Chapter 17

1.3K 27 11
                                    

Nakarating kami sa destinasyon
ni Clyde tatlumpong minuto ang nakararaan matapos ang pag-uusap namin ni Trina. Nakabusangot pa 'rin ako dahil sa pinatayan niya ako ng tawag.

Hindi ako tinigilan ni Trina ng sunod-sunod na pagtetext niya sa akin na sunduin na 'ron si James. Mukhang lasing na 'raw talaga ito at ginawang tubig ang alak ayon sa paraan ng paglaklak niya nito.

Ayoko mang mag-alala ngunit hindi ko maiwasan. Iba kasi si James kapag nalalasing. Dumadali ang kakaibang anyo ng pagkatao nya sa mga panahong umiikot ang mundo niya.

Pero dahil warlalu nga kami, magsawa siya.

Hindi pupwedeng ako na lang palagi ang susuyo't uunawa sa kanya kapag nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. Baka masanay siya at tiyak, iba ang kahihinatnan 'non.

Isang romance movie ang napili ni Clyde na panoorin namin. Nakalimutan ko na ang title. Inabot 'yata ng humigit kumulang isang oras ang panonood 'non.

So far so good naman ang naging friendly date na ito. Clyde thanked me at inihatid na 'rin ako sa bahay. 9:30 na 'rin kami nakarating sa amin dahil nagdinner pa kami ni Clyde at sobrang traffic pa kaya medyo nahassle talaga kami kanina.

Magpapalit na sana ako ng damit pantulog ng maalala ko si James. May obligasyon pa nga pala ako sa kanya. Grabehan na talaga siya. Pasalamat siya't walang pasok bukas dahil kung hindi, masasampolan siya ng 'aba matinde'.

Dali-dali akong nagsuot ng flip flops at hiniram ang motor ng kapitbahay namin. Tiwala naman 'yon sa akin. Asa namang itakbo ko ito. E patakbuhin na 'rin itong motor na ito. Mabait naman si Mang Tomas.

My Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon