Drew and Zeileen in the multimedia part :)
-
CHAPTER 5
ZEILEEN'S POV
Buong araw, tinuruan ako ni tita Irene ng mga dapat kong gagawin at bukas daw, magsisimula na akong mag-trabaho.
And yeah, tita ang tawag ko sakaniya instead of ma'am or whatsoever. Siya narin kasi mismo ang nagsabi saakin na dapat tita ang itawag ko sakaniya. She's weird.
"Zeileen!" biglang tawag saakin ni Gyona pag-uwi ko sa bahay nila.
"Hoy Gyona! Ang ingay mo ha!" reklamo ni Vince.
Parang ewan ang dalawang 'to.
"Sorry, baby." naka-ngiting sabi ni Gyona kay Vince.
"Kiss mo muna ako." parang bata na sabi ni Vince sabay nguso.
Pinisil naman ni Gyona iyong pisngi ni Vince. "Ang pangit mo talaga!" at saka niya ito binatukan.
"Masakit iyon a!" nakasimangot na sabi ni Vince.
Natawa naman ako sa dalawang 'to, ang cute kasi nila tignan e.
"Saan ka galing?" she asked.
"Well, may ikwekwento ako sa'yo." nakangiti kong sabi.
Umupo kami sa sala. Pati na rin si Vince naki-tsismis.
Nag-simula naman akong magkwento.
Kwinento ko lang naman kung paano ulit ako nagka-trabaho.
"Woah, he got my respect! Grabe, ang swerte mo girl!" at saka niya ako hinampas habang tumatawa.
"Well, maybe. Thanks to him." I said while smiling.
"'Di kaya, may gusto siya sa'yo?" napatigil naman kami sa pagtawa ni Gyona dahil sa sinabi ni Vince.
"Aray!" e kasi hinampas ko siya sa braso.
"Baliw ka ba? Impossible 'yang sinasabi mo noh!" sigaw ko sa mokong na 'to.
May gusto saakin? Agad-agad? Psh, kalokohan.
He shrugged, "Malay mo lang naman 'di ba?"
Umiling ako, "Malabo pare."
BINABASA MO ANG
Midsummer Dream
RomanceLong has been the distance I covered without you, and my heart has adopted the habit of living without you, yet it wants you back.