-+*School*+-
"Aaaah! Nakita mo? Ang ganda ganda niya talaga di ba?!" rinig naming tilian ng mga lower class years ng mapadaan kaming tatlo. Ako, si Hana at si Sam. Kahit hindi ko tanungin alam ko naman kung sinong tinutukoy nila eh.
"Nakita niyo girls? Ako na! ako na talaga! Akong ako na talaga!" mahangin na pagturo ni Hana sa sarili habang feel na feel na iwinagayway pa ang buhok niya.
"Ang ano ka model ng shampoo?" pasaring ko dito, ang ingay kasi eh.
Mahina namang napatawa si Sam sa gilid.
"Haist! Kayo naman eh!" nagpapadyak pa ito sa sahig na parang bata sabay tulak ng mahina sa akin.
"Uyy. Wag kang ganyan may mga fans ka sa paligid" suway ko dito habang lumilinga-linga sa magkabilang side.
"Oo nga' ang arte mo" sabi naman ni Sam na pinapatigil rin si Hana.
Hehe. Ang kulit eh, di talaga uso dito ang salitang humble. Alam naman namin na siya ang tinutukoy ng mga kababaihan sa paligid. Nagpapakaobvious pa.
Pamilya kasi nina Hana ang sikat na may ari ng isang cosmetics company dito sa district namin. At sa katunayan hindi lang dito sa lugar namin kilala ang company nila dahil pati sa mga neighbouring districts at ibang bansa ay may branches rin ang Hana. Yess, Hana Company ang pangalan ng cosmetics business nina Hana. Ipinangalan kasi ito sa flower ng lola niya noon na nainlove sa isang Japanese soldier, kaso lang life is a bitch like that. Ika nga. at dahil tragic story, I won't go deeper because we're talking about the company. ^^ Ipinangalan naman ng mommy ni Hana ang companya sa kanya dahil nag-iisang anak ito at kapanganakan niya rin yung time na ipinasa ng lola nito sa mommy niya ang pamamalakad sa company.
Actually nga, isa ring signature labeled brand ang Hana ng country, dahil sa original itong gawang pinoy, bukod kasi sa magandang quality na masusing pinag-aralan at pinalakad na sa maraming taon ng pamilyang De los Reyes, ay hindi maikakailang sa paglipas ng maraming panahon ay mas lalo itong gumagawa ng malaking pangalan sa industria, lalo pa ngayon na high-technology na at imported rin sa ibang bansa ang ibang ingredients ng mga cosmetic products nila.
"Nakita niyo na ba ang cover ng Hana Cosmetics Magazine?" bigla itong tumigil at kumikislap ang mga matang tinanong kami.
"Wala, busy ako" simpleng sagot ni Sam.
Laglag bagang tiningnan ito ni Hana at saka bumaling sa akin with hopeful teary eyes pa.
Nakakaconsiensa naman ang baliw na'to, di ko rin nakita eh!
Tch. Alangan namang magsinungaling ako.
"Busy rin ako" sabi ko dito at saka mabilis na tumingin sa kabilang side.
Ayokong makita ang epek nitong pagmumukha! Hindi ko kasi alam kung maaawa ako o matatawa sa kanya.
"Waah. Nakakainis naman kayo. Friends ba talaga tayo?!" Palatak nito at muli na namang nagpapapadyak.
BINABASA MO ANG
Loving a Shitty Four Eyed
RomanceWe're the puzzle I can't fix. A million pieces still missing. When I look at you and me. I still can't tell what this is. But it is out of my control. Love's a hole you said you don't want to fall in, but you keep falling. ********** The copying, up...