Chapter 10

675 24 1
                                    

CHAPTER 10

Mae

Nakanganga akong tumingin kay Kenneth dahil sa sinabi niya. Maya-maya pa lang ay tumaas na ang kilay ko, tapos bigla nalang akong tumawa. Nababaliw na ako, kaso mas baliw siya. Isipin ba daw niyang may gusto ako kay JV. Imposibleng mangyari iyon!

"Nakakatawa ka Beh, hindi ako magkakagusto do'n sa baklang iyon 'no? Bakla nga kasi siya di ba?" Wala namang pinagbago ang reaksyon ni Kenneth simula kanina, kahit pa sinagot ko na ang paratang niya. Nakatitig parin siya ng seryoso sa'kin.

"Yeah, kung wala na talaga sa iyo si kuya at hindi mo gusto si JV, sagutin mo nga ako. Be my girlfriend." Doon ako biglang natahimik sa sinabi niya. Napakaseryoso niya, pero may bahid ng pang-aasar ang tono niya. Nakakainis!

He got me there! He knew me too well. He knew my weakness and strengths. Kaninis naman talaga! Kaloka!

"Sabi mo 'di mo ako e pre pressure? Ano naman 'tong ginagawa mo?" Agad akong bumawi sa sinabi niya, kapag kasi hinayaan ko siyang tingnan ako habang nagpapanic mas lalo lang siyang ma-eenganyong asarin pa ako e.

"Wala naman akong sinabing gano'n. Ang sabi ko lang naiintidihan kong nag-iisip ka pa, pero syempre gusto ko nang makuha sagot mo ng mas maaga. Baka kasi may umeksena pa."

Pagkatapos niyang sabihin iyon at tinalikdan niya na ako. Sasagot pa sana ako nang dumating na si Bakla. Sakto rin naman dumating si Prof kaya tumahimik na talaga ang beauty ko. Kaloka!

Ang gulo ng mga lalaki, pati bakla!

UUWI na sana ako, kasi nadala na ako nitong lunch na wala akong kasabay. Si Kenneth may pag-amin pang nalalaman, iiwan lang din pala ako. Tapos ito naman si bakla, mas pinaiiral parin ang kamalditahan niya. Magsama silang dalawa!

Nagulat nalang ako nang harangin ako ni Miss President. "Mae, mag-practice na kayo ni Kenneth ng talent ninyo ha. 2 weeks from now na ang pageant kasali ang talent portion. Tapos 'yong gagamitin ninyong mga damit, hindi ninyo na kailangang problemahin. Ang department head ninyo na ang bahala, kailangan ninyo lang rumampa."

Nakangangang nakinig lang ako sa kanya. Parang nag-alien language na siya, simula do'n sa magpractie ng talent. Iyon lang naintindihan ko. Napa-iling na ako agad at tinanong siya.

"Anong sabi mo? "

"Sabi ko magta-talent lang kayo, tapos rarampa nalang sa araw ng pageant. Wala na kayong ibang iisipin."

Napanganga akong muli nang tapikin niya ako pagkatapos niyang ulitin daw ang gagawin. At bigla nalang siyang kumaripas ng takbo paalis. Nasampal ko tuloy noo ko. Nakakaloka na 'to ha! Ba't ba kasi ako nasali sa ganitong kalokohan?

Wala na akong naging ibang choice kun'di ang kontakin si Kenneth. Pinilit ko siyang tawagan, tinext, pero 'di siya nagreply. Kaysa naman mapahiya kami sa talent portion daw ay pinuntahan ko nalang siya sa bahay nila. Alam ko naman kung saan, kasi doon naman ako lagi noong kami pa ni Kevin.

"Mam Maerian." Nakangiting sinalubong ako ng katulong nila Kevin. Syempre kilala niya ako, kasi nga dati akong girlfriend ng amo niyang animal.

"Andyan po ba si Kenneth?" Kumunot naman noo ng katulong dahil sa tinanong ko. Mas maiging itanong ko na agad pinunta ko rito, baka kasi iba pa ang tawagin niya. 'Di ko naman gugustuhin na makita pa 'yong animal na iyon dito 'no.

Tumango na lang din naman ang katulong at pinapasok na muna ako sa sala, "Tatawagin ko po muna si Ser."

Nginitian ko nalang ang paalam niya saka ako umupo sa sofa. Umakyat na ang katulong kaya nakahinga ako ng maluwag ng wala naman akong nakikitang animal dito. Kaso nagtaka ako nang sobrang tagal nang nawala ang katulong kaya tumayo na muna ako.

Key To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon