Chapter 7

2.5K 66 5
                                    

Italicized words - Flashback. (Except for the author's note)

Chapter 7.

Akala ko'y nagbibiro lang si James na may reunion pero hindi pala. May nagtext sa akin kanina na unknown number, at sinasabing may reunion daw kami sa mga ka-batch namin nung high school. Tsineck ko rin ang Facebook fanpage ng school na pinapasukan namin dati, at mukhang totoo nga na meron.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa akin ng mga ka-batch namin ni James. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila? Sasabihin ko bang, 'Hello everyone! Asawa ko, si James.'? Ang awkward naman yata 'non. Alam kasi nilang bakla si James dati tapos mabubulikat na lang nila na asawa ko na ngayon at may anak na rin. Juicecolored, nakakahiya.

Nag-ayos na ako ng sarili. Pinili ko na lang 'yung dress na iniregalo sa akin ni Cylde last birthday ko. Naitext ko na rin si siya na may reunion kami with our high school batchmate. Sinabi niyang makakapunta siya pero mahuhuli lang konti dahil may photoshoot pa siyang tatapusin.

Naisip ko na hindi pala dapat ako kabahan since karamihan naman sa mga ka-batchmate namin ay alam na may gusto ako kay James dati. Nakakahiya, grabe.

Ilang minuto rin ang inabot para makarating kami ni James sa aming destinasyon. Medyo gumaan ang atmosphere between us dahil panay ay biro niya habang nasa byahe kami. Well, karamihan sa mga 'yon ay naughty.

Jeez. Ano pa bang aasahan mo sa taong 'yon? May kamanyakang taglay ay isang 'yon e. Hindi pa 'rin talaga ako makapaniwala na ang pinagpapantasyahan kong bakla dati ay asawa ko na ngayon. Partidang umamin siya na hindi siya bakla at tunay siyang lalake. Parang napakakirap isink-in sa utak. Ang hirap i-absorb.

Hawak ni James ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa Alumni Hall ng school. Medyo matao na rin sa loob ng campus pero hindi pa naman ganon ka-crowded. Tahimik lang si James, nagpapaka-keen observer.

Pansin ko yung mga pamilyar na mukha. Mga kakilala ko dati, mukhang 'yung iba nga ay mga asensado na. Nakakatuwa ngang isipin na karamihan sa batch namin ay mga professionals na. Masasabi mong may maipagmamalaki na talaga. Pero kahit na mga asensado, hindi nagyayabang. Hands down na talaga ako sa mga teachers namin dati.

Nagpaalam muna si James na pupunta sa restroom kaya naiwan ako ditong mag-isa. Sanay naman akong maiwan. Dejoke lang.

"Zeexhie!"

Napamulagat naman ako ng may biglang tumawag sa akin. Liningon ko ito at laking gulat kong si Trina pala. Ang bestfriend ko.

"Uy, Trina. Hehe, kamusta?"

"Okay naman ako. Haha! Balita?"

Ipinakita ko sa kanya ang kamay ko. "OMG! Kasal ka na?"

Para namang ewan e. "Obvious ba?"

"Ikaw naman. Haha, asan asawa mo?"

Sinabi kong nag-CR lang si James. Hinala niya ako sa table nila tsaka naman biglang dating ni James. Ipinakilala ko si James kay Trina at mukhang hindi talaga siya makapaniwala. Bigla na lang itong nagtitili na parang bangag at ayun nga, nakaagaw na kami ng atensyon dito.

Napa-face palm na lang ako. Nakakahiya talaga si Trina. Sabi na e.

Sinipat ko ang wristwatch ko, saktong ala una y medya na. Mamaya pa naman ang flight namin ni James. Kaartehan kasi neto, may honeymoon pang nalalaman. Pisti lang.

"Hindi talaga ako makapaniwala na kayo pala ang magkakatuluyan. No offense meant, ha? But atleast, masaya kayo." Sabi ng isa din naming kabatch-mate dati.

Well, masaya nga ba ako? I think, oo naman. Siguro unti-unti ko na rin na natatanggap ang estado namin ni James ngayon. Inaamin ko na mahal ko pa rin siya. Hindi naman kasi magbabago yun kahit na ilang taon akong hindi nagpakita sa kanya.

My Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon