Nanginig ang buong katawan ko ng marinig yun kay mama.
"A-nong? B-bakit di ko alam yan? H-hindi nakakatawang biro yan! Sabihin mong hindi totoo yan mom!!!!" dere-deretsong sabi ko.
"Iho! Akala ko alam mo na! Dahil nakita kitang umiiyak nung gabing umalis si Iris at yun din yung gabing nag crash ang plane. I thought nakita mo na sa balita na walang nakaligtas sa lahat ng pasahero!"
"N-no! L-liar! I'll prove you that its not true!" Agad kong kinuha ang phone ko at sinearch ang plane crash 5 years ago.Agad kong nabitawan ang phone ko ng mabasa ko ang
FLIGHT GTDTS05115 CRASHED.
NO ONE SURVIVED.Nakalagay din dun lahat ng pangalan ng pasahero. Inisa-isa ko ito at hiniling na sana hindi ko makita ang pangalan nya.
"No. no. no. NO! NO! NOOOOOOO!" Sigaw ko habang umiiyak. Si mom naman ay sinusubukan akong yakapin!"
------
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga. I look wasted but it doesn't matter. Wala ng ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang katotohanang wala na sya at kasalanan ko yun.Pag-baba ko ay nakita ko na si mom na nakaayos na.
"Lets go! I'll bring you where she was burried" I just gave her a look. I want to smile but I just can't.
Nakarating kami sa cemetery pero wala pa saming bumababa. Natatakot akong bumaba at makita na nakasulat ang pangalan nya sa isa sa mga batong yun. I felt mom held my hand so I look at her.
"Her mom is there! I know she missed you too." Nakuyom ko ang kamao ko at umiling
"Go ahead iho! It will free you from your misery. Face the truth" at pinisil ni mom ang kamay ko bago bitawan. She gave an encouraging smile, Bumaba ako ng sasakyan at inintay syang makaalis. Lumingon ako sa babaeng tinuro kanina ni Mom. I saw her beside the tombstone. It takes a lot of courage to walk towards her. I composed myself as long as I reach her.
Napatingin naman sya sakin, she's not crying but sadness are written all over her face. Umupo ako sa tabi nya. Pinagmasdan ko ang tombstone ni Iris. Hindi ko namalayan na pumatak nanaman ang luha ko. Akala ko naubos na kagabi."T-tita. Im s-sorry. Kasalanan ko to e! Hindi sana sya mawawala kung hindi sya sumakay ng eroplano! Pasensya na po kayo, Ngayon ko lang po nalaman na wala na sya. I-m really really sorry"
"I'm mad, hurt and broken when I lost her. Isa lang pumasok sa isip ko. Ikaw ang may kasalanan." Lalo akong napaiyak sa sinabi ni tita. Great. I have all reasons to hate my self. Im busy cursing myself mentally when she spoke again.
"But I realized one thing. I should thank you. Siguro yun na talaga yung oras nya at dahil sa ginawa mo, naging masaya sya sa huling sandali ng buhay nya dahil nakasakay na sya sa eroplano na matagal na nyang pinapangarap" Nakita kong umiiyak na din si tita.
"Buti pa kayo, positive ang tingin nyo pero tita, kahit sabihin nyo po yan, I will always blame myself for what happened to her. I am the reason why I lost the girl I love forever. Dahil masyado kong mapapel, pakielamero! Siguro po! Galit din sya sakin ngayon dahil nawala sya sa mundong to dahil sa kagagawan ko mismo" Malungkot na sabi ko.
"Hindi kayang magalit ni Iris sa taong mahal nya" Pumikit muna ko at hinawakan ang tombstone nya. If I can bring back time, hahayaan ko nalang na masaktan sya dahil hindi nya maabot ang pangarap nya at nandoon ako para icomfort sya kaysa naman na natupad nga ang pangarap nya pero andito naman sya ngayon. Six degree ang layo sakin. Pakikipagusap ko sa sarili ko.
"Yesterday is her 5th death anniversary! Lagi akong kinabukasan dumadalaw. Dahil sa totoo lang, ayokong makita ang kahit na sinong magpapaalala sa anak ko..Lalo lang akong masasaktan..Hindi ko inaasahang ngayon na kita makikita".sabi ni tita habang nanatiling nakatingin sa pangalan ni Iris na nakaukit sa tombstone.
"Ngayon lang po ako nakadalaw dito. Sa totoo lang, kagabi ko lang nalaman na.... Wala na sya" Malungkot na sabi ko"Tinawagan ako ng mommy mo kagabi. Kinwento na nya sakin lahat. Pasensya na kung limang taon kang nag-intay sa wala" Nanatili akong tahimik..Naisip ko, yung limang taon na nasaktan ako sa pag iintay sa kanya ay kulang pang kabayaran sa buhay na nawala dahil sakin.
Tumayo sya at ngumiti sakin "Mabuhay ka na ng normal kagaya ng pilit kong ginagawa Jason. Mas magiging masaya sya pag nangyari yun. Sige mauna na ako" Umalis na sya pero hindi pa din ako gumalaw sa kinauupuan ko..Nanatili akong nakatitig sa pangalan nya. Ganto pala kasakit ang katotohanan.
Isang tunog ng eroplano ang narinig ko. Humiga ako sa tabi ng tombstone nya at tumitig sa eroplano hanggang mawala ito sa paningin ko. "Iris" Bulong ko sa sarili ko.
------
Sa tuwing titingala ako at makakakita ako ng eroplano. Hindi na numero ang nasasabi ko kundi Iris.. Si "Iris" isang napakahalagang babae na nangarap sumakay sa eroplano. Eroplanong naging dahilan ng permanente nyang pagkawala sa mundong ginagalawan ko."But behind all that ,I still blame myself than blame the airplane" Bulong ko sa sarili ko.