Third Person's POV
"What?!?" Gulat na gulat na sabi ni Miyuki kay Hiro.
Hindi naman mapigilan ni Hiro na di matawa sa nagpapanic na mukha nito.
"Just kidding." Bulalas niya. He just took a detour at wala naman siyang balak na dalhin ito sa kung saan. Gusto niya lang talaga makita kung ano ang magiging reaksyon nito and he didn't fail. Her reaction was priceless. Hindi talaga siya nagkamali ng piniling entertainment.
Yeah yun lang ang tingin niya rito. Entertainment. Not an aquaintance, not a newly found friend, not even someone he knows but an entertainment, just an entertainment. Yung nag a-amuse sa kanya kapag nabuburyo na siya.
His little mouse.
Nakasimangot itong tumingin sa kanya. "Saan mo ba talaga ako balak dalhin ahh?" Tanong nito.
"Sa bahay niyo." Simpleng sagot niya.
"Eh hindi naman ito ang daan papunta sa amin eh." Reklamo nito.
"Oo nga. kasasabi ko lang di ba? Kasi naman hindi mo pa sinasabi sa akin kung saan ka nakatira. Just to inform you, wala kaming lahing manghuhula." Natatawang sagot ni Hiro. Atat lang talaga siyang mag drive kaya pinaandar na niya ang kotse niya kahit na wala pang sinasabing direksyon si Miyuki sa kanya.
"Aish! hindi ka naman kasi nagsasalita diyan ehh."tatawa tawa lang si Hiro habang nagdadrive siya.
"So? Ano? Sasabihin mo na ba sa akin kung saan ka nakatira o magpapaikot ikot na lang tayo dito?"
"Malapit sa city hall yung tinitirhan ko. Dun sa Manggahan street." sagot naman ni Miyuki na ngayon eh nakatitig na sa daan dahil baka kung saan nanaman siya dalhin ni Hiro.
"Chill, hindi kita ililigaw." puna naman ni Hiro kay Miyuki. Napansin kasi nito na titig na titig si Miyuki sa daan.
"Baka kasi kung saan mo nanaman iikot tong saakyan mo ehh. Naniniguro lang."
Buong byahe nila ay nakatuon lang sa daan ang mga mata ni Miyuki. Iba pa naman mag isip ang kasama niya, mamaya niyan ay totohanin nito ang mga sinabi nito kanina. Napanatag lang ang kalooban ni Miyuki nang matanaw na niya ang apartment na tinutuluyan niya.
"Dito ka pala nakatira." sabi ni Hiro nang huminto na sila sa tapat ng apartment niya.
"Oo mag aapat na buwan na akong nakatira rito." sagot naman ni Miyuki habang tinatanggal ang seat belt niya.
"Ikaw lang mag isa? o kasama mo ang mga magulang mo?" tanong uli ni Hiro habang tinitingnan mula sa bintana sa tabi nito ang kabuuan ng apartment ni Miyuki. Naliliitan siya sa paligid nito at pakiramdam niya ay masikip pa rin ito kahit na iisang tao na lang ang nakatira.
"Hindi ko sila kasama. Nandun sila sa bahay namin nakatira. Baka sa susunod na buwan ay bumalik na din ako dun, pansamantala lang naman akong naninirahan dito eh kapag tapos ko nang gawin ang mga kailangan kong gawin ay babalik na rin ako sa bahay namin." Sagot naman ni Miyuki tsaka binuksan yung pinto ng kotse sa tabi niya. " Oh siya dito na ako. Salamat sa paghatid sa akin." Lumabas na siya ng kotse pero hindi pa siya tumuloy sa loob ng kanyang apartment, sa halip ay huminto siya sa gilid ng kotse, dun sa spot kung saan siya mismo bumaba galing sa sasakyan para hintaying tuluyang umalis si Hiro. You know. Just to be polite. Hindi naman kasi pwedeng basta na lang niya iyong iwan pagkatapos siya nitong ihatid.
"No prob. Hindi na rin naman to mauulit kaya okay lang." He said then smirk.
Tss. just when she thought he was begining to be nice.
"Feeling mo naman gusto ko pa ng next time! Che!" Then she rolled her eyes. Tinawanan lang siya ni Hiro pagkatapos ay tinanguhan siya nito at sinirado na ang pinto ng passenger seat tsaka ito nag drive paalis.
Napapangiti namang sinundan ng tingin ni Miyuki ang papaliit na imahe ng sasakyan nito. Nakangiting napapailing na lang siya habang inaalala ang nang yari sa kanila ngayong araw. Who would have thought that so many things could happen in a day?
Hiro's POV
I arrive at my condo at exactly ten o'clock.
"Himala ang aga ko atang umuwi ngayong araw." Yeah right. maaga pa ang ten o'clock kong uwi compared to my usual schedule na alas tres ng madaling araw. Ayokong umuwi kasi wala naman kasing rason para umuwi ako ng maaga. This place is not my home but just a place where I sleep and keep my things . Other than that wala na.
I put my car keys on the cabinet beside the door at saka nag punta sa bathroom to take a shower.
Just my usual routine. Sando at pajamas lang then I went to bed and tried to sleep to end my tiring day.
Wala pa mang five minutes na nakapikit ang mga mata ko ay nadinig kong nag ring ang cellphone ko.
Sinilip ko kung sino yung caller then answered the phone. Itinapat ko lang yung cellphone sa tenga ko at hinintay siyang magsalita.
Ilang minuto din siyang tahimik sa kabilang linya and after few more minutes I heard her sniffing.
"Hey Michaella are you crying? What's the matter? Is everything okay?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.
"Nothing . . . I just missed you . . . " garalgal ang boses na sagot niya. I knew instantly that something is wrong with her.
"Tell me what happened, I'll listen." Pagkasabi ko nun ay nadinig ko siyang humagulgol.
It's him again. Siya lang naman ang iniiyakan parati ng isang ito.
"Hiro . . . . he left me . . . again . . .I don't know what to do anymore! I suspect that he's seeing somebody else. I just don't know who it is yet." Naiiyak na sabi niya sa kabilang linya.
"Shh . . . stop crying . . . I'll do something about it."
"HIro please . . . please bring him back to me."
BINABASA MO ANG
If You Love Him
RomanceWill you still love someone if all he ever did was hurt you?