"I now pronounce you, Husband and Wife, you may now kiss the bride" announces the priest.
Ilang sandali pa ay namalayan nalang ni Leslie na may labing sumayad sa kanyang pisngi. A friendly kiss indeed. Ngunit ang halik na iyon ay siyang simbolo na hindi na siya magiging malaya sa tanang buhay niya.
She's now in the church marrying this man na hindi niya alam kahit na ang complete name man lang. Yes- she's stucked in what you call an "arranged marriage".
Leslie Annabelle Chua Rodriguez, a 24-year old girl living with her father. Maganda si Leslie, may balingkinitang katawan, mahahabang pilik mata at taas na 5'6". They own a small banking firm na sa ngayon ay ipinagbili ng kanyang ama sa pamilya ng lalaking ipinagkasundo sa kanya. Sa pagkakaalam niya ay nalulugi na ang bangko ng kanyang ama and the only chance his father would prefer ay ang ipagbili ito sa isang kaibigan- si Mr. Adriano Aragon. He saw this Mr. Aragon once nang kunin itong ninang ng kanyang Tito para sa kasal nito. Mabait naman ang matanda, kaya siguro hindi nagdalawang isip ang kanyang ama na ipakasal siya sa anak nito.
"ting!ting!ting! kkiiiissss" saka lamang nagising ang diwa ni Leslie nang marinig ang sigaw ng kanilang mga bisita sa reception kasabay ng mga basong pinipikpik ng kutsara o di naman kaya ay tinidor. Simula pa kanina sa simbahan ay wala na siya sa kanyang sarili. Hindi niya alam sa sarili niya kung totoo nga ang nangyayari sa kasalukuyan.
"Kiss daw" ang sabi ng katabi niya na siyang nagbalik sa kanyang diwa.
Tiningnan niya ang lalaki, matangkad, matipuno ang katawan, may maamong mukha- in short gwapo ang lalaki. Kimi niya itong nginitian tanda nang pagpayag niya na halikan siya nito. Naintindihan naman ito ng binata at hinalikan siya sa harap ng kanilang mga bisita. She heared the crowd cheered afterwards for what they thought they saw a tender and sweet kiss from a loving couple.
Panay ang ngiti ng kanyang "asawa" nang magpaalam ang kanilang mga bisita habang siya ay nakatayo lamang sa gilid nito. Natapos na ang araw at hindi niya lubos maisip kung anong mangyayari pagkatapos ng araw na iyon.
"Hindi man lang tayo napakilala ng maayos ng ating mga ama, I'm sorry for that. By the way, I'm Rico De Guzman Aragon" sabay abot ng kamay nito.
"Leslie Annabelle Chua Rodriguez" at tinanggap ang kamay ng lalaki. She felt at ease somehow, mabuti na lang at mukhang mapagkakatiwalaan naman ang lalaki.
"I think there's something wrong with your name"
"Huh?" she amusingly asked. How could this man tell her that there's something wrong about her name eh hindi naman sila ganun ka-close.
"Last time I checked Leslie Annabelle Aragon ang pangalan mo" he said these words wearing that wide smile on his face.
Kimi siyang napangiti sa sinabi ng binata. 'Siguro naman magkakasundo kami nang lalaking ito' anang isip niya.
"You better change your dress at nang makapagpahinga ka na. Alam kong pagod ka. Halika na, umuwi na tayo sa condo"
Nagitla siya sa narinig, ang akala niya ay titira pa rin siya sa bahay nang kanyang ama dahil sa pagkakaintindi niya ay kasal lamang ang mangyayari.
"Ha? aaa, t-teka.... k-kasi...."
"May problema ba?"
"A-ang alam ko kasi ay kasal lang ang mangyayari sa atin at pagkatapos nito ay magpapatuloy tayo sa mga buhay natin"
"Yun ba ang sabi sa yo ng papa mo?"
"I haven't understand it clearly kasi nung sinabi niya sa akin na ipapakasal niya ako sa isang lalaki ay hindi na ako makapag-isip ng matino" paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Wake Me Up, When September Ends
RomantizmFalling in love is hard... but staying in love is harder. The story evolved from the marriage of two strangers for their parent's sake. Sounds common, but how did they fell in love for each other? Read it for yourself! How can they surpass all the c...