Iris POV
Sabay kaming naglalakad ni Jason pauwi.
"Gusto mo ba talagang makasakay sa eroplano?"
"Oo naman! That's my dream!"
"Edi sana nag flight attendant ka nalang diba!"
"Tsk! Pangarap ko lang makasakay, hindi tumira na halos sa eroplano."
"T-teka! Sinabi mo na sakin na pangarap mo yan pero hindi mo sinasabi kung ano yung dahilan"
"Kelangan pa ba yun?
"Haaaay! Syempre bestfriend kita no!"
"umm! sige na nga, sayo lang ako mag oopen up. I was 13 years old that time. Kuntento na ako sa kung anong meron ako. Hanggang may isang taong nangako sakin. Isang taong pinagkatiwalaan ko ng sobra, isang taong sobra kong mahal. Sabi nya aalis sya para samin ni mama, para mabigyan nya kami ng magandang buhay. Pumayag kami ni mama, nangako sya bago umalis, Dadalhin din nya ko dun at dun na kami titira ng magkakasama pero ilang buwan lang hindi na sya nagparamdam. Tuwing may dumadaan na eroplano, umaasa ko na nakasakay na sya dun at susunduin na kami pero ilang taon na ang lumipas wala pa rin. "Napakuyom nalang ang kamao ko. Galit, inis, sakit, lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Iniwan at kinalimutan kami ng tatay ko ng ganun ganun lang.
Napatingin ako kay Jason ng hawakan nya ang kamay ko.
Ngumiti sya sakin sabay sabing
"Dont worry, malapit ng matupad ang pangarap mo"I was captivated that moment. Hindi ko alam kung bakit sya lang ang nakikita ng mata ko at lahat ng nasa paligid ay parang nawala.
"P-pano mo nasabi?"
"Basta! Magtiwala ka lang sakin Iris!"
Nagsimula na syang maglakad habang hawak pa rin ang kamay ko kaya nagpadala nalang ako sa kanya. Nauuna sya sakin maglakad, tinitingnan ko sya at nakangiti pa din sya. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko."Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?" Tanong ko sa sarili ko