5

66 8 6
                                    

Iris POV

Tatlong buwan na ang lumipas simula ng narealize kong may gusto ako kay Jason. Pero hanggang ngayon, hindi ko sinubukang umamin, hindi dahil natatakot akong mareject kundi dahil takot akong mawala kung anong meron kami ngayon.
Malapit na ang bakasyon. Isang linggo nalang kami sa klase kaya wala na kaming masyadong ginagawa.

Naglalakad na ako pauwi, Mag-isa lang ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit nagmadali agad si Jason umuwi ng may tumawag sa kanya. Ni hindi nga man lang nya naalala na birthday ko ngayon.

Nakayuko akong naglalakad. Feeling ko kasi kinalimutan nya na yung pinaka importanteng araw sa buhay ko at isa pa, naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi naman ako ganto dati. Lahat nalang ng galaw ni Jason napapansin ko. Ultimo pag tingin nya sa mga babaeng nakakasalubong namin sa daan ay kinaiinisan ko.

Nakarinig ako ng tunog ng eroplano kaya agad akong tumingala. Dalawang eroplano ang nakita ko"268 .269" Bilang ko.

"Ilang eroplano pa kaya ang bibilangin ko?" Tanong ko sa sarili ko.

---

Papasok na sana ako ng bahay ng may nagsalita mula sa likod ko

"Happy birthday!" Napangiti ako kahit hindi ko pa nakikita ang nagsalita. Sigurado kong sya yun dahil kilalang kilala ko ang boses nya.
Humarap ako sa kanya. Nakangiti sya habang naglalakad. Napansin ko ding may dala syang hindi kalakihang sobre.

Natuwa ako sa isip isip ko.

Akala ko iaabot na nya sakin ang regalo pero nagulat ako ng niyakap nya ko. Parang naestatwa ako sa ginawa nya at mas lalo akong hindi nakagalaw ng magsalita sya.

"Sana maging masaya ka na!" limang salita lang pero bakit parang naiiyak ako.?

AIRPLANE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon