Nakilala ko siya sa isang dinner party na ginanap sa aming bahay. He was a bubbly kid kaya siguro agad niyang nakuha ang attensyon ko. Kararating nga lang niya nun pero napapalibutan na agad siya ng ibang mga bata at nakikipaglaro na ang mga ito sa kanya na akala mo ay matagal na silang magkakakilala, natalo niya pa ako na siyang nakatira sa bahay at kanina pa nakaupo sa isang sulok; to think na ang mga batang kalaro niya ay mga pinsan ko.
"Miyuki !!" Naalala ko pang tawag niya sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanya at ang nakangiti niyang mukha ang humarap sa akin. "Halika rito! Sumali ka sa amin!" Dagdag pa niya. Nag aalangan akong lumapit sa kanila dahil natigil silang lahat sa paglalaro at nakatingin lang sila sa akin - all of them had a 'may-tao-pala-dyan' look on their faces. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit sa kanila o magtatakbo palayo but he did something that I didn't expect, it was simple at hindi rin naman matatawag na especial but it made me feel at ease, what he did was he held out his hand at nginitian niya ako.
"Halika na!"
Hindi ko alam kung anong klaseng charm ang meron siya at naramdaman ko na lang na kusa nang naglalakad ang mga paa ko patungo sa lugar nila. Mahiyain kasi ako noon at hindi talaga ako palakaibigan but when he smiled at me nakalimutan kong takot akong makihalubilo sa iba, nung mga oras na iyon para bang lahat ng anxieties ko ay nawala I felt calm at para bang walang masamang mangyayari sa akin if he's there. He made me realized that having friends isn't so scary pero tulad ng magic spell na binigay kay Cinderella the magic didn't last long. After that evening hindi ko na uli siya nakita pa and that's how our first meeting became also our last.
���]�
BINABASA MO ANG
If You Love Him
RomanceWill you still love someone if all he ever did was hurt you?