Gyona and Zeileen in the multimedia part.
-
CHAPTER 3
ZEILEEN'S POV
"Zeileen, pinapatawag ka ni ma'am." nakasimangot na sabi saakin ni Gyona.
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko.
Lagot ako nito.
"I'm dead meat, right?" natatawa kong sabi.
"Baliw ka, halika ka na nga." nakasimangot nitong sabi.
Grabe, kakasimula ko pa lang ng trabaho ko mapapagalitan kaagad ako.
Great right?
Hindi naman ako nagkamali, kasi pagpasok ko pa lang sa office ni ma'am, sigaw na kaagad ang natanggap ko.
Mabuti nalang at hindi pa ako naalis sa trabaho ko.
Isang mali ko nalang daw, itatapon na ako sa labas ng bar.
"Sorry Zeileen, feeling ko kasalanan ko." nakasimangot na sabi saakin ni Lea pagkalabas ko ng office ni ma'am.
Natawa nalang ako at pabirong hinampas siya sa braso.
"Ang drama mo!" natawa naman iyong ibang waitress. "Tara na nga, magtrabaho na tayo." they all nodded.
Nagsimula ulit kaming magtrabaho.
Around 11:00 nung pinayagaan na kami ni ma'am na umuwi.
"You okay?" Gyona asked pagkarating namin sa bahay.
"No." tipid kong sagot at binigyan siya ng pilit na ngiti.
"Ano bang nangyari?" tanong nung boyfriend saakin ni Gyona.
Chismoso din ang isang 'to.
"Wala, may baliw lang kasing customer kanina. Biruin niyo, nalate lang ako sa pagbigay sakaniya nung order niya, kung anu-ano na sinabi saakin." naiinis kong sabi.
Ugh, nagfla-flashback nanaman iyong mga nangyari kanina!
Grabe! Sana pala hindi lang sampal iyong ginawa ko sakaniya!
BINABASA MO ANG
Midsummer Dream
RomanceLong has been the distance I covered without you, and my heart has adopted the habit of living without you, yet it wants you back.