Hindi na problema sa akin kung magkita man kami ni James. Napag-isipan ko rin ng mabuti nitong mga nakaraang araw na maliit ang chance na bawiin nya mula sa akin si Sean, ang anak namin. Bading 'yun, nagladlad nga ng maaga e. There's a big possibility na hindi na siya magihing straight uli. Err..I mean, tunay na lalaki. Well, ewan ko lang din. Ang tagal na rin kasi nung may nalaman akong balita sa kanya. Hindi ko alam kung may pinagbago ba siya physically or baka naman nagising na siya sa katotohanan. Katotohanang kailangan nyang maging lalake, para na rin sa sarili nya at sa kompanyang iniwan sa kanya ng mga namayapa nyang magulang. Yun ang huli kong nasagap na balita mula sa isang kakilala ko.
Lunes ngayon kaya may pasok ang anak kong si Sean. Nawala sa isip ko na may program pala sila sa school. Sobrang stress na din siguro dahil sa trabaho. Hindi naman nakuhang magalit ng anak ko, naiintindihan nya naman ang sitwasyon. Bilib nga ako sa kanya, napaka-bata pa nya pero parang isang mature na tao na siya kung mag-isip at makipag-usap. Hindi ko nga alam kung kanino siya nagmana.
"Mom, may family day kami sa school ngayon. May performance ang DXIL. New member po ako!"
Napatanga naman ako, "Naks naman dude! Sabi ko na nga anak, magiging part ka rin ng DXIL. Astig mo talaga, 'nak!"
Napangisi naman ang anak ko, "Ako pa ba, Mom! Sisiw lang yun, sisiw." Sabi niya at nagtaas baba pa ang kilay.
Naninibago ako ng konti dahil hindi naman siya ganito dati. Nakakatuwa dahil dedicated talaga siya sa pagsasayaw. Ewan ko ba kung kanino siya nagmana. Hindi naman ako marunong sumayaw. Ganun din si James, kaya wala talaga akong ni isang ideya kung kanino niya namana ang kanyang talento.
Naghanda na kami ng anak ko para sa family day. Nagtataka ako kung bakit hindi man lang siya nagtatanong tungkol sa kung sino ba talaga ang tatay nya. Family day kasi 'yon. Nag-aalala lang ako sa mararamdaman niya.
"Sean?"
Inalis niya ang atensyon sa Psp saka tumingin sakin, "Po?"
"May mga kasama bang parents ang iba mo pang classmates?" Tanong ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagdadrive.
"Ofcourse, mom. Family day po 'yun."
Napabuntong hininga naman ako, "Anak kasi...ano, diba yung iba mong kaklase may kasamang daddy?"
Tumingin siya sakin at ngumiti, pero hindi umabot sa pisngi niya. "Yun po ba ang inaalala nyo? Okay lang 'yun, nagsabi na ako kay tito Clyde. Pumayag siyang sumama."
"Huh? Anak, baka naman busy siya. Naku."
"Hindi 'yan, mom. Malakas kaya ako 'don."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sobrang close kasi nila ni Clyde. Si Clyde Montero ay kabatch ko nung college. Ex-suitor ko siya, actually. Pero hindi ko sinagot kasi may mahal akong iba. Ayoko siyang saktan. After ng Graduation nung college, hindi ko na siya nakita. Naputol ang communication namin. Tapos nung pumunta akong ibang bansa, doon kami nagkita. At first, akala niya may asawa na ako but I told him na wala kahit boyfriend. Halata na kasi ang baby bump ko noon kaya siguro nagkamali sya.
Siya lang ang nakakaalam kung sino talaga ang totoong ama ni Sean. Unexpected ang pagkikita namin pero pinagkatiwalaan ko na siya. Well, siya kasi ang nandyan nung mga panahong kailangang-kailangan ko siya. Nalaman ko rin na isa pa lang sikat at magaling na photographer, model at dancer si Clyde. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.
Good catch si Clyde. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang mahalin after all these years. Nakakainis kasi na-stuck ako kay James. Siya pa rin. Alam ko, dadating din ang panahon na magiging ayos rin ang lahat. Everything will fall back into the right places.
Nakarating kami sa bahay ni Clyde after a 30-minute drive. 7:30 pa lang ng umaga. Sabi naman ni Sean, 9 pa daw ang simula ng program. But we have to make sure na nandun na kami bandang 8:30 kasi magpapractice pa daw sila ng sayaw.
Namataan ko si Clyde na kalalabas lang bahay nya. He's really a head turner. He looks good on his blue-green polo shirt, the same as mine. Nakasuot siya ng faded ripped pants na bumagay sa suot nyang Vans. Poging-pogi at fresh na fresh ang porma nya ngayon.
"Hi." Bati nya sa akin.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya, "So? Ano? Tara na?"
Tumango naman siya sakin.
...
Bandang 8:20 na kami nakarating sa school ni Sean dahil dumaan pa kami sa Jollibee para bumili ng kakainin namin. Good thing kasi hindi maarte si Clyde sa pagkain. Basta maayos abg pagkaka-prepare ng food, solve na sa kanya. Nagtataka nga ako kung paano nya name-maintain ang maganda at well-built nyang katawan kahit hectic ang schedule nya. Buti nga't naisingit nya pa kami ni Sean.
"Hindi ganun, Clyde. Baka kasi busy ka. Nakahiya sayo."
Kinagat nya ang fries bago tumingin sakin, "No worries. Okay lang. Off ko ngayon sa trabaho. 1 week ang ibinigay ng buong management sa kin kaya okay lang yan."
"E? Mabuti naman. Atleast, makakapagpahinga ka na."
Kasalukuyan kaming kumakain. Nakapagperform na rin ang group nila Sean, ang DXIL. Parang comeback din ng group na 'yun dahil may bagong member. Si Clyde pala ang may hawak sa DXIL. Parang siya ang pinaka-manager. Ngayon ko nga rin nalaman na si Clyde rin ang choreographer nila.
"Nga pala, kailan mo balak sabihin kay Sean ang totoo? Kung sino ang totoong daddy nya?"
Nagkibit balikat lang ako, "Ewan ko rin Clyde. Hindi ko rin alam."
Isang taon na ang nakakalipas ng makabalik kami sa Pilipinas. Nasa Batangas kami ngayon at hindi ko alam kung kailan kami luluwas ni Sean para sabihin kay James ang totoo. Nagpapractice pa ako kung ano ang sasabihin sa kanya. Juice colored! Gabayan naman sana ako ni Lord.
"Kailangan mo ng sabihin. Dadating ang panahon na malalaman nya. Kaya, be ready. H'wag kang magtataka kung bigla ka na lang uriratin ng anak mo."
And with that, I gasped.
BINABASA MO ANG
My Beki Husband
AléatoireLOVE WINS. Zeexhie x James All Rights Reserved - 2016. ELLAYUMI ™ Highest Rank: #40 (As of June 08, 2017 * 7:23 PM) - cover made by yours truly, photo not mine