6

77 7 5
                                    

Iris POV

"Buksan mo na!" sabi ni Jason.

"eh! mamaya na!" sabi ko naman.Pinabubuksan nya na kasi sakin ang bigay nyang regalo.

"Ngayon na!" pangungulit nya pa.

"Mamaya na kasi! Bakit ba gusto mong buksan ko agad? E alam mo nanaman ang laman nito!"

"Gusto ko lang makita yung reaksyon mo! Kaya sige na, buksan mo na!"

"Aish! Kulit mo talaga!" pinahawak ko sa kanya ang bag ko at binuksan ang sobre.

Ng makita ko ang laman ay hindi ako nakagalaw sa pwesto ko at naluha na lang. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang kasiyahan.

"Sana napasaya kita ngayong birthday mo!" sabi ni Jason sabay pat ng ulo ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, Sobrang labo na nya sa paningin ko dahil sa mga luhang nasa mata ko. Hindi ako nakapagsalita pero isa lang ang nagawa ko. Ang yakapin sya ng mahigpit.

-----
Ng makarecover na ako ay pumasok kami sa bahay. Nag-usap muna kami sa sala habang naghahanda si Jason.

"Paanong nangyari to? Bakit magkakaroon ako ng trabaho sa ibang bansa? Hindi pa naman ako nakakagraduate ng tuluyan? at saka kailangan dito ng mga personal documents ko diba?" pagtataka kong tanong sa kanya

"Simple lang, Tinulungan ako ng mom mo at ng mom ko. I process it 3 months ago. balak ko sanang ang papa mo ang iharap sa bday mo kaso mukhang mas mahirap gawin yun kaya ayan nalang"

Napangiti ulit ako ay hinampas sya.

"Sobra sobrang regalo na ito na halos makumpleto na ang pagkatao ko!" pabiro kong sabi

"May gusto sana kong sabihin sayo!" napalunok ako ng maging seryoso ang mukha nya at hawakan ang kamay ko.

"A-a. Ano y-yun?" utal na sabi ko.

"Isang linggo nalang ang pag stay mo dito kaya gusto ko sanang malaman mo na-----" lalong humigpit ang paghawak nya sa kamay ko. Lalo tuloy kumabog ang dibdib ko.
"Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.... Bilang kaibigan. kaya susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo"

Literal akong napanganga matapos nyang sabihin yun.

AIRPLANE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon