CHAPTER 6

2 1 0
                                    

Aaron Park<3



CHAPTER 6




ZEILEEN'S POV




ASDFGHJKLQWERTYUIOPZXCVBNM.


What the h.ck?! Is he on drugs?!


At dahil hindi ko alam ang ire-react ko sa sinabi niya, isa lang ang nagawa ko sa ungas na artistang 'yon.


Ano? Edi sinapak ko. Iyong sobrang lakas.


The eff, where the h.ll did he get his confidence?! 'Di man lang ba siya natakot o kinilabutan man lang sa sinabi niya?


"Ouch!" reklamo niya.


Ha, mayabang ka kasi!



Eksakto namang bumukas 'yong elevator.

Lumabas kaagad ako at hinarap siya habang nakataas-kilay.


Nakahawak siya sa may bandang likod ng ulo niya malapit sa batok at nakangiti, iyong ngiti na nakaka-asar pero—nakaka-inlove.


Shocks, ang gwapo niya!



Napa-iling nalang ako. Nababaliw na ako e.


"You deserve that, stupid." nilabas ko iyong dila ko at binelatan siya at saka naglakad na papunta sa office ng secretary.


Mamaya mapagalitan pa ako nun e.





"Thank you." naka-ngiti nitong sabi pagkabigay ko nung order niya.

"Yes ma'am, thank you din po." I said as I gave my sweetest smile.


Lumabas naman agad ako at naglakad ulit papunta sa elevator.



Tumayo ako sa tapat ng elevator at hinihintay ito na magbukas.


Napatingin naman ako sa papel na ibinigay ni tita.

May lima pa akong pupuntahan para mag-deliver.




Nagulat ako noong may biglang tumabi saakin na dalawang lalaki sa right side ko kaya naman napatingin ako.

Midsummer DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon