CHAPTER 6
Mae
"Manang, andyan na po ba si JV?" Bakas sa mukha ko ang pagkairita habang tinatanong ko ang katulong sa bahay. Pagkapasok ko pa lang ay iyon na ang binungad ko, naiinis kasi ako. Pagkatapos kasi no'ng lunch na biglang nawala si JV ay 'di ko na ulit siya nakita. Hindi ko naman siya kaklase no'ng haponkaya mas lalong 'di ko na siya nahagilap. Tinext ko pa siya, pero 'di rin nag-reply pati sa tawag ko, 'di sumagot.
"Nasa itaas na po. Kanina pa, bakit po?" Sa halip na sagutin ang tanong ng katulong ay nag dire-diretso ako sa itaas ng bahay patungo sa kwarto ni JV. Nakabukas naman ito kaya nagmadali akong puntahan ito, pero agad akong napatigil nang marinig ko ang pagbulyaw niya.
"Hindi na nga, mom! I swear, I am gay!" napakunot-noo ako sa narinig. Anong problema niya at imbyera na naman siya sa mommy niya?
Nanatili akong nakatayo sa pinto at 'di ko pinigilan ang aking sariling makinig pa sa usapan nila. Nakabukas naman ang pinto, kaya kasalanan niya na naririnig ko lahat ng usapan nila.
"Mom, I won't! I will not! Kahit pa utos ninyo 'yan! That will not happen! Never!" Pagkatapos ng pagkakasabi no'n ni JV ay napalingon siya sa pinto. Nanlaki naman ang mata niya nang makitang nakatayo ako ro'n, pero ako'y pinaningkitan lang siya ng mata. Naglakad na ako papasok, kasi 'di naman siya nagsalita at binaba lang ang hawak niyang cellphone mula sa kanyang tenga.
"Ba't ka sumisigaw na naman sa mommy mo?" Magkasalubong pa kilay ko habang papalapit sa kanya at nagtanong. Kung nakabusangot siya kanina ay mas lalong nasira naman mukha nya. Pero syempre gwapo pa rin.
"Wala ka na do'n." Tinalikdan niya ako pagkatapos niyang magtaray kaya mas nainis ako. Hinawakan ko agad braso niya at hinarap siyang muli sa'kin.
"Ano bang problema mo? Kanina pa mainit ulo mo, tapos iniwan mo pa ako. Usapan natin, lagi tayong sabay uuwi at pupunta ng school. Kaso inwan mo ako kanina, pati text at tawag ko 'di mo sinasagot!"
Tumaas na boses ko, nabwisit na kasi ako sa inasal niya. Nakakainis din ang inasta niya sa mommy niya. 'Di na nga sila magkasama tapos gano'n pa siya.
"I just want to go home early. " Tumalikod na naman siya kaya hinila ko siya ulit. Iniharap ko siya sa'kin at inupo sa kama niya. Nanatili akong nakatayo sa harap niya habang hawak pa rin ang magkabilang balikat niya.
"Dahil lang do'n? E ba't parang badtrip ka? Ano bang problema?" Hindi naman siya sumagot at tinitigan lang ako. Nagkatitigan kami ng ilang sandali at wala paring nagsasalita. Maya-maya pa lang ay tinanggal niya ang mga kamay ko sa balikat niya at saka sumagot.
"Stop it! You are acting like a mad girlfriend."
Mad girl friend? Mad talaga ako at girl friend niya ako! Galit ako sa kanya ngayon! He was being unreasonable! He left me without saying a thing. Sinogn 'di magagalit do'n?
"Of course I am mad! Sinong 'di magagalit sa ginawa mo?"
Nagtagis ang kanyang bagang sa aking turan at siya naman ang humawak sa braso ko. Mataman siyang tumitig sa mga mata ko at nanggigigil na sumagot. "Gusto ng mommy ko na ligawan kita at gawin akong lalaki, pero ayaw ko! Sinong 'di maiimbyerna? Sige nga? "
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ligawan ako? At utos ng mommy niya, para lang gawin siyang lalaki?
Napatikom na ako ng bibig at napalunok. "Bakit naman naisip ni Tita 'yon?"
Napatawa ako ng pagak sa huli, kakaiba din ang mommy niya. Halata niya naman na bakla si JV at umamin na rin naman 'to na bakla siya, so what's the point para gawin siyang lalaki kung tanggap naman siya ng lipunan at pamilya niya? Halata namang tanggap parin siya ni Tita, pero bakit niya naisipan gawing lalaki ngayon si JV?
BINABASA MO ANG
Key To My Heart
Teen FictionSi Maerian Garduce ay isa lamang sa mga babaeng naniniwala sa forever, noon. Naniwala siya at hinanap ang ka-forever gamit ang susi na simbolo ng isang pangako. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari ay nawala ang kanyang paniniwala, dahil ang lalaking...