Nangangatog akong naglalakad papasok sa Airport. Ito na ang araw ng pag alis ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Saya, kaba, excitement at takot. Eto na, matutupad na ang pangarap ko.
"Matatapos na ang pagbibilang mo ng eroplanong dumadaan" pagbibirong sabi sakin ni Jason.
"At dahil yun sayo Jason, Utang ko sayo ang lahat ng to.!"
"Regalo ko sayo yun kaya wala kang utang!"
"Basta pagbalik ko, susuklian ko lahat ng kabutihan mo sakin!"
"Sira! Pumasok ka na nga! Baka malate ka pa sa flight mo at di kana talaga makasakay!" Nginitian ko sya.
"Pakisabi nalang kay mama babalikan ko sya ah!"
"Oo, iintayin ka nya" Ngumiti ulit ako bago tumalikod. Pero bakit parang ayaw ko ng umalis ,parang may pumipigil sakin. Dahan-dahan akong naglalakad, sa bawat hakbang ko ay pagdadalawang isip. Huminga ko ng malalim at napakagat sa labi ko. Agad akong tumalikod at tinawag si Jason. Agad naman syang lumingon
"Intayin mo ako! Babalikan kita!" Sabi ko. Isang ngiti ang binigay nya sakin. Dahan dahang pumatak ang luha ko. Winave nya ang kamay nya at kahit hindi ko narinig ang sinabi nya, alam kong nag-paalam na sya. Pinagmasdan ko lang syang mag-lakad palayo. Ang taong bumuo sa buhay ko, ang taong nagpasaya sakin, ang taong inintindi ako,ang taong, hindi ako iniwan, ang bestfriend ko, ang taong mahal ko.
-----
Palipad na ang eroplanong sinasakyan ko. Nanatili akong nakatingin sa bintana. May nararamdaman akong panghihinayang, hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko na sya. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, hindi ko sigurado kung ganun pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya pero isa lang ang sigurado.
May malaki syang pwesto sa puso at buhay ko.