Iris POV
May dumaan nanamang eroplano. Nakatingin lang ako dito hanggang matakpan na ito ng ulap. Napangiti nalang ako ng mapait.
"223" bulong ko sa sarili ko
"Hoy Susayad! Nagbibilang ka nanaman ng eroplano!" agad akong napalingon sa nagsalita at inirapan sya
"pang 223 na yun sa loob ng tatlong taon!"
"Hay nako! Tigilan mo na ang pagbibilang, Wala namang mangyayari dyan!" Tumingin ako sa ulap bago sumagot
"Alam ko naman yun!bNacurious lang ako kung masaya kaya yung mga sumasakay sa eroplano at pumupunta sa ibang bansa? Excited din ba sila kagaya ng pagka excited ko sa tuwing iniisip kong pasakay ako ng eroplano?" sabi ko at tumingin na kay Jason"Tsk! Ikaw talaga! Alam mo Susayad! kung gusto mo talaga ang isang bagay, gumawa ka ng paraan para mangyari yun!" Napailing ako sa sinabi ni Jason.
Tumayo na ako at pinagpagan ang palda ko."College student lang ako at isa pa, mahirap lang ako. Kahit gusto ko, hindi ko magagawa dahil wala kong pera!" Sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad.
"Tsk! Buksan mo lang yang isip mo at malalaman mo din! Tara uwi na tayo!" Nagsimula na ding maglakad si Jason.
Kasabay ko si Jason umuwi dahil magkapitbahay lang kami. Pareho ding Education ang kursong kinuha namin kaya may mga subject na magkaklase kami.
"224".Bulong ko sa sarili ko ng may nakita ulit akong eroplano.Haaaay!.tatlong taon na pala simula nung mangako sya sakin.