namin sa labas dahil nga nag-bonding kaming mag-anak. Bumawi din naman kami kay Sean. Sumimba muna kami tapos nagpunta sa isang mall -- kumain, namasyal, naglaro sa arcade, nanuod ng sine, namili ng stocks. Nakaka-stress talaga pero worth it naman ang quality time naming tatlo.

"Huh? Sino daw anak?" Balik-tanong ko dito.

Hindi ito sumagot, bagkus ay lumabas na lang ito ng kwarto at nagdire-diretso kaya kaagad ko itong sinundan.

Sana pala hindi na ako bumaba. Sana pala..



"James, -- Kenji.."


**

A/N: Gusto ko lang ipaalam sa inyo na nagrank 82 tayo sa Chicklit. ^__^ Ang saya ko tapos nahigitan nyo pa agad ang demand ko.

Opo, sorry na. Demanding na. Hihi! By the way, nagustuhan nyo ba ang bagong cover ng My Beki Husband? Comment & Vote kung yes. ;)

Again, ang target for the next chapter -- 80 plus reads, another 5 votes and 5 comments. Kaya nyo diba? Hehehe. Boost me up guys! ^^

Media at the top, convo nila 'yan. May part 2 pa kung mapapabilis ang update. Bwahahaha!

O siya, I LOVE YOU ALL! Dedics? Pm. :* Mwa!

This is your demanding and loving author, Ella x. Hope you like this chapter! :*

My Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon