Chapter 8
Mae
"Joke! Kadirdir kaya!" Nakahinga ako agad ng maluwag nang bumitaw na ng titig si JV at sa wakas ay nakangiti na siya. Nawala na ang aura niya. Juicekolord!
Hindii maalis ang titig ko kanina sa kanya lalo pa't seryoso ang mukha niya, tapos sasabihan pa ako ng gano'n. Nag-init tuloy ang mukha ko, kahit full pledge bakla siya. Kainis!
"Kaloka ka! Natakot ako do'n ah! Kala ko naging lalaki ka na." Hinampas ko pa siya sa balikat niya kaya tawa siya ng tawa sa sinabi ko. Imposible rin 'yon. Sabi niya nga sa mommy niya, bading talaga siya. Bading siya, period.
"BEH Kenneth." Malambing ang pagkakatawag ko kay Kenneth nang sabay kaming papasok sa classroom , kaso nilingon niya lang ako at at pumasok. Kainis! Galit pa rin siya!
Bakit sa'kin siya nagalit, si JV naman 'tong umayaw sa kanya e.
Kaya ayaw kong napapagitna sa mga lovers quarrel e, masyadong kumplikado. Idamay pang bakla silang dalawa. Kainis kasi 'tong Beh Kenneth, naisipan pang maging bakla. Tapos magpapakabakla pa siya kay JV, dinamay pa ako sa kaguluhan nilang magsyota. Kaloka!
Inipon ko muna ang lahat ng inis ko bago magsalitang muli, ayaw kong pairalin ang init ng ulo ko. Gusto kong matapos na 'to.
"Beh, 'wag ka nang magalit. Kung gusto mo, pilitin ko nalang si JV na sa inyo na lang tumira." Sa wakas naman ay lumingon na siya. Nauna kasi akong pumasok kaysa kay bakla, kaya ang lakas ng loob kong sabihin na kukumbinsihin ko si JV, pero patay ako nito mamaya.
"Why would you do that?" Nagtaka naman ako sa tinanong ni bestfriend. Bakit hindi? Gusto ko nang tapusin 'tong kadramahan nila e.
"Kasi sabi mo, gusto mong doon na lang siya tumira sa inyo. At wala naman akong karapatan na pumagitan sa relasyon ninyo. Syempre ikaw ang boyfriend ni JV, ako'y hamak na friendship lang naman."
Pagkasabi ko no'n ay narinig ko ang bulong-bulungan nga mga tao sa paligid.
"Mag-boyfriend sila ni JV? God!"
"Wala na talaga tayong pag-asa!"
Halos gano'n ang mga kumento ng babae,samantalang napapa-iling lang ang mga lalaki. Bumakas naman ang galit sa mukha ni Kenneth at agad hinila ang braso ko.
"Mag-usap nga tayo." Hinila niya na ako pagkatapos niyang ibulong iyon sa'kin, pero nagtataka ako. Nag-uusap naman na kami ah?
"Bakit? Anong pag-uusapan pa natin? Pumayag naman na akong doon na si JV sa inyo ah."
Nahilamos agad ni Kenneth ang kamay niya sa mukha niya pagkatapos kong magsalita. Dinala niya ako sa rooftop kung saan wala masayadong tao, at heto na nga. Mag-uusap na daw kami.
"Hindi naman iyon ang gusto ko! At hindi kami ni JV!" Pabulyaw ang pagkakasabi niya kaya napaatras ako. Halatang nagalit talaga siya.
"Ibig sabihin, akala lang ni JV na kayo talaga?" Kumunot na noo niya at hinawakan ako sa balikat ko bago ako sinagot.
"Hindi! Alam niyang hindi kami at hindi magiging kami, kasi may mahal na akong iba! Sinabi ko na 'yan di ba?"
His eyes were full of conviction that made me wonder more. Who is that girl? What is with that girl to make my bestfriend this brave to confront me and even make himself very sure?
"Mahal mo talaga ang babaeng 'yan?"
Natigilan siya sa tanong ko, at halatang umiwas na naman siya ng tingin. Kanina sigurado siya, pero ngayong nagtanong na ako bigla na lang siyang iiwas. Kung may gusto naman pala siya, ba't niya pinalabas na bakla siya?
BINABASA MO ANG
Key To My Heart
Teen FictionSi Maerian Garduce ay isa lamang sa mga babaeng naniniwala sa forever, noon. Naniwala siya at hinanap ang ka-forever gamit ang susi na simbolo ng isang pangako. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari ay nawala ang kanyang paniniwala, dahil ang lalaking...