Chapter eight

1 0 0
                                    

Miyuki's POV

Maaga pa lang nag ayos na ako. Susunduin na kasi ako nila Rafael at Marco mamaya dito sa aparment na tinutuluyan ko.

Nagsuot lang ako ng simpleng white shirt at pantalon na tinernuhan ko ng aking good old chucks. Hindi naman kasi ako yung tipong maarte sa pananamit eh, okay na sa akin yung damit na komportable ako.

Maya maya pa ay nadinig ko na yung katok sa pinto ng apartment ko.

"Miyuki! Are you ready!!" dinig kong sigaw ni Rafael.

Agad ko naman silang pinagbuksan ng pinto.

"Ofcourse! ako pa! So tara na?" Pag aaya ko sa kanila.

Nagulat naman ako nung bigla nilang hinawakan ang magkabila kong braso at ikinawit nila yun sa mga braso nila. Sa kanan ko si Marco at sa Kaliwa naman eh si Rafael.

"Anong meron ahh! Parang ang sigla niyo naman atang dalawa."

"Siyempre ngayon na lang uli tayo nabuo eh." Sagot ni Rafael.

"Ano nga bang tawag mo sa atin tatlo noon Miyuki? Cream puff group ba yun?" sabi naman ni Marco habang inaalala yung ginawa kong pangalan ng grupo namin dati.

"Power puff troop!" sabi ko. Hinango ko kasi sa yun paborito kong cartoons noon na power puff girls at dahil ako lang naman ang girl sa grupo namin ginawa ko na lang na power puff troop. haha ang saya talaga alalahanin yung childhood memories naming tatlo.

"Hahaha naaalala ko pa nun na naiiyak kayong dalawa dahil dun sa ginawa kong pangalan ng grupo natin. Inaasar kasi kayo ng mga kaklase natin na bakla daw kayo dahil pang babae yung pangalan ng grupo natin." pag re-reminise ko.

"At ni knock out mo sila nung nakita mo kaming umiiyak." dagdag pa ni Rafael.

Nagtawanan kaming tatlo. Na guidance ako nun pero pinagtanggol naman ako nung dalawa kaya hindi ako nasuspend kahit na ba nag kapasa yung mga kaklase naming nang away sa kanila.

Inalalayan ako ni Marco pagpasok sa kotse niya. Nasa front seat silang dalawa habang ako naman ehh nasa back seat.

"Paeng! Yung girlfriend mo nasaan?" tanong ko kasi di ba sabi ni Paeng nognog kasama daw namin yung girlfriend niya gayon.

"Nauna na dun sa amusement park. Malapit kasi siya dun ehh. Eto namang si Marco nadaanan yung bahay ko papunta dito sa apartment mo kaya sumabay na ako."

"Ahh. Oo nga ano. madadaan nga pala niya yung bahay niyo kasi nasa bandang unahan lang yung bahay niyo." sagot ko naman.

Nag kwentuhan lang kami sa buong byahe. Naikwento din sa akin ni Marco na mag iisang taon na silang kasal nung asawa niya. Okay naman kasi mukhang masaya naman siya at base dun sa kwento niya eh mukhang mabait naman yung napangasawa niya.

"Nandito na tayo!!!" Excited na bulals ni Rafael at nauna pa siyang lumabas ng kotse. Sus! If I know! excited lang siyang makasama yung girlfriend niya.

Masyado akong natuwa sa kakatingin sa excited na mukha ni Rafael that I forgot to get off the car. Nagulat na lang ako nung pagbuksan ako ng pinto ni Marco.

"Lets go?" Nakangiti niyang aya sa akin. Pakiramdam ko eh pinamulahan ako ng mukha. Ano ba yan nakakahiya! Baka isipin ni Marco ehh hinintay ko talagang pagbuksan ako ng pinto bago lumabas.

"Salamat." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Miyuki! Nice to see you again!" bati sa akin ni Sophie nung makarating kami sa pwesto niya. Nakatayo kasi siya sa may entrance nung amusement park habang naghihintay sa amin.

If You Love HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon