5 | Oh yes, He's The Boss.

30 6 0
                                    

"Ano!!!? Ipapagawa mo sa'kin lahat ng to!? Seryoso ka?" Di makapaniwala kong bulalas habang tinitingnan ang mga nakabullets na salita mula sa maliit na papel na binigay ni Leigh.

Sinasabi na nga bang pahihirapan ako nito eh!

"Bakit may reklamo ka?" pa chill chill lang na tugon nito habang nilalantakan yung chichirya ko at hindi inaalis ang mga mata sa t.v.

"Ako lahat sa documentation?! Nagiisip ka ba?!" Nabwibwiset ko ng tugon sa kanya. Sino ba namang hindi? Puro work papers kasi eh' parang halos lahat ako na ang gagawa ng requirements namin pagnagkataon.

"Wag kang mag-alala aagahan ko ang pagtambay dito kung sakaling kinakailangan mo ng tulong" sabi nito na kumindat pa sakin.

"Ah ganun? Kung hatiin mo kaya sa'ting dalawa tong contents? Di ba mas may sense?" suhestiyon ko naman at humakop na rin ng chichirya saka sabay sabay na kinain. Nasestress ako eh!

"No. Di pwede, kami na ni Stella ang namili at magluluto kaya dapat gawin mo rin yung part mo" pagtanggi niya.

"Aminin mo nga! May lihim ka talagang galit sa'kin, ano?" naghihinalang tanong ko at nananiningkit pang pinazoom-in ang mga mata sa kanya. Magkatabi kami na nanonood ng t.v sa kama ng kwarto ko, matapos kasi namin na parang mga ewan lang na naghabulan kanina ay binilin sa'kin ni Leigh tong' papel na naglalaman ng table of contents para sa group project namin sa Home Economics class, saka niya napagpasyahan na umuwi muna at magpalit sa bahay nila, bumalik naman ito pagkatapos ng hapunan.

Actually, di naman talaga sanay si Leigh na pumasok sa pintuan ng bahay namin eh' Sinabi ko bang bukod sa pagiging snatcher ay may lahi din itong akyat-bahay gang. Ay ewan, simula kasing natutunan nito ang talent na yun ay palagi na lang siyang nagsnesneak-in sa gabi, magugulat na ngalang ako kung minsan dahil bigla na lang itong kakatok sa glass wall ng kwarto ko in the middle of no time. Magkwekwento, mangungulit at magcocomplain lang naman siya sa kung ano mang bagay na maisipan, kung minsan nga dito pa siya matutulog, pero ang lahat ng pinagagawa ng lalaking ito ay hindi alam ng nanay ko at ng pamilya niya, secret lang kasi naming dalawa yun baka kasi magalit mga magulang namin dahil masyadong delikado.

"Aww. Bakit mo naman nasabi yan?" ngumisi ito at saka ako pinanggigilang yakapin "Mahal na mahal kaya kita!" sabi pa niya at ginulo yong buhok ko.

"Talaga lang ha? 50% ang work load ko at tag-25% naman kayo ni Stella, mahal mo nga ako." sarkastik na tugon ko sa kanya habang pilit na inaalis yung mga kamay nitong nakapulupot sa'kin.

"Talagang talaga!" again ngumisi na naman ito. Oo na! Ang gwapo na ni Leigh, di ko lang madescribe kanina kasi natataranta ako sa kanya. Sa totoo lang isa ito sa mga heartthrob sa school namin. Agaw pansin kasi ito, lalo na at bagay dito ang eyeglasses niya na nagbibigay emphasis sa may medyo mabibilog nitong mga mata, nadadagdagan rin ang pagkamature ng features ni Leigh kapag may eyeglasses, natatago kasi ang pagkafeminine ng mukha niya. Napakaputi rin nito, perfect ang pagkakatangos ng ilong at mas natural pa na mapupula ang mga labi keysa sa'kin. Hmph! Nakakainis nga eh' kung naging babae lang kasi ito paniguradong mas maganda pa siya sa akin! T__T

Loving a Shitty Four EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon