Chapter 13
Mae
Iyong pakiramdam na hindi ko alam ang gagawin, tapos 'di ko na alam anong susunod kong iisipin. Nagkakarambola ang utak ko, nagririgudon ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganito, dahil ba 'to sa nararamdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa beywang ko? O dahil sa pakiramdam kong bumilis ang paghinga niya at dinadapuan parin ng hininga niya ang leeg ko?
Ang pinakamalaking tanong, ba't ako nagkakaganito? Hindi ko maipaliwanag, huling beses na nagkaganito ako ay noong kay Kevin. Noong nalaman kong siya iyong batang pinangakuan ko, pero bakit ngayon ganito ako kay JV?
"JV," tanging nasabi ko at nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. Nagulat naman ako nang bumuntong hininga siya na para bang nahihirapan. "Mae."
Pati pagbanggit niya ng pangalan ko kakaiba, hindi siya ganito magsalita. Maay lambing ang boses niya.
"Shit!" Narinig ko nalang ang pagmumura niya nang biglang siyang lumayo. O mas tamang sabihin nang hilahin siya ni Kenneth. Nakakunot ang noo ni Kenneth at palipat-lipat ng tingin sa'min ni JV. Bakas ang galit at pagkalito sa kanyang mukha.
"Anong ginagawa ninyo?" Napabuga naman ako ng hangin nang maramdaman kong kanina pa pala ako nagpipigil ng paggalaw. Pati paghinga ko ay pinigil ko pala. Na-iwas ako agad ng tingin kay Kenneth.
May pang-aakusa sa titig niya, pero hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. "Mae?"
Napaangat ako ng tingin kay Kenneth nang tawagin niya ako. Bago pa ako magsalita ay inunahan ako ni JV.
"Tinuturuan ko lang siya ng unang—" Hindi siya natapos nang mapatili ako.
"Dugo!" Nanlaki ang mata ko pati ni Kenneth sa nakita. Napalapit naman tuloy sa amin ang ibang dancer.
"JV, 'yong ilong mo." Pagkasabi noon ni Kenneth ay saka lang kinapa ni JV ang ilong na may dugo. Anong nangyari sa kanya?
"Bakit may dugo? Sinuntok ka ba ni Kenneth no'ng hilahin ka niya?" Lumapit ako habang nagtatanong, pero sa bawat hakbang na ginagawa ko ay umaatras din siya. Saka lang ako tumigil nang magsalita na siya.
"Wala 'to, nainitan lang siguro ako. Iyong isang dancer na lang ang magtuturo sa iyo." Pagkatapos no'n ay nagtuloy-tuloy na si JV sa itaas ng bahay. Ba't dumugo ang ilong niya?
"Nagpa-init ba kayo kanina at dumugo ilong no'n? Baka naman kung saan kayo nag-gala, alam mo namang 'di pa sanay iyon sa klima natin sa Pinas."
I sounded like a nagger, but I didn't care. I just said it because I got worried. Ba't kasi biglang dumugo ilong niya? Kumunot naman ang noo ni Kenneth habang pinapanuod ako. Pagkatapos noon ay 'di niya ako sinagot at inalikuran lang.
Nainis ako sa inasal niya kaya hinila ko ang braso niya para humarap sa'kin. "Ano ba? Tinatanong kita, ikaw kasama niya bago tayo pumunta sa bahay di ba?"
Sa pagkakataong ito ay lumarawan na ang inis sa mukha niya ay may kalungkutan akong nabatid sa mata niya, parang kakaibang emosyon.
"Dumaan lang kami sa mall kanina, nakakotse kami kaya imposibleng nainitan siya. And stop it, I can't believe how numb you can get. Kaya 'di ko alam kung bakit nagkagusto ako sa iyo e."
Napatulala naman ako sa sinabi niya. Sinasabi niya bang nagsisisi siyang nagkagusto siya sa akin? Bahala na nga siya.
Dalawang araw na iyong isang dancer ang nagturo sa akin sa pagsayaw, kahit ilang segundo lang ang parte ko ay inabot parin kami ng dalawang araw bago ko makabisa ang lahat ng steps. At ngayon, para sa practice namin ay kaming dalawa ni Kenneth ang magsasayaw. For the first time, sabay kaming sasayaw.
Hindi ko alam ang e rereact ko mamaya, kasi medyo naiilang ako sa sobrang touchy ng sayaw. Medyo naging okay naman ako do'n sa isang dancer, pero kapag si Kenenth na ay baka mailang ako. Si JV nga napahawak pa lang sa beywang ko, halos manigas na ako.
Napa-iling na lang ako at pinanuod si JV habang sinasabayan si Kenneth na sumayaw. Ang galing nila, sabay na sabay na sila. Sasama kasi si JV sa back up dancer. Pero bakit sa paningin ko, parang siya pa ang lead dancer. Hindi ko sinasabing hindi magaling si Kenneth, magaling siya. Kaso may kakaiba lang kapag sumayaw na si JV, nagmumukha na siyang lalaki.
Nitong mga nakaraang araw nga 'di niya ako masyadong iniimik e. Kahit pa sabihing nag-uusap naman kami. Pero may iba na talaga, parang may nakaharang sa pagitan namin. It's awkward.
"Mae," nagulat naman ako nang tawagin ako ni JV. Sumenyas siya na tumabi na ako kay Kenneth. Tumango nalang ako at sinunod siya. Nang nasa tabi ako ni Kenneth ay ngumiti siya.
"Huwag mong apakan paa ko, magpapaa pa naman ako sa performance. Baka mangitim at pangit na tignan." Napa-ismid ako sa sinabi niya. Ang yabang talaga nito.
"Hindi ako magkakamali, 'wag kang mag-alala. Inaral ko tong maigi." Tumango naman siya sa sinabi ko at tumugtog na sa part na sasayawin namin.
Natutuwa akong makasabay sa kanya, kahit pa hindi gano'n ka-polish ang galaw ko. Pero proud ako nang nakakasabay ako nang maayos. Nang mahagip ng mata ko si JV ay halos 'di matanggal ang tingin niya sa'kin. Parang seryosong nakatutok siya bawat galaw ko.
Kaya nang umikot na ako at itinaas ng kaunti ang kamay ko ay muntik na akong ma-outbalance. Mabuti at dumeretso na ako nang ikot. Tama namang iyon ang susunod na step.
At ang kasunod ay pagtaas ko ng dalawa kong kamay, pagkatapos noon ay nasa likuran ko na si Kenneth at pumalibot ang braso niya sa'king beywang. Nang ginagawa niya 'yon ay napalingon akong muli kay JV at sa pagkakataong ito ay umiwas siya ng tingin. Nang alisin na ni Kenneth ang kamay niya, umikot akong muli at humarap na sa kanya.
Hinawakan ko na ang mukha niya na naayon sa dapat na gagawin ko, at nang gawin ko 'yon ay napangisi si Kenneth. Itinaas niya rin ang kamay niya at hinaplos ang mukha ko. Sa gulat ko nanatili kami sa gano'ng posisyon.
"When will you be my girl, Mae?" Agad kong naibaba ang kamay ko nang makitang tumingin siya sa labi ko. Tatabigin ko na rin sana ang kamay niya sa mukha ko nang bigla nalang may pumalklak.
"Good job, lovebirds! That's all for today."
Sabay kaming napatingin kay JV sa anunsyo niya. Ngumiti siya sa bawat isa at saka tumalikod, pero bago niya magawa iyon ay napansin ko agad ang mata niya. Nagtama pa kasi ang mga mata namin bago siya tuluyang tumalikod at inaamin kong naguluhan ako sa pinakita niya.
Ngumiti siya ng pilit sa akin at nabasa ko ang panlulumo sa mata niya. Bakit? Bakit siya gano'n? At bakit ganito ko siya pinoproblema?
BINABASA MO ANG
Key To My Heart
Teen FictionSi Maerian Garduce ay isa lamang sa mga babaeng naniniwala sa forever, noon. Naniwala siya at hinanap ang ka-forever gamit ang susi na simbolo ng isang pangako. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari ay nawala ang kanyang paniniwala, dahil ang lalaking...