Jason's POV
"456"Bilang ko sa eroplanong dumaan.Napailing nalang ako. Eksaktong limang taon na ang makalipas ng tuparin ko ang pangarap nya..Pero sa loob ng limang taon na yun, Wala kong balita sa kanya. Lumipat ang nanay nya ng tirahan pagka alis na pagkaalis nya. Matapos nun, wala na akong balita.
Sobrang pagsisisi ang naramdaman ko. Una dahil hindi ko man lang nasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Pangalawa, naniwala akong babalik sya. Siguro kagaya din sya ng tatay nya. Isang taong nakalimot ng nakaraan kaya hindi na ito binalikan. Nilagok ko ulit ang wine na hawak ko. Tuwing dumadaan ang gantong petsa ay naglalasing ako. Ito kasi ang araw na sobrang naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko syang umalis..
Napaluha nalang ako, ang bakla tingnan pero nasasaktan talaga ko. Ni hindi ko na nga napansin na sa trabaho na ako nagpopokus. Nawala ang social life ko, ni pakikipagrelasyon ay hindi ko pinasok.
Tumingin ulit ako sa langit. Puro stars ang nakikita ko. Maya maya ay may bagay na kumikinang at patuloy na gumagalaw.
"457. Ilang eroplano pa ba ang daraan bago ko marealize na hindi na sya babalik?" bulong ko sa sarili ko.
"Jason!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun.Gustong gusto kong lumingon pero ayaw kumilos ng katawan ko. Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod.
"Namiss Kita!" Dalawang salita lang pero nakakapanghina.Dahan dahan akong humarap..Ang nakangiti kong mukha ay napalitan ng pagkagulat. Nag iimagine nanaman pala ko. Hindi pala sya ang dumating kundi ang mama ko, hindi pala boses nya ang narinig ko.
Bahagya akong ngumiti kay mama pero nawala ang ngiti ko ng may malaman na di lang pala sya nag-iisa.