4| He Capture Me (Again)

32 6 0
                                    


"Waaah!" impit kong sigaw ng muntik na akong maabutan ni Leigh, buti na lang at nakaiwas ako. Syett lang! Ambilis niya! Pero konti na lang talaga at malapit na ako sa kwarto ko!

"Ate? Anu ba yan, ang ingay!" reklamo ni Yno, yung bunso kong kapatid na lalaki, lumalakad siya sa direction ko kaya masasalubong ko ito!

"Tumabi ka! Bilis!" agad naman itong napahinto at umiwas.

"Teka' Kuya Leigh?" medyo nagulat pa si Yno ng makitang nakasunod si Leigh sa likuran ko.

"Oww'" mukhang nagets nito kung anong nangyayari dahil malademonyo itong ngumisi at hadlangan ba naman ulit yung dadaanan ko. Gago lang!

"Tumabi ka gago! Mapapatay talaga kita!" nagmistula tuloy kaming nagpapatintero. Kung saan kasi ako hahakbang hinaharangan niya at pucha lang! nararamdamanan kong malapit na talaga si Leigh!

"Oh Kuya!" ngumisi si Yno bago ako itulak pabalik, agad namang may mga brasong sumalo sa'kin at mahigpit na hinawakan ang magkabila kong kamay, paekis nito yong iniyakap sa beywang ko saka mabilisan akong binuhat.

"Thanks bro" sabi dito ni Leigh at nakipagfist bump pa muna sa traidor kong kapatid bago nito binuksan ang kwarto ko at saka ako sapilitang binitbit papasok.

"Haha. No probs kuya! Basta ikaw." natatawa namang tugon ng mokong.

"Oo! hindi rin ako magsisising pumatay basta ikaw!" asik ko naman sa kanya pero nagwhistle lang ito atsaka tumalikod na at naglakad palayo. Denedma ako!? Gago talaga!

Nilock ni Leigh ang pinto habang patuloy pa rin akong binibitbit.

"Bitiwan mo ko!" sigaw ko sa kanya habang nagpupumiglas na makawala.

"Pano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?" nangaakit ay este! Nambwibwiset na bulong nito sa likod ng tenga ko. Feeling ko tuloy seryosong ng matatae talaga ako. Kinikilabutan tiyan ko eh!

"Sisipain ko yung ano mo! Ah basta! Alam mo na yun!" naghihiyawan kong baling dito. Napakamanyak kasi ng pagkakahawak sa kin eh!

"Naku, wag baby di tayo makakagawa niyan" again he teasingly whispers against my ear at hinimas pa yung magkabilang braso ko!

Sinong? Ano?!

"Asa ka Leigh!" namumula ang mukhang bulyaw ko malapit sa tenga niya, tutal mahilig naman itong mangtrip dun.

"Aray! Ang sakit mo talaga sa eardrums!" palatak nito at saka ako binitawan na para himasin yung tenga nito."At asa? Baka ikaw" baling nito at saka madilim akong tinitigan.

"San' ka galing?" nakakunot-noong tanong niya sakin.

"W-wala ka na dun" sagot ko naman na di mapigilang mapaatras. Mukhang mangangain kasi ng tao eh!

"Sigurado ka?" humakbang ito palapit samantalang sinunod ko naman ito ng paatras, keeping a certain distance between us.

"Bakit ba? Wala naman akong kasalanan ah! Sa katunuyan nga dapat ka pang magpasalamat sa'ken dahi--- waah!" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil kumaripas na naman ako ng takbo at nilakbay ang kama pupunta sa kabilang side nito. Samantalang si Leigh naman ay nasa kabilang side. Mabuti na lang at hindi ako nito naabutan, medyo may kalakihan kasi tong' kwarto ko,pero kahit na! knowing Leigh di niya talaga ako titigilan.

"Bakit ka ba nang hahabol!?" bulyaw ko dito mula sa kabilang dulo ng kama.

"At bakit ka rin ba tumatakbo!?" ganting sigaw din niya at saka tinangkang habulin ulit ako pero siyempre alangan namang magpahuli na lang ako noh!?

"Nakakatakot ka kasi eh!" padabog na reklamo ko agad ng huminto na naman kami.

Nagkapalitan na kaming dalawa ngayon ng pwesto.

"So natatakot ka?" ngumisi ito.

"Ano? Sinong may sabi" pagmamaang-maangan ko na ikinasimangot naman ng mukha niya. Never ko yung uulitin! Kala mo! :P

"Ah! Ganun? Tingnan natin." This time seryoso na talaga akong hinabol ni Leigh kaya napadiretso ako sa pintuan ng kwarto para lumabas ng Pucha! Nakalock ang pinto! Dali-dali kong pinihit ang siradura ngunit
"Baam!" muntik pa akong mapatalon sa pwesto nang malakas na dumapo ang isang kamay nito sa pintuan para itulak ito pabalik, samantalang ang isang kamay naman nito ay mahigpit na ikinulong ang kamay kong nakahawak sa siradura para pigilan ako sa pagpihit nun at hopia na malagket! hindi lang pala kamay ko ang nakakulong pati ako! He was pinning me against the door kaya ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng katawan nito mula sa likuran.

"Captured" Leigh said from above me, nakayuko ito sa akin dahil mas matangkad kasi siya ng mga 5 inches.

Tiningala ko na lang ito saka blakong tinitigan. Napagod ako kakatakbo eh. Teka? Bakit ba ako tumatakbo? Aist! Kasalanan talaga to' ng Zodiac astrology ko ngayong araw! Bakit ba kasi tumugma pa ang lalaking to sa pagiging scorpio! Haist! >Δ<

"Hey? Can we seriously talk now?"

I defeatedly nod at him which he returned with a sly smile. Naku! #Alamsna! talaga ito!

****************

Loving a Shitty Four EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon