Chapter eleven

4 0 0
                                    

Miyuki's POV

Another ordinary night for me. It's six P.M, umpisa ng shift ko kaya naman isinuot ko na yung apron ko bilang paghahanda sa pagpalit sa pwesto ni Sarah, yung day shift na kapalitan ko.

"Miyuki!! I still can't believe it!!! May girlfriend na siya!!! Hindi niya manlang ako hinintay!! I've been loving him for three straight years tapos ganon na lang!! masakit sa damdam yun beh!" pagdadrama niya. Hindi ko alam kung saan niya nalaman ang tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend ni Paeng nognog but I'm happy na hindi yun nanggaling sa akin. sa totoo lang hindi ko din kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung bagay na yun eh nag promise pa naman ako na ipapakilala ko siya kay Paeng.

"Hindi ko talaga matanggap beh!" sabi niya sabay higit sa manggas ng puting polo shirt uniform ko.

"Sarah! Okay lang yan! hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo ehh! Makakakita ka pa naman ng lalaking mas better sa kanya." awkward na pagko-comfort ko sa kanya. Paano parang hindi naman siya seryoso sa pagdadrama niya.

"Beh! Nag iisa lang siya sa buhay ko!!! Mahal ko yun! kaya hindi ko siya ipagpapalit sa better na sinasabi mo." sagot niya habang pinupunas ang mata niyang may nagkalat nang mascara sa manggas ng damit ko.

"I understand na nasasaktan ka . .  perowag mo namang idamay ang polo shirt ko dito!" saway ko sa kanya habang inilalayo ang aking sarili sa kanya. May mantsa na kasi ng mascara yung damit ko at mukhang balak pa niyang gawing itim tong suot ko dahil ginagamit na niyang panyo ang damit ko.

"Uhh . .  Is everything alright here?" tanong ng lalaking foreigner sa amin na sa tingin ko ay ka-edad lang namin. Kasalukuyan kasing nasa tapat kami ng counter.

"Ahh Nothing! What's your Order Sir? Coffee? Frappe? Cake? or Me?" Nakangising sabi ni Sarah. Tss. Kita mo tong babaeng to! kanila lang sabi niya walang pwedeng pumalit kay Paeng tapos ngayon nakakita lang ng Kano, kung maka ngisi akala mo walang iniyakan kanina.

Hinayaan ko na lang siya sa trip niya at pupunta na lang sana sa kusina nang mapalingon ako sa labas ng shop at may nakitang familiar na mukhang kumakaway sa akin.

Nakangiti akong lumapit sa kinaroroonan niya.

"It's been a while since I last saw you Miyuki." Nakangiting bati niya sa akin.

"You too Lolo, parang lalo ka po atang naging gwapo ngayon ahh." 

"You haven't change, you never fail to flatter me." Nakangiti niyang sagot.

"Napadaan po kayo? Kagagaling niyo lang po ba sa meeting?"

"Ahh yes, pero hindi ako napadaan lang dito. Sinadya ko talagang puntahan ka dito kasi aayain sana kitang sumama sa akin sa party na dadaluhan ko."

"Sure lo, saan po ba yun at kailan po para makapag paalam ako sa manager namin?" tanong ko sa kanya. 

"Ngayon na sana." sabi niya tapos nagulat na lang ako nang may dalawang men in black na humawak sa magkabilang braso ko at hinigit na ako papasok ng sasakyan.

~*~*~*~*~*~*~

"Miyuki, are you ready?" tanong sa akin ni Lolo na siyang katabi ko dito sa back seat ng sasakyan. Sinulyapan ko muna sandali ang mansion na pagdadausan ng party bago lumingon uli sa kanya at tumango para sabihing handa na ako.

Hindi ko alam kung kaninong party ang dadaluhan namin, hindi ko din naman kasi tinanong si Lolo basta ang alam ko lang ay isa sa mga malalapit niyang kaibigan ang pupuntahan namin ngayon. Si Lola dapat talaga ang kasama ni Lolo pero dahil abala ito sa kanyang flower shop ako na lang ang sinama niya dahil ako daw ang pinaka "free" sa amin.

Lahat ng tao dito sa party ay naka formal attire, kaya naman pala kung saan saang boutique ako kinaladkad ni Lolo kanina para mabilhan ng dress na tutugma sa theme ng party.

Naunang lumabas si Lolo, ako naman eh pinagbuksan ng pinto nung driver namin at inalalayan ako sa pagbaba.

"Before I forgot, later I'll introduce you to the grandson of one of my closest friend. Baka kasi mawili ako sa pakikipag usap sa mga colleages ko kaya ipapaubaya na muna kita sa apo niya, halos magka edad naman kayong dalawa kaya siguradong magkakasundo kayo." Nakangiting sabi niya na siya naman kinabagabag ko. I don't feel comfortable at that thought. Pakiramdam ko ay may hidden agenda si Lolo kaya gagawin niya yun.

Bahagya kong iniling ang aking ulo to brush that thought away. Wala naman sigurong ibang rason sa pagpapakilala niya sa akin sa apo ng isa sa mga kaibigan niya.

Kinuha ni Lolo ang aking kaliwang kamay at ikinawit niya yun sa kanan niyang kamay na naka abre siete tsaka kami naglakad sa mahabang red carpet papasok sa loob ng mansion.

Maraming kilalang tao ang nasa loob. Yung iba ay mga politiko, yung iba naman ay mga artista at karamihan naman ay mga kilalang business man sa iba't ibang larangan ng negosyo.

Hindi ito ang unang pagkakataong nakadalo ako sa ganitong klaseng pagtitipon pero sa lahat ng mga nadaluhan ko, ito ata ang may pinaka maraming bisita at pinaka elegante sa lahat.

"Dito tayo Miyuki, Ipapakilala na kita dun sa sinasabi ko sayo kanina." sabi ni Lolo at hinigit na ako papunta sa gitna ng hall kung saan nagtitipon tipon yung mga VIP's na dumalo.

Huminto kami sa tapat ng isang kumpol ng mga businessman na kasalukuyang nag uusap tungkol sa kanikanilang mga business.

"Good evening gentlemen. It's nice meeting you all here." Nakangiting bati ni Lolo na siyang naka agaw ng kanilang attensyon.

"Mr. Valdez! Sa wakas ay nakita din kita! Kanina pa ako nagpapa ikot ikot dito sa hall para hanapin ka." Nakangiting sagot ng lalaki na sa tingin ko ay kasing tanda lamang ni Lolo. Kahit na nakangiti siya ay mahahalata mo pa din sa kanyang itsura at sa way ng pagkakatindig niya na strikto siyang tao. Kung hindi niyo kasi naitatanong, may talent ako sa pagj-judge ng isang tao base sa itsura niya at ninety five percent accurate ang mga hinala ko so I'm quite sure na itong matandang lalaki na kausap ni Lolo ay strikto, yung tipo ng taong gusto lahat ay perpekto.

"Haha ganun ba? Naku pasensya ka na, kararating lang din kasi namin nitong apo kong si Miyuki." Nakangiting sabi ni Lolo. Nakangiti namang lumingon sa akin ang kausap niya.

"Kung gayon siya pala ang kinukwento mo sa aking apo mo." nakangiting sabi nito. "Mr. Valdez nabanggit mo na ba sa kanya?" tanong nito kay Lolo.

"Ahh Oo, nabanggit ko na sa kanya ang tungkol doon." Nagtataka naman akong napalingon kay Lolo. Tungkol saan ba yung sinasabi niya?

And before I could even ask, I was interrupted by someone.

"Sorry if I took so long." paghingi nito ng paumanhin. He was a guy around my age. Ewan ko ba kung bakit pero tingin ko ay nakita ko na siya somewhere.

"You're right on time. Remeber the girl I mentioned to you earlier? She's here, this is Miyuki Valdez grand daughter of my friend here Mr. Valdez. Miyuki this is my grandson Hiro." pagpapakilala nung kaibigan ni Lolo sa lalaking kararating lang.

Teka? Did I heard him right? Hiro ang sabi niyang pangalan ng apo niya di ba?

pinasingkit ko ng slight yung mga mata ko para matitigang maigi yung lalaking nasa harapan ko. I-is he . . . the Hiro I knew?

Nakumpirma ko lang ang hinala ko nung matitigan ko siyang maigi then I caught him mouthing the words "Stupid"

Nanlalaki ang mata kong tinuro siya. "HIRO!!!???!!!"

If You Love HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon