CHAPTER 7
ZEILEEN'S POV
9:00 na noong makarating ako bahay nila Gyona.
Nahiga kaagad ako sa kama ko.
Pagkatapos akong ihatid dito ni Zack, umalis din naman siya kaagad.
At syempre, se-sermonan muna ako ng dalawang love birds bago ako matulog.
I closed my eyes.
Si kurt kaya iyon?
Napailing ako. Hindi siguro, kasi kung siya man iyon dapat namukhaan din niya ako.
Pero paano kung siya nga? 'Pag hindi kaya dumating si Zack noong oras na 'yon, magkikita na kaya kami?
Napatingin naman ako sa picture niya na nasa cellphone ko.
Ang gwapo parin niya. Malaki din ang pinagbago niya.
I laugh bitterly.
Mababaliw na ako dito e, nagda-drama nanaman ako.
I sighed at inilagay sa side table ko iyong phone ko.
Itutulog ko nalang 'to.
****
Almost 2 weeks na akong nagta-trabaho kay tita Irene at feeling ko nalibot ko na 'yong buong Tagaytay.
Tinext naman ako ni mama, okay lang naman daw sila kaso si papa ina-take nanaman ng sakit niya.
Si Kurt? Wala paring balita. Minsan lang naman kasi siya mag-post sa facebook account or instagram niya e.
"Good morning po!" bati ko.
"Good morning hija. You ready?" Tita Irene asked.
I smiled and nodded. "Oo naman po."
Kinuha niya iyong maliit na papel sa table niya at ibinigay saakin.
"Tatlo lang 'yan kaya maaga kang makaka-uwi. You take care okay? Call me when you need help."

BINABASA MO ANG
Midsummer Dream
RomanceLong has been the distance I covered without you, and my heart has adopted the habit of living without you, yet it wants you back.