A/N: Sorry for the long wait! Flashback pa 'din 'to mga bessywaps! HAHAHA. Pasensya na kung medyo filler lang 'to. Sorry sa delaaay!
Pagkarating na pagkarating namin ay biglang lumupagi na ako sa damuhan na nilatagan ko ng panyo ko at ng panyo ni James. Bitbit ko na 'rin ang dalawang mogu-mogu at chichiryang binili ko kanina sa 7/11. Umupo naman kaagad si James nang maayos ko ang pupwestuhan namin.
"Beks, buksan mo na areng Pic-A," sabay abot ko sa kanya nung chichirya, "Tsaka peram naman ng cp mo, ha?" Dagdag ko pa.
Hindi naman ito umimik at binuksan na kaagad ang Pic-A at kinuha ang cp nya sa kanang bulsa ng pantalon nyang gutay-gutay (este ripped jeans) at saka inabot sa akin.
Pinindot ko ang power button at nakita ang lock screen at aba nga naman, may password pa. Doon naman ako napasimangot. Nakakainis, silang dalawa ni Kenji ang lock screen tapos sobrang lapit pa nila sa isa't-isa.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi sumimangot. Mukhang napansin ni James ang facial expression ko kaya't napatingin ito sa akin.
"Oh? Ba't ka naman nakasimangot?"
Ibinigay ko sa kanya ang cellphone nya at sinabing i-unlock ito. Agad naman niyang ibinalik nang matapos siya pero nakasimangot pa 'rin ako.
"I-unlock ko na, diba? Bakit ka pa nakasimangot dyan?" Tanong niya.
"Wala." Tipid na tugon ko.
Marahil iniisip nyong napakababaw ko. Pero akala ko kasi tatapusin na niya ang relasyon nya kay Kenji pagkatapos 'nun 'yung sa amin naman ang aayusin niya. Pero akala lang pala 'yun. Nag-assume na naman ako.
Tsaka kung balak na niyang tapusin ang lahat ng namamagitan sa kanila ni Kenji, bakit ang lock screen niya'y sila pa 'ring dalawang magkasama? Baka pati wallpaper silang dalawa ulit ni Kenji ang magkasama. Siguro pati 'rin ata password ng cp ni James, tungkol kay Kenji.
My ghad, qiqil nila cii aquH!
"Wala daw e. Ano na naman pinuputok ng butsi mo?" Tanong ulit niya.
Iiling-iling lamang ako. Nagpatugtog na lang ako ng Lost Stars ni Adam Levine. Mabuti nga't meron nito si James e. Favorite kasi namin itong dalawa. Maganda na ang boses ng kumanta, pati 'yung instrumental, lalo na 'yung lyrics.
"Magsawa ka dyan. Tigilan mo 'yang pagsimangot mo. Pangit ka na nga, papangit ka pa lalo."
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Ako? Pangit?
"Kapal ng mukha neto. Kung maka-pangit ka, parang ang gwapo mo e."
Napangisi ang ogag, "Syempre, gwapo ako. Kaya nga patay na patay ka sa akin."
Hah! Lakas 'din talaga ng apog ng lalaking ito. Mamaya bibigwasan ko na 'to ng matauhan naman kahit papaano.
"Luh, kabahan ka naman sa sinasabi mo, James. Nakakaiyamot ka."
Humalakhak lang ito pero agad 'ding sumeryoso ang mukha.
"Anyway, bakit nga pala dito tayo nagpunta?"
Napabuntong hininga ako, "Tingnan mo ang paligid ha! Malinis at tahimik, tsaka maganda ang sunset dito."
"Maganda ang sunset pero mas maganda ka." Sabi ni James sabay kindat sa akin.
Qpal talaga. LAKAS e.
"Kanina sabi mo pangit ako tapos ngayon naman maganda? Ginagago mo ba ako?"
Umiling naman ito kaagad.
Hindi na lang muna kami nag-imikan nang ilang sandali. Busy ako sa pagkain ng chichirya pati sarap na sarap ako sa mogu-mogu. Daming nata.
Nakatingin lang ako sa papalubog na araw. Napakaganda nga ng sunset dito. Naghahalo ang iba't-ibang shades ng kulay sa kalangitan. Sobrang ganda lang.
Parang ako. Charot!
Lumipas pa ang ilang sandali ng napagpasyahan kong basagin na ang katahimikan. Inisip ko talaga ang mga dapat kong sabihin. Baka may masabi pa akong hindi connect sa usapan. Paktay na talaga.
"James?" Tawag ko dito.
Napalingon naman ito sa akin, "Hm?", nakita kong may ginagawa pala ito -- may kung ano sinusulat ito dun sa kanyang mini journal. Cute.
I gulped and averted my eyes from his gaze. "Anobatalagangplanomo?"
Naguguluhang tumingin ito sa akin, "Ano kamo? Ulitin mo, ang bilis mo magsalita. Bagalan mo."
Pero hindi nakaligtas sa mga matang lawin ko ang pinipigilang ngiti ng lalaksot na ito. Ang hinayupak! Narinig naman niya ang sinabi ko. Niloloko lang yata ako neto e. Halata sa mukha niyang pinagtitripan nya ako.
Doon ako napasimagot, "Balasubas! Umayos ka nga! Narinig mo naman 'yung sinabi ko kanina e! Ginagago mo lang ako e!"
Tatawa-tawa ito na parang inaasar pa ako.
"Sorry na! Narinig ko naman 'yung sinabi mo e."
Narinig naman pala e, gusto niya lang talaga akong pagtripan.
Bumuntong hininga ako, "E ano nga kasing plano mo?" Tanong ko dito.
"Napag-usapan na natin 'to, diba?" Mapupungay ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot. Oo nga naman, napag-usapan na namin 'to. Pero sadyang makulit yata ako. Hindi titigil hangga't walang nakukuhang matinong sagot sa kanya.
"Napag-usapan na nga natin 'to pero iba kasi ang kailangan ko. Lagi mo ng sasabihing aayusin mo ang lahat sa pagitan nyo ni Kenji pero wala naman akong makitang progress sa ginagawa mo." Paliwanag ko.
Totoo naman e. Sa nakikita ko pa nga parang mas nagiging sweet pa sila sa isa't-isa. Dinaig pa ang asukal sa sobrang ka-sweetan. Hays, umay beh.
"Hindi mo lang napapansin pero gumagawa na ako ng paraan para tapusin ang lahat sa amin ni Kenji. Hindi ako nagpapadalos-dalos. Ayokong masaktan si Kenji, may pinagsamahan din kami 'nung tao." Sagot niya sa paliwanag ko.
Ayokong masaktan si Kenji.
Ayokong masaktan si Kenji.
Ayokong masaktan si Kenji.
E ako? Paano naman ako? Ogag talaga ang lalaking ito. Anong tingin niya sa akin? Walang pakiramdam? Walang emosyon? Hindi nasasaktan sa ginagawa niya? Malupet nga ang lalaking ito. Malapet nga.
Sa sinabi niyang 'yon, pinagmukha niya lalo akong tanga. I will always be the second priority for James kasi noong una pa lang si Kenji na talaga ang palaging inuuna.
At ako? Naichapwera na mula ng dumating sa buhay ni James si Kenji. Hindi naman ganun dati e. Pero may kasabihan ngang, “People change. Feelings fade. Sht HAPPENS.”
Hindi naman ako nagbago e. Mahal ko pa din si James. Mahal na mahal ko pa 'rin siya hanggang ngayon. Para nga siyang droga na kinaaadikan ko. Hindi ko na siya matanggal sa sistema ko.
"Ikaw ang bahala, James. Basta ako, maghihintay ako hangga't kaya ko. Ang mahalaga lang naman talaga ngayon ay malaman ko kung may hihintayin ba ako o wala."
Napagawi muli ang tingin ni James sa akin, "Meron. Meron kang hihintayin."
BINABASA MO ANG
My Beki Husband
RandomLOVE WINS. Zeexhie x James All Rights Reserved - 2016. ELLAYUMI ™ Highest Rank: #40 (As of June 08, 2017 * 7:23 PM) - cover made by yours truly, photo not mine