Chapter 12
Mae
Napabusangot naman ako agad nang malaman ang balak ni JV. Kaya pala excited, kasi siya pala ang gagawa ng paraan ngayon para mapalapit kay Kenneth. Imbyernang bakla!
Naiinis ako, kasi inuutusan nila akong mag-order ng hapunan tapos maghanda na dito sa dining table, kasi nagpapractice na sila. Kainis!
Nakakatsansing lagi si JV. Kaso ang nakakapagtaka, hindi umaalma ngayon si Kenneth. Seryoso siyang nagsasayaw, kahit na magaling na talaga siyang sumayaw. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay si JV, ang galing niya.
Kaya 'di na umaalma si Kenneth sa kanya nang magdesisyon siyang isasayaw daw ni Kenneth ang bridge ng Love me like you ni Ellie Goulding. Sa umpisa daw mag-isa siya, sasamahan siya ng ilang back-up. Samantalang sasayaw lang ako kasama niya sa dulong parte ng kanta.
Hindi ko alam kung bakit, pero na-hook ako sa sayaw nila, ang lambot ng katawan nilang dalawa. Pero hindi sila mahalay tignan, they looked manly.Except sa isang parte.
"JV! Ano ba?" Ako na tuloy ang napasigaw, nang makita kong bumaba ang kamay ni JV sa hita ni Kenneth.
"JV naman! Virgin pa mata ko!" Pagsigaw ko no'n ay napa-iling lang si Kenneth at lumayo kay JV, samantalang ngumisi naman 'yong isa. Sabay na silang lumapit sa aking kinaroroonan, sa dining area.
"Ginusto ninyong ako magturo e, 'wag mo nga akong sumbata diyan." Umirap pa si bakla nang magsalita siya. Umirap na lang din tuloy ako. Kaasar!
Kung makalandi kasi, akala mo babae talaga! Kainis! Hindi ko alam, pero naiinis ako sa nakita ko.
NANG matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Kenneth, bukas nalang ulit kami magpa-practice. Nang umalis siya ay napalingon na ako kay JV. "Hindi ko gusto 'yong ginagawa mo."
Lumapad ang ngisi ni bakla sa sinabi ko at nginisihan lang ako. "Selos ka lang."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya akong nakatulala. Teka, ba't parang tinamaan ako sa sinabi niya. Nagseselos ako? Imposible, kasi 'di ko naman gusto ang bestfriend ko. Hindi!
Tatlong araw na ang nakakalipas, pero silang dalawa parin ni JV ang nagpapractice. Ako kasi 'di ko kailangang mag-practice pa, magaling na ako.
Kaso 'di tulad noong unang araw, sa bahay nila Kenneth na sila nagpapractice. Kaya mag-isa ako ngayon sa bahay. 'Di ko kinakaya ang tsansing ni JV, masyado siyang bakla! Kainis! Kaya 'di na ako nanunuod, 'di rin naman nila ako kailangan.
"Ba't nakabusangot ka diyan?" Nagulat naman ako sa nagsalita sa likuran ko. Si JV lang pala.
"Tse!" Umirap ako at tumayo na mula sa kinauupuan ko, ang totoo inantay ko lang talaga siyang dumating. Naglakad na ako papuntang dining hall at binuksan ang mga nakatakip na pagkain.
"Kumain na tayo, gutom na ako. Ang tagal mo kasi!" Napatingin naman ako kay JV nang natigilan siya sa paglapit sa akin. Kumunot ang noo niya at tinignan ang nakahain.
"Hindi ka pa kumakain? Alas-otso na ah? Inantay mo ako?" Nagulat naman ako sa boses niya, lalaking lalaki at ang sama ng tingin niya habang nagtatanong. Umiwas tuloy ako ng tingin.
"Syempre inantay kita, alam mo namang hindi umuuwi sila mommy kapag dinner 'di ba?" Umupo na ako pagkatapos kong sagutin ang tanong niya. Pero siya'y nanatiling nakatayo at napakamot sa kanyang ulo. "Kumain na kasi kami ni Kenneth."
Napatigil naman ako sa pag-abot ng kubyertos. Oo nga naman, ba't 'di ko naisip iyon. Tumango nalang ako at nginitian siya ng pilit.
"Sige, kakain na ako. Tapos ka na pala. " Hindi naman siya nagsalita, kaya nagpatuloy na ako sa pagkain. Kainis! Inatay ko siya, kaso tapos na pala siyang kumain. Ayaw ko pa namang kumakain ng mag-isa.
Nasanay na akong kasama siya sa pagkain, pero nakalimutan kong hindi niya naman ako reponsibilidad. Siyempre mas uunahin niya ang lalaking gusto niya. Mukha tuloy akong tangang nag-antay sa kanya. Kaso nabibwisit ako sa sarili ko, ba't sobrang nagalit at nalungkot ako sa ginawa niya?
Umangat ang tingin ko nang umupo siya bigla sa tapat ko, kumuha na rin siya ng pinggan at naglagay ng pagkain dito.
"Akala ko ba kumain ka na?" Ngumiti siya dahil sa tanong ko at biglang inabot niya ang ulo ko, para lang guluhin ang buhok ko.
"Nagutom ako ulit, mas masarap din ang luto ng katulong natin. Kaya kakain na ako ulit, 'di kita matiis e."
Pagkasabi niya noon ay agad akong napayuko, nag-init kasi ang pisngi ko. Bakit ganito?
Sa mga sumunod na araw, sinama na ako ni JV sa practice nila. Pumayag na rin ako, kasi nakita kong may mga back up dancer na. Hindi na siya mismo ang nagsasayaw katabi si Kenneth. Hindi na rin siya nang tatsansing.
Halos kalahati rin ng routine ang nape-perfect ni Kenneth. Limang araw na lang din at contest na, kaya pinagpapatuloy ko na ang pag-ayos sa kakantahin ko. Love me like you do rin ang kakantahin ko, para magkatugma kay Kenneth. Siyempre si JV ang naka-isip sa lahat ng ideyang ito.
At ngayon, andito kami sa bahay nagpractice, may bisita kasi raw sa bahay nila Kenneth.
Nagulat naman ako nang lapitan ako ni JV, "Ikaw na naman."
Naguluhan ako sa sinabi niya, nakalahad pa kamay niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Anong ako na?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Nakaupo lang kasi ako dito sa tapat ng piano, kasi inaayos ko ang piece ko. Akala ko nga busy sila, kaya nakakapagtakang lumapit siya.
"Magpapractice ka nang sumayaw." Hinila niya bigla ang kamay ko kaya napatayo ako sa pagkaka-upo. Umangal ako agad.
"Teka, ang daya. 'Di ba dapat kakanta din si Kenneth?" Tumigil sa paghila si JV at hinarap ako.
"Mas napapag-aralan ang pagsayaw sa madaling panahon, kaysa pagandahin ang boses ng isang sintunado. " Naguluhan tuloy ako.
"Paano mo naman nasabi iyon?" Bumuntong hininga si JV at tinuro si Kenneth na nagsasayaw pa rin.
"Pinakanta ko siya, juskolord! Okay lang sana kung sintunado lang siya, kaso pati pagsabay sa tugtog ng kanta 'di niya magawa. Kaya magsasayaw nalang kayo sa finale. Mas magagabayan ka naman niya sa pagsayaw e."
Pagkatapos sabihin iyon ni JV ay hinila niya ako sa gilid nila Kenneth.
"Ako na muna nag magtuturo sa kanya, para sa huling part. Tapos kapag ayos na siya saka kayo magpractice na dalawa." Pagkasabi ni JV no'n ay tumango lang si Kenneth. Parang tanga naman akong sumundo lang sa kanya. Wala talaga akong alam sa ganitong bagay.
"JV." Nagmamakaawa ang tingin ko, pero umiling lang siya at bigla niyang hinawakan ang beywang ko. Natigilan naman ako, pati siya ay napatigil. Nang tignan ko siya ay umiwas siya ng tingin pero 'di parin inaalis ang kamay niya sa beywang ko.
"Ganito ang unang step, kaya 'wag kang maarte." Pagkatapos noon ay mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nang lumapit ang mukha niya sa aking leeg. Nakatayo kasi siya sa aking likuran at nakahawak siya sa beywang ko, kaya naman naramdaman ko ang hininga niya sa balat ko. Juskolod! Ano ito? Ba't nag-iinit ang mukha ko?
mily:S/ׁ���
BINABASA MO ANG
Key To My Heart
Teen FictionSi Maerian Garduce ay isa lamang sa mga babaeng naniniwala sa forever, noon. Naniwala siya at hinanap ang ka-forever gamit ang susi na simbolo ng isang pangako. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari ay nawala ang kanyang paniniwala, dahil ang lalaking...