Miyuki's POV
Hindi maitago ang ngiti sa mukha ko nung pumasok ako kinagabihan sa coffee shop. Pakiramdam ko eh inspired na inspired ako sa mga ginagawa ko. Finally! nagbunga rin ang mga paghihirap ko hahah kala mo naman kung anong klaseng paghihirap ang dinanas ehh.
"Tingnan mo si Miyuki! parang sinasapian dun oh!" dinig kong sabi ni Cherry kay Mike tapos lumingon pa silang dalawa sa gawi ko. Nginitian ko lang sila. Masyado akong masaya ngayon para itago ko pa ang nararamdamamn ko. Sobrang saya ko lang talaga at may ideya na ako kung saan ko mahahanap si Ichiro - yung childhood love ko.
"Guys! Good news! for the second time around sold out nanaman ang paninda natin!" masayang announcement ng manager namin.
Napahinto ako sa ginagawa ko. Don't tell me si Bad luck guy nanaman ang nag order ng ganun ka dami!
"Ma'am si poging sir nanaman po ba ang nag order!" tanong ng isang kasamahan ko na kala mo eh kinikiliti ang singit. tss pogi nga yun! pero ang sama naman ng ugali!
"Hindi ehh!! pero pogi din!!!" ay ang kire! ano ba tong mga ito at talagang dito pa sila nagtitilian sa kusina ahh.
"Ma'am pwede pong ako na lang ang serve sa kanya?"
"No ma'am ako na lang"
"Ma'am I promise na babalik uli siya dito kapag ako ang pinag serve mo sa kanya."
Nag aagawang sabi nung mga kasamahan kong babae well maliban kay Cherry na wala namang hilig sa mga gwapong lalaki.
"Sorry guys pero si Miyuki ang nirerequest niyang mag serve sa kanya eh." sabi nung manager namin sabay tingin sa akin. Instant naman akong nakatanggap ng glare mula dun sa mga kasamahan kong babae.
"Ako po?" uli? Sigurado ba silang hindi si Mr. bad luck guy yung nag order? baka naman hindi lang nila namukhaan pero siya yun uli at balak niya akong pahirapan nanaman.
"Ikaw lang naman ang Miyuki dito ehh! Bilis na! at baka naiinip na yng customer." Mataray na sabi nung manager namin. Aba! kasalanan ko ba na malakas akong humatak ng mga customer na ang hilig eh i-sold out yung mga paninda namin dito sa shop?
"Fighting Miyuki!" Nakangising bulong ni Cherry sa akin. Tss ano naman kaya ang tumatakbo sa isip nun?
Napapakamot na lang ako sa batok ko habang naglalakad dun sa lupon ng mga tray na dapat kong i-serve. Kumuha ako ng isang tray at hinanda ang aking sarili. Mukhang may world war naman akong sasabakin.
Lumabas na ako ng kusina at hindi naman ako nahirapang hanapin ang table ng pagsisilbihan ko dahil iisang table lang naman ang merong taong nakaupo at yun ay yung table na nasa bandang sulok ng shop.
Dahan dahan akong lumapit dun sa table at agad na napangiti nang makita ang isang pamilyar na mukha.
Si Paeng nognog. Nakangiti siya habang kumakaway sa akin.
"Miyuki!!! One week, seventeen hours, at twelve minutes kitang hindi nakita ahh!!!" bati niya sa akin while having his usual goofy grin.
"Bilang na bilang ahh." komento ko naman at nagpatuloy na sa paglapit sa table niya.
Habang palapit ako ng palapit ay napansin ko namang meron pala siyang kasama. Naka upo ito sa tapat ng upuan niya kaya naman hindi ko kaagad napansin. Nakaharap kasi sa pwesto ko yung upuan ni Paeng nognog kaya naman kitangkita ko kaagad siya kanina
Lumingon yung lalaking kasama ni Paeng sa pwesto ko at nanlaki ang mga mata ko nung mapagtanto ko kung sino ito.
"Marco!" bulalas ko habang lakad takbo na ang ginawa ko papalapit sa pwesto nila. No wonder nagtitilian sila manager kanina eh yung uber sa pagkapogi ko palang best friend yung nandito.
Yup ang ubod ng poging nilalang na ito ay best friend ko din simula grade one. Kaming tatlo ni Paeng nognog ang best friends forever ewan ko ba basta magaan ang loob ko sa dalawang to at para na kaming mga kambal sa sobrang closeness namin.
"I miss you sooo much!!!!" sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit pagkalapag na pagkalapag ko pa lang ng tray. natatawa naman siyang gumanti ng yakap.
"Walang hiya ka! saan ka ba nagpupupunta ahh! ilang taon kitang hindi nakita tapos ito namang si Nognog ayaw sabihin sa akin kung saan ka nagsususuot!" tanong ko sa kanya pagkakalas ko ng yakap.
"I went to states . . . . para magpakasal." mahinang sambit niya habang nakayuko.
"WHAAAAATT?!?" hindi makapaniwalang sabi ko. Pakiramdam ko eh nalaglag yung panga ko sa gulat. Si Paeng nognog naman ehh parang hindi naman nagulat. Malamang ay alam na niya ang tungkol dun.
"Yeah . . . mahabang kwento ehh tapos ang dami ding nangyari kaya hindi kita na contact." paliwanag niya sabay ngiti ng tipid.
"Ang daya! pero si Paeng Nognog kino-contact mo!" naka pout na sabi ko. Nakakatampo siya ehh ino-OP nila akong dalawa. marami na palang nagyayari sa kanya tapos niyan wala manlang akong ka alam alam.
"Hahahah! hanggang ngayon pa rin pala Paeng nognog pa din ang tawag mo kay Rafael?" Humahalakhak na sabi niya.
"Oo at hindi ka exempted dun Mak-mak iyakin!" Akala niya ahh hahaha.
"Tss . . Miyuki naman! tingnan mo nga ang mga mukha naming dalawa? sa pogi naming to hindi na bagay sa amin yung mga palayaw mo." sagot naman ni Marco tapos sabay pa silang nag posing ni Paeng ng pogi sign.
"Ewan ko sa inyong dalawa!" Natatawa kong sagot. Hindi ko naman maikaka ila na malaki na talaga ang pinagbago nila. Dati darati parati silang binubully ngayon marami nang patay na patay sa kanilang dalawa.
"Totoo naman Miyuki ahh, ikaw lang naman ang ayaw maniwala." sagot pa ni Paeng Nognog. Tss kahit na inaamin ko na ang katotohanang yun sa sarili ko, never kong sasabihin yun sa kanilang dalawa dahil siguradong lalaki ang mga ulo nila hahaha.
"Maiba nga tayo. Ikaw Makmak pupunta ka pala dito bakit hindi ka manlang nagsabi."
"Siyempre surprise nga daw ehh." sabat ni Rafael.
"psh! surprise surprise pang nalalaman."
"Well actually kakauwi ko lang ng pinas and since I wanted to see you as soon as possible nagpasundo na ako kay Rafael para ihatid dito sa coffeeshop na pinag tatrabahuhan mo."
"Waw ang sweet naman!!" kinikilig kunwaring sabi ko. Tinawanan naman ako nung dalawa.
Tinaasan ko sila ng kilay. "What?" tanong ko pano nakatitig silang dalawa sa akin. "Spill it out may gusto kayong sabihin sa akin di ba?" tong mga to. Kapag ganyan sila makatingin sa akin alam ko nang may gusto silang sabihin.
"Ikaw na magsabi." bulong ni Marco kay Rafael with matching siko pa dito.
"Ikaw ang may kailangan sa kanya ehh ikaw na magsabi!" bulong naman pabalik ni Rafael.
"Ano ba kasi yun? kung sinasabi niyo kaya sa akin ano?" ang kulit kasi ehh sasabihin na nga lang magsisikuhan pa silang dalawa.
"Pwede daw bang maaya ka ni Marco na makipag date."
"Pwede ba kitang maayang makipag date?"
At talagang sabay pa silang dalawa.
"Date? Eh bakit? Nasaan ang asawa mo?" tanong ko sa kanya. Di ba nga kasal na siya? paano kung makita kami ng asawa niya mamaya niyan sugurin ako nun.
"Don't worry! wala siya sa pinas tsaka! friendly date lang naman yun ehh! hindi ba pwedeng mag bonding tayong dalawa? Ang tagal na kitang hindi nakakasama ehh!" sabi niya sabay pout. Tss pacute pa ang loko.
"Okay! friendly date lang naman pala ehh. Pero paano tong si Nognog?" tanong ko sabay turo kay Rafael.
"Siyempre kasama ako no! At isasama ko si Sophie sa atin." Nakangiting sabi ni Paeng.
"Okay then! Nag sikuhan pa kayong dalawa kanina yun lang naman pala ang gusto niyong sabihin."
"It's settled then!! Wala nang bawian yun ahh! sa sabado na yun!" excited na sabi ni Rafael.
"Sure!" sagot ko naman tas nagkangitian kaming dalawa ni Marco.
Amusement park na ito!!!!
BINABASA MO ANG
If You Love Him
RomanceWill you still love someone if all he ever did was hurt you?