6 | Let's Sleep Together

31 6 0
                                    

Leigh's POV

Tumigil na ako sa pag-pagpag sa kama ng masiguradong okay na ito at wala nang anumang piraso ng chichirya na nahulog kanina. Maya-maya't bumalik na rin si Yane sa kwarto, huminto siya sa harapan ko atsaka ibinigay yung hawak niyang baso sa akin.

"Oh" sabi niya na mukhang nagdadabog pa yata.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya at kinuha yung baso na naglalaman pala ng tubig. Ang thoughtful naman nitong best friend ko, di ko maiwasang ngumisi kahit mukhang badtrip ito.

"Anong oras mo naman planong umalis?" nakapameywang na tanong nito habang umiinom ako ng tubig.

"Dito ako matutulog" tugon ko na mukhang ikinagulat pa yata niya.

"Okay ka lang? Hindi pwede" seryosong sagot nito sa'kin.

Ano't teka?

Palagi naman akong nakikitulog dito ah!

"Hindi pwedeng hindi" seryoso ko ring sagot sa kanya.

"Aist! Hindi ka ba nakakaintindi ng salitang privacy!?" napapadyak pa na reklamo nito.

"Bakit ba?" inilagay ko muna yung baso sa bed side table saka ko siya hinatak para sabay kaming mahiga sa kama.

"Oi! Ikaw?! Naku! Alam na ba to ni Stella?" naiinis na tanong nito na napapahampas pa sa balikat ko.

Ano namang kinalaman ni Stella dito?

"Hindi, bakit?" balik tanong ko naman habang iinayos ang pagkakahiga sa kama at kinuha na yung eyeglasses ko at inilagay sa bed side table sa tabi ng baso.

"Bakit naman hindi?" tanong nito. "Dapat sinasabi mo nga to sa girlfriend mo eh" dagdag na talak pa niya.

"Anong sasabihin ko? Na dito ako natutulog sa kwarto ng bestfriend ko?" blankong tanong ko sa kanya. Di ko kasi maintindihan pinagpuputok ng butsi niya eh. Lagi naman akong natutulog dito ah!

"Ng best friend mong babae" wala ka kurap-kurap na sagot nito sa akin.

"Eh ano naman ngayon? Ah teka!" I snap my fingers on the air when I realized something. "Sa tingin mo ba magseselos yun?" baling ko sa kanya.

Hindi ito nakasagot. Ow? Hit the point. Yow?

"Sa iyo?" parang naninuguradong dagdag ko pa saka tumawa ng malakas. Ang epek! Ahaha! Namula kasi na parang kamatis yung mukha niya. Ang cute! Kaya nga ang sarap pikonin ng babaeng to eh!

"Hindi yun ang! Ulol! Argh! Ang sagwa kayang tingnan, sa tingin mo ba okay lang sa kanya to? Try mo kayang tanungin para maintindihan mo!" nag-uusok ang ilong na bulyaw nito sa akin at saka bumangon pa sa kama.

"Tch. Okay' okay chill lang! Sasabihin ko sa kanya bukas, pero sa ngayon dito ako matutulog" tinaas ko yung mga kamay ko na para bang sumusurrender dito. Ayoko nang makipagtalo sa kanya baka palayasin talaga ako eh! Di naman to ang unang beses kasi na pinapaalis niya ako at pinaalis talaga ako!

"Sigurado ka?" naniniguradong tanong pa nito.

Bakit? Mukha ba akong di mapagkakatiwalaan?

Sa gwapo kong to?! Naks!

Bakit ba kasi kinakailangan ko pa tong' sabihin kay Stella? Alam naman nito na parang kapatid ko na si Yane, kaya sure naman akong wala itong pakialam kung sobrang close namin sa isa't isa.

Kahit na sa pagtulog?

Oh well' wala naman kaming ginagawang milagro. Haha!

"Oo' naman" pagsang-ayon ko.

"Talaga lang ha?" hindi pa rin natitinag niyang tanong.

Haist!

"Anu bang ipinag-aalala mo eh' asal lalaki ka naman kaya hindi to' big deal" pagbibiro ko na dito, ayaw maniwala kasi eh.

"Ah ganun? Lumayas ka na, ngayon din!" inis na namang utos nito sabay turo pa sa bintana.

"Joke lang! To' naman!" nang-aalong tugon ko, saka pacute na ngumiti habang kumilos sa higaan palapit dito at dali-dali kinuha ang mga kamay nito saka mabilisan siyang hinila pabalik ng higa sa kama.

Hindi na ito nakahuma ng buong higpit ko itong niyakap pagkahigang pagkahiga namin!

Matutulog ako dito sa ayaw at sa gusto niya!

Yane's POV

"Lumayo ka nga!" mahina kong reklamo habang tinutulak si Leigh gamit nang dalawa kong mga kamay. Ang bigat kasi ng pagkakadagan sa akin.

Napakawala talagang sense ng lalaking to! Oo' nakikitulog nga to' sa kwarto ko for almost 3 years pero napaka-inappropriate lang kasi! Okay lang noon kasi mga bata pa kami at walang malisya pero ngayon?!

Wala pa rin namang malisya! Pero naku! malapit na kaming magturn nang 16 tapos ganito pa rin to! Aist! Tsaka three months na nitong girlfriend si Stella kaya dapat malaman nito kung anong pinagagawa ng nobyo.

Sumasakit kasi ulo ko sa four eyed na to eh. Mabuti ngang malaman to' ni Stella para matigil si Leigh sa nakasanayan niya. Ako kasi ang nastre-stress!

Tiningnan ko si Leigh, di na kasi ito umiimik.

Kaya pala. Hayys.

Mahimbing na pala itong natutulog, sana ganito na lang ka peaceful kausapin si Leigh kapag gising, yung tipong wala itong kaproble-problema patigilin.

Yung ganito ito kadefenseless at hindi suplado. Napaka-amo talaga ng mukha ng lalaking ito kapag tulog. Parang anghel lang...

"Makatulog na nga lang din, maaga pa kami bukas eh." naiiling na kausap ko sa sarili saka pilit na pinikit ang mga mata.

Haist. Ang hirap talagang magpaka-early bird kapag nocturnal type ka.

Di naman totoong lahat ng Virgo early bird. Di ba?

*******************
(A/N Uyy. Yane #ChangeTopic siya. Ehehe yan lang po note ko =*)

Loving a Shitty Four EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon