Loving a Shitty Four Eyed| Prologue

67 7 0
                                    


Paano ba malalaman kapag mahal mo na yung isang tao?

kapag ba bumibilis yung pagtibok ng puso mo kapag nakikita mo siya?

kung nag-iinit ba yung mga pisngi mo sa tuwing ngumingiti siya sa iyo?

o kaya naman kapag ba para kang matatae sa tuwing kinakausap ka na niya?

Symptomas ba yan kapag in love?

di ba parang ang labo naman yata nun..

di naman kasi porket naramdaman mong bumibilis yung tibok ng puso mo kapag nandiyan siya, mahal mo na kaagad di ba?

Love can be deceiving sometimes kasi eh..

marami itong diskripsyon na iba iba sa bawat sitwasyon..

merong akala nila mahal nila pero hindi pala, hindi pala dahil attracted lang sila sa taong yun.

meron namang nagsabing hindi na nila mahal dahil wala ng nararamdaman at magigising na lang isang umaga sa katotohanang mahal pala talaga nila..

meron namang alam nilang mahal nila pero sa paglipas ng panahon nalimutan na, masyado kasing nabaun sa kaibuturan ng kinakalawang nilang mga puso..

at eto ang pinaka- sa lahat..

mayroon ding hindi alam kung mahal ba nila o hindi, dahil sa masyado silang insensitive, sila kasi mismo hindi alam kung paano magmahal ng mga sarili nila..

Nakakatawa lang di ba..

Alin ka kaya sa kanila?..

Alin kaya ako sa kanila?

Akala ko mahal ko,
*ay hindi attracted lang pala hehe*

Mahal ko pala talaga,
*na-Amnesia lang po, pasensya na*

Alam ko mahal ko,
*kaso wala eh, Afraid kasi kaya nganga*

Hindi ko alam kung mahal ko,
*what is love Anyway? Paki-explain essay type. Please*

Hahaha kayo kaya alam niyo ba kung saang categorya ako?

Alam niyo yun?

hindi ko naman kasi naramdamang bumilis yung tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya pero masaya ako kapag nandiyan siya.

At hindi pisngi ko ang umiinit kundi yung ulo ko! Iba na kasi kapag ngumiti na ang taong yun, mangdadamay na naman yan ng may buhay!

and yes, alam ko rin yung feeling ng matatae kapag kinakausap niya na ako pero yung feeling ng matatae dahil sus! Bigla itong sumeryoso! Kaloka kaya yun! Nakakatakot!

Ano ba ang dapat maramdaman o saan ka ba dapat lulugar kung masyado kang nasanay sa presensya ng isang tao..

kung matagal mo na siyang kilala at nakasama..

kung halos naging parte na siya ng pagkatao mo..

masasabi mo bang mahal mo siya o maco-confuse ka lang?

between being a family and a friend?

between seeing a friend or a guy?

Paano nga ba?


******

Tnx for clicking Loving a Shitty Four-eyed ^^

Loving a Shitty Four EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon