Chapter 14
Mae
Dalawang araw nalang at pageant na, gano'n parin ang nangyayri araw-araw. Napapractice kami, nasasanay na rin ako sa paghawak ni Kenneth sa'kin. Nakakatuwa tuloy, pero nalulungkot ako sa kabilang banda.
Katulad kasi ng dati ay medyo malamig parin ang pakikitungo ni JV sa'kin. Hindi ko na rin alam kung paano siya kakausapin.Hindi ako sanay na ganito kami, lalo pa't sa iisang bahay lang kami nakatira.
Sabay kaming kumakain na tatlo ngayon sa canteen, as usual nagpapstawa si JV. Nakikitawa na rin ako sa mga kwento niya.
Tuwang -tuwa siyang nagkukwento kaya natutuwa na rin ako, atleast hindi halatang hindi talaga kaming nagpapansinan.
"Kelan ba 'yan? Di ba kasabay ka naman naming lagi umuwi?" Napatingin siya sa gawi ko nang magtanong ako. Nagkukwento kasi siya nang nagyari sa kanya no'ng isang araw. Ngumiti siya sa'kin at napa-isip.
"Noon 'yong lumabas ako ng bahay, may usapan kami ni Kenneth no'n e."
Pagkasabi niya noon ay agad akong nagtanong muli. "Nagkikita kayo ni Kenneth? "
Natigilan naman si bakla at tumingin kay Kenneth, agad namutla si bestfriend at nanlaki ang mata. Si bakla naman ang unang nakabawi at tumingin sa'kin.
"Friendship, boys night out iyon." Napatawa ako sa sinagot niya. Sigurado ba siya sa sinabi niya?
"Boys night out? Bakit, boy ka ba?" Pagkasabi ko noon ay napa-isip siyang muli saka ngumiwi.
"Oo nga no, pero wala parin kasi akong matris kaya boylalu parin ako. At saka nag-boy hunting ako 'no, pwede naman iyon sa boys night out." Umirap siya pero nakangiti sa sinabi niya. Napangiti na lang din ako, atleast nagiging natural na ulit ang pakikipag-usap niya sa akin. Sana lang kapag kami lang dalawa, ganyan din sana siya.
UWIAN na at ngayong araw na 'to ay 'di ko kasabay si JV sa pag-uwi. Si Kenneth ang nagprisinta na ihatid ako, may lakad daw si JV. Napapaisip tuloy ako kung bakit pilit iniiwasan ako ni JV, wala naman akong maisip na ginawa kong mali.
"Lalim ng iniisip natin ah, ako ba 'yan?" Napaigta ako sa tanong ni Kenneth, kasabay pa nito ang pag-abot niya sa kamay ko. Nagmamaneho siya, pero nagawa niya pa ring abutin ako. Dahan-dahan ko namang tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at ngumiti ng alanganin.
"Iniisip ko lang 'yong pageant, baka kasi mapahiya lang tayo." Pagkatapos kong sabihin iyon ay umiwas na ako ng tingin. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nahiya nang hawakan niya ang kamay ko, nagulat ako.
Para kasing 'di ako sanay na ganyan siya, dati kasi ang munting paghawak niya sa kamay ko'y walang malisya. Pero ngayon, iba na. Lahat ng pinapakita niya ay pagpapakita kung gaano niya ako kagusto, samantalang ako ay walang maibigay pabalik sa kanya. In short, pinapaasa ko siya sa wala.
"Mae, andito na tayo." Napalingon ako agad kay Kenneth nang magsalita siya, doon ko lang din namalayan na nasa tapat na kami ng bahay.
"Salamat sa paghatid," iyon ang tanging nasabi ko at pumihit paharap sa pinto ng sasakyan. Pero bago ko mabuksan ang pinto ay inagap ni Kenneth ang braso ko, kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya, nagulat naman ako nang nakatitig siya ng malalam sa akin.
"Mae, hindi sa nagmamadali ako. Gusto ko lang malaman , may pag-asa ba ako?" Napaawang ang labi ko dahil sa tanong niya, nanlamig agad ang kamay ko. Kaya naman agad kong binawi ang braso ko at umiwas ng tingin, pero alam ko naman kailangan ko siyang sagutin.
Kaialangan ko siyang sagutin ng katotohanan, siguro nga ito 'yong timing na inaantay ko. Ang oras para tuluyang 'wang nang paasahin ang bestfriend ko.
"Bestfriend," paunang salita ko pa lang ay nakita ko agad ang mapait na ngiti sa kanayang labi. Alam kong alam niya na ang isasagot ko.
"Sana maintindihan mo, pero hanggang bestfriend lang talaga ang pagmamahal ko sa iyo. Pwede bang hanggang doon na lang tayo?"
Pagkatapos kong magtanong ay tumawa ng pagak si Kenneth. "Mae, sigurado ka bang iyon lang ang rason? O sadyang 'di ka pa nakaka-move on sa kapatid ko?"
Nanlaki ang mata ko sa bintang niya. "Alam mong hindi na! Hindi dahil doon, hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo. Ayaw ko ring masira ang pagkakaibigan natin. " Yumuko na ako, alam kong G na G ako at gusto kong depensahana ng sarili ko laban sa bintang niya, dahil wala iyong katotohanan.
Maya-maya pa lang ay tumawang muli si Kenneth, kaya nag-angat na ako ng tingin. Tumigil naman siya at nagulat ako nang ituro niya ang bagay na nakasabit sa leeg ko. "Kung gano'n, dahil ba sa pangako mo noong bata ka? Dahil parin ba 'yon sa kwintas na 'yan?"
Ibinuka ko na ang bibig ko ara magsalita, pero napasinghap nalang ako nang hilahin ni Kenneth ang kwintas sa leeg ko. "Hindi na matutupad ang pangakong 'to, Mae. Kasi kung matutupad man ito, sana hinanap ka rin ng lalaking pinangakuan mo. Pero kita mo naman, 'di pa rin kayo nagkikita hanggang ngayon. Let this go."
Nanlaki ang mata ko, pagkatapos kasing magsalita ni Kenneth ay lumabas siya ng sasakyan at nakita kong hinagis niya sa isang bakanteng lote sa tapat ng bahay namin ang kwintas.
"Kenneth!" Lumabas na rin ako ng kotse at nilapitan siya."Bakit mo ginawa 'yon? Alam mong importante iyon sa'kin!"
Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko, I can't just let that go. Sobrang importante ng kwintas na 'yon. It's been with me for years, I can't let it go!
"Let it go, Mae. Namumuhay ka sa nakaraan Mae, kaya nasasaktan ang tao sa paligid mo. Ang manhid mo kasi, kaya 'di mo nakikita ang effort ng mga tao. Ang manhid mo, kasi 'di mo alam kung paano ka pinapahalagahan ng tao sa paligid mo. At dahil lahat ng iyon sa kwintas na iyan, nagiging tanga ka!" Pagkasabi niya no'n ay di ko napigilan at sinampal ko siya. Ang sakit niyang magsalita. Hinayaan kong tumulo pa ang luha ko at nagsalita na.
"Wala kang alam! Hindi mo alam kung gaano ka-importante sa'kin ang kwintas na 'yon, kung gaano ka-importante sa akin ang batang iyon. Utang ko sa kanya ang buhay ko, dahil sa kanya kung bakit andito parin ako hanggang ngayon! Kaya 'wag kang mangialam na parang alam mo ang lahat! Kasi wala kang alam!"
BINABASA MO ANG
Key To My Heart
Teen FictionSi Maerian Garduce ay isa lamang sa mga babaeng naniniwala sa forever, noon. Naniwala siya at hinanap ang ka-forever gamit ang susi na simbolo ng isang pangako. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari ay nawala ang kanyang paniniwala, dahil ang lalaking...