Chapter 19

608 19 1
                                    

Chapter 19

Mae

Medyo naiilang kami ni JV sa isa't isa dahil sa nangyari no'ng nakalipas na gabi. Ilang araw na kaming ganito, awkward talaga e.

"Mommy, kailan kayo nakauwi?" Tanong ko sa magulang ko, nasa hapagkainan kasi kami. Sabay kaming magbi-breakfast.

Nagulat ako paggising ko kaninang umaga, kasi andito na sila mommy at daddy. Siguro ay natapos na talaga ang ta-trabahuin nila, kaya sila andito. Bihira lang talaga silang sumabay sa pagkain e.

"Last night, tulog na kayo. Kaya 'di na namin kayo ginising. Besides, may lakad tayo ngayon." Bigla akong na-excite sa pahayag ni daddy. May lakad kami ngayon? Wow, nakakamiss talagang kasama silang gumala.

"Where?" Agad kaming nagkatinginan ni JV na katabi ko nang sabay kaming magtanong, napangiti nalang tuloy ako nang pilit sa kanya. Siya rin, napangiti nang pilit. Bumaling nalang tuloy kami kina mommy, 'di pa kami nakakapag-usap ng matino e.

"Sa ampunan, 'di ba doon naman kayo laging nagki-Christmas party? Malapit na ang pasko, kaya naisip namin ng daddy mo na bisitahin sila doon. " Nagliwanag agad ang mata ko sa sinabi ni mommy, kasi pagkatapos no'ng kidnapping incident ay 'di na nila ako pinabalik pa roon. Kaya naman tuwang-tuwa ako ngayon.

"Talaga mom? Oh my gee! We're going back there!" Dahil sa sobrang saya ko ay napahawak ako sa braso ni JV habang nagsasalita at niyugyog ito. Napanganga naman siya, pero ilang saglit lang ay ngumiti na rin.

Doon ko alng narealize na 'di pa pala kami totally maayos, kaya bibitaw na sana ako. Kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko at siya na mismo nagbaba, pagkatapos ay kinurot niya nang bahagya ang pisngi ko.

"Tara gumora, mukhang masaya nga doon. I can see it in your smile." Mas napangiti ako nang wagas dahil sa sinabi niya. What he said is true, happiness is the meaning of that place. The true happiness that I've felt many years back.

"Ba't ganyan ka makatingin sa kanya? 'Wag mong sabihing siya na ang gusto mo, proket binasted lang kita?" Tanong ko iyon kay Kenneth, isinama kasi siya ni mommy. At dahil doon ay napansin kong sa buong byahe ay may kakaibang titig siyang ipinupukol kay JV, pero 'di nahahalata ni bakla iyon. Kasi busy si friendship sa tanawin, nasa probinsya kasi ang ampunan. Kaya maraming tanawin at kakahuyan.

Napaismid naman si Kenneth, bago ako sinagot. " Hindi ah, may ipinagtataka lang ako."

Umiwas na siya ng tingin kay JV at sinabayan na ako sa paglalakad. Dala-dala namin ang iba't ibang pagkain at laruang pinamili ni mommy kanina, namili na kasi kami agad kanina after naming nag-breakfast. At andito na kami after lunch, buti talaga walang traffic sa probinsya.

Nakita ko kung gaano kasaya ang mga bata sa pagdating namin, katulad ng dati. Walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko sa tuwing pumupunta ako rito, kahit pa ilang taon na ang nakalipas simula no'ng huling pumunta ako.

"Si Mae na ba ito?" Tanong iyon ng isa sa mga madre sa ampunan, kilala niya ako. Pero ako, 'di ko na siya kilala. Ngumiti nalang tuloy ako. Pinakilala kasi ako ni mommy.

"Si Mae na nga ito at iyong dalawa naman si Juanito at Kenneth." Tinuro pa ni mommy ang dalawa na nagbibigay ng laruan sa mga bata. Napangiti tuloy ako sa nakita ko, nag eenjoy kasi sila. Lalo na si JV na halos panggigilan na lahat ng pinsgi ng bata, nakakatuwa siyang tignan.

Ngiting-ngiti ako, pero agad akong natigilan nang magtama ang tingin namin. Bigla akong kinabahan, pero ngumiti siya pabalik sa'kin. Kaya naman patuloy na lang ako sa pagngiti at kumaway na lang sa kanila.

Nabalik lang ang atensyon ko sa madre nang magsalita na siyang muli. "Nako, napakagwapong mga bata na no'ng dalawa. Akalain mong hanggang ngayon ay magkakaibigan pa in sila. Nako, naalala ko tuloy no'ng lagi kayong pumupunta sa parke niyang kalaro mo dati." Tinapik ako ng madre pagkatapos ng sinabi niya, kaya agad akong napatuon ng buong atensyon sa kanya. Kilala niya nga pala ang kalaro ko. Baka pwede kong itanong sa kanya, sila mommy kasi ay laging umiiwas sa topic pagdating sa batang kasama kong nakidnap dati. Sabi nila wag ko na lang daw alalahanin ang masamang panaginip na iyon. Pero gusto ko talagang malaman.

Hinarap ko ang madre at buong tapang na nagtanong, " Sino nga po ulit 'yong lagi kong kalaro dati?"

Agad nagkatinginan ang madre at si mommy dahil sa tanong ko. Napatingin na rin ako kay mommy, hanggang ngayon ba naman ay ayaw niya pa ring maalala ko iyon?

"Mom," hinawakan ko ang kamay ni mommy at nakiusap. "Mom, I want to know. And what happened is just a nightmare anymore. 'Di na ako naapektuhan no'n. Gusto ko nalang talagang malaman kung sino siya."

Isang nag-aalalang tingin ang pinukol ni mommy sa umpisa, pero ngumiti na rin siya. Bigla niya akong niyakap kasabay sinabing, " Sabi ko na nga ba't ito na ang tamang panahon para sabihin ito e. Natatakot kasi kami na baka bigla ka na namang ma-depress at malungkot kapag naalala mo siya. Pero sigurado ka na ngayon 'di ba?"

Napatango ako bilang sagot, saka lang bumitaw si mommy. "Siguro nga ay tamang panahon na, para malaman mo na—"

'Di natuloy ni mommy ang sasabihin niya nang makarinig kami ng tili ng bata. Agad kaming napalingon dito at nakita namin ang isang batang umiiyak at nagsisisigaw habang tumatakbo papunta sa direksyon naming.

"Anong problema?" Agd siyang dinaluhan ng madre, pero patuloy sa paghikbi ang bata. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid, baka may nakakatakot kasi siyang nakita. Pero wala naman at napansin agad ng mata ko na wala na si JV sa puwesto nya kanina, tanging si Kenneth nalang ang namimigay ng laruan. Kinabahan ako bigla.

"Sister, si..si kuya JV po...nahimatay!" Pagkasabi no'n ng bata ay nanlaki ang mata ko, nahimatay?

"Ha? Nasaan siya?" Tanong ko kaagad at tinuro ng bata ang isang direksyon. Sa sobrang panic ko ay nag dire-diretso na ako ng takbo, nagtuloy-tuloy lang ako hanggang makita ko si JV na nakahiga na sa sahig. Oh no! What happened?

Nilapitan ko siya at nakitang wala na siyang malay, hawak-hawak niya ang magkabilang bahagi ng ulo niya. "JV,"

Dinaluhan ko siya at tiningnan kung may mali ba sa ulo niya, pero wala naman akong nakita. Luminga ako sa paligid para magtawag pa ng iba, pero natigilan ako. Doon ko lang napansin kung nasaan kami, nasa parke kami.

Ang parkeng lagi kong pinupuntahan dati. Natulala ako saglit at dumating na sila Kenneth, tinulungan nila akong buhatin si JV.

Napakurap nalang ako ng ilang beses, kasi kailangan ko munang tulungan si JV, bago itong parke. Sisinakay na namin siya sa sasakyan, kasi pinagpapawisan na siya ng malamig at 'di niya inaalis sa ulo niya ang mga kamay niya.

"Babalik na lang po kami," paalam ni mama sa madre at nagtuloy na kami papuntang Ospital. Nang lingunin ko si JV na nakahilig sa akin ay bigla akong kinabahan. Bakas sa mukha niya na nasasaktan siya, pero wala naman akong nakitang sugat. Anong nangyari sa kanya?

NANG marakating kami sa Ospital ay si mommy na ang kumausap sa doctor pagakatapos nilang e eksamin si JV, umayos na naman si JV. Maayos na siyang natutulog sa isang silid ngayon at nandito pa rin ako sa tabi niya. Ano kayang nangyari kay JV? At bakit siya hinimatay bigla?

Nasa pag-iisip ako nang may biglang pumasok, nanlaki agad ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. Sobrang pamilyar na hindi ko mapagtanto kung bakit may dalawang JV ang nakikita ko ngayon? Ang isa ay nakahiga sa kama, samantalang ang isa nama'y nagmamasid sa akin sa pintuan. Anong nangyayari?

C]W

Key To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon