Miyuki's POV
Siya!!!
"Oh bakit parang nakakita ka na ng multo diyan?" kunot noong tanong niya sa akin.
"A-Anong ginagawa mo dito!!!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumunta sa amusement park?" sarkastikong tanong niya pabalik. "Tsaka yung kamay mo! Masyado mo naman atang na enjoy yung pagkakayakap mo sa akin at ayaw mo na akong bitawan." Agad ko namang binitiwan yung braso niya. Nawala sa isip ko na hanggang ngayon eh nakakapit pa din ako sa kanya.
"Feeling mo naman!!" sagot ko sa kanya. He just smirk.
"HIRO!!!! Nasaan ka na!!" Eskandalosang sigaw nung isang babae na kalalabas lang nung horror house. Makasigaw ng pangalan si ate wagas ehh haha. Seksi ang pananamit ni Ate pero ang kapal nga lang ng make up parang drag queen ang itsura.
Nakatitig pa ako kay ateng nasigaw nung bigla akong hinila ni Mr. Bad luck guy palayo.
"U-Uy!! Ano nanaman bang trip mo?" tanong ko sa kanya habang nakakaladkad sa paghila niya sa akin.
"Wag ka nang magtanong at sumunod ka na lang sa akin!" nagmamadaling sagot niya.
"HIRO SAAN KA PUPUNTA!!! WAIT FOR ME!!" sigaw nung babaeng mukhang drag queen habang hinahabol kami. Teka? Ibig sabihin itong si Mr. Bad luck guy si Hiro?
"Bilisan mo yung lakad mo!" Inis na sabi ni Mr. bad - este Hiro sa akin. Wala naman akong magawa kundi ang bilisan ang lakad ko dahil mukhang wala naman siyang balak na bitiwan ang kamay ko.
"HIRO!!!!" sigaw nung ate. Lalo namang binilisan ni Hiro ang lakad niya tapos bigla siyang lumiko sa kanan. tapos nagtago kami sa likod ng isang basurahan.
"HIROOO!!!" dinig naming tawag ni ate pero mukhang malayo na siya. Sumilip pa sandali si Hiro at nung makumpirmang naiwala na namin si Ate eh lumabas na kami dun sa likod nung basurahan.
"Bakit mo ba tinataguan yung girlfriend mo?" inis na tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon ehh hindi niya pa din binibitawan yung kamay ko.
"She's not my girlfriend. Isa lang yun sa mga babaeng nangungulit sa akin then dragged me into this amusement park." sagot niya at sinimulan naman akong hilahin to God knows where.
"Saan mo nanaman ba ako dadahin ahh?" tanong ko sa kanya. Masyado na akong napalayo kela Rafael baka hinahanap na ako ng mga yun.
"Magtatago muna tayo dito until I don't see a trace of that persistent woman." sagot niya then huminto kami sa tapat ng ferris wheel. Well atleast hindi kami pumunta sa mga makalaglag internal organs na ride. Teka nga! did I just felt relieve?
"At bakit naman ako sasama sayo sa loob ng ferris wheel na yan aber?" tanong ko sa kanya sabay pamewang gamit ang kanan kong kamay. Hawak niya kasi ang isa kong kamay kaya isang kamay lang ginamit ko para makapamewang.
"Because you owe me one. Pinayagan kitang lapirutin yung braso ko sa loob ng horror house kahit na hindi tayo close and I also guide you out. If it weren't for me baka hanggang ngayon nasa loob ka pa din nun and walking aimlessly habang nakapikit ang mga mata mo't nanginginig sa takot." he said matter of fact.
Hindi na ako nakaangal pa dahil tama siya. Siguradong mag iiiyak na ako ngayon kapag hindi pa ako nakalabas dun.
"Okay you win." defeated na sagot ko. Sorry Sophie, Rafael and Marco if I'll make you worry.
Maikli lang yung pila sa ferris wheel kaya naman agad kaming nakapasok sa loob. Napansin ko pang parang kinikilig yung ateng nagbabantay nung ride habang nakatingin sa amin ni Hiro. Malamang kinikilig yun dahil napopogian dito sa mokong na kasama ko.
BINABASA MO ANG
If You Love Him
RomanceWill you still love someone if all he ever did was hurt you?