CHAPTER 4
ZEILEEN'S POV
Matapos naming kumain at maglibot-libot, nagpaalam na saakin si Gyona.
May date kasi sila nung boyfriend niya, kainggit.
Naisipan ko namang maglakad-lakad muna at baka may mahagip 'yong maganda kong mata ng store, carinderia o kung ano man diyan na naghahanap ng pwede nilang katulong. Malay niyo 'di ba?
Kaso napatigil ako kaagad dahil sa nakita ko.
"You again?" he said with an irritating voice.
I rolled my eyes.
Hah! Ayaw ko din naman siyang makita a!
Ano ba kasing ginagawa ng lalaking 'yan sa harapan ko? 'Di ba artista 'yan? Dapat nagsho-shooting 'yan o kaya nagpapahinga.Psh, baliw ang isang 'to.
"Excuse me? Do I know you?" painosente kong tanong.
Bakit ba? 'Di ko naman talaga siya kilala 'di ba?
"What the h*ll? Don't act like you don't know me, stupid." and then he grinned.
O edi ikaw na gwapo! Pwe, na-stupid tuloy ako.
Nakakainis talaga ang isang 'to. Nasisira araw—no, scratch that, nasisira buhay ko ng dahil sa bakulaw na 'to.
"So, what's your problem?" nakataas-kilay kong tanong.
He shrugged. "What are you doing here?" he asked.
Ay grabe, sinagot niya iyong tanong ko ng isang tanong. Ang galing 'di ba?
At saka 'di ba nga dapat ako nagtatanong niyan?
"I think I should be the one asking that. So, what are you doing here, Mr. Arrogant? Don't you have shootings or any appointments?" nagtataka kong tanong.
Nagpamulsa lang siya at ngumiti.
Grabe! Ang gwapo niya doon a!
Kung siguro hindi mayabang ang isang 'to, nagkagusto na ako sa lalaking 'to—Oh crap! Ano ba pinagsasabi ko? No, I should be loyal to Kurt.
"You talk too much. I don't have shootings; there are no songs for me to record or any appointments. And I don't want to stay inside my condo either. That's why I'm here. I just want to be alone, and walking in streets like this relaxes me." sagot nito.
BINABASA MO ANG
Midsummer Dream
RomanceLong has been the distance I covered without you, and my heart has adopted the habit of living without you, yet it wants you back.