8 | Wait? What!

17 5 0
                                    

"Yane pinapatawag na tayo ni Doc. Jean sa infirmary" sabi ni Stella sa akin, habang nagliligpit kami ng mga gamit, P.E kasi yung next class kaya kinakailangan nang pumunta sa East Gymnasium, dun kasi yung para sa mga Grade 10 P.E class, pero kaibahan sa iba naming kaklase, student medical assistant rin si Stella kaya hindi kami sa East Gymnasium (EGym) pupunta kundi sa infirmary.

"Tara na?" tanong ni Niza, isa ring medical assistant. Tatlo kami ang student representative ng section namin, dumaan kami sa medical training noong summer ng Grade 9 bago kami maging Grade 10 para maging isang medical student assistant ng infirmary.

"Okay" tugon ko sa kanila sabay sukbit nang bag ko at sumunod palabas ng classroom.

"Kitakits mamaya" paalam ni Hana at kumaway sa amin.

"Kitakits din! At Sam mamaya!" baling ko dito na tinutukoy ang pagtingin sa Hana Magazine, papalabas rin silang dalawa ng classroom.

"Okay, See yah" tugon naman nito sa amin at tumalikod na saka tinahak ang kabilang direksyon.

Magkahiwa-hiwalay kasi kaming tatlo sa sheduled time na to.

Pupunta sa CAT Headquarters si Sam, samantalang si Hana naman ay sasabay sa iba pa naming mga kaklase papuntang EGym.

Exempted kasi kaming dalawa ni Sam sa P.E class dahil sa mga extra curricular activities naming dalawa, samantalang si Hana ay kinakailangan namang umattend nun, mabuti rin daw yun para maalagaan nito ang body figure niya. Haha. May nalalaman pang ganun eh, alam naman naming di nito trip yung mga extra curricular activities.

Kaming tatlo naman nina Stella at Niza ay naglakad na papuntang clinic. Naguusap kaming tatlo nang bigla na lang akong mapahinto dahil may mga brasong biglang dumagan ng akbay sa balikat ko. Tiningnan ko ang may ari nun at bumungad ang ngingisi-ngising pagmumukha ni Four eyed.

"Hey!" sabi ni Leigh sa akin.

"Anong kailangan mo?" tanong ko dito.

"Wala" sabi lang nito at malapad na ngumiti saka bumaling kay Stella habang akbay pa rin ako.

"Hey Stella, may gagawin ka mamaya?" pacute na tanong nito.

Ang bigat naman ng lalaking to. =___=

"Uhm. Wala" tugon naman ni Stella dito at saka ngumiti rin.

"Mabuti. Mamaya pagkatapos ng klase hihintayin kita sa labas ng school, okay?" sabi nito at saka bumaling sa akin "ikaw din".

Ha? Bakit pati ako?

"May gagawin ako." tugon ko dito na ikinasimangot ng pagmumukha niya.

"Anong gagawin mo?" chismosong tanong nito sa akin.

"May usapan kami nina Hana at Sam kaya di ako pwede" simpleng sagot ko dito.

"Tch. Okay" walang gana nitong tugon.

"Leigh tara na!" sigaw ng isang kaklase naming lalaki sa di kalayuan.

Loving a Shitty Four EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon