Chapter 7
Mae
'Di na ako nagawang kulitin pa ni Kenneth tungkol sa pagsabay namin ni JV. Dumating na kasi agad ang professor, kaya tumahimik lang siya at 'di ko na rin siya nililingon.
"Ang sama ng tingin na naman ni Fafa Kenneth sa'yo, ano na naman bang problema niya sa'yo friendship?"
Nakabaling ako kay JV, siya kasi 'tong 'di matigil ang bunganga sa kakatanong. Bumuntong hininga lang ako at pabulong na sumagot katulad niya. "Hindi ko nabanggit na sa bahay ka tumutuloy nang pansamantala."
His mouth form an O shape, then smirk. Natutuwa ba siya kasi galit sa'kin si bestfriend?
"Ba't ka nakangisi dyan?" Nakataas kilay ko habang nagtatanong, kaya mas lalong lumapad ang ngisi ni bakla.
"Siguro, nagjejelly ace si Fafa Kenneth. Baka mas gusto niyang do'n na lang aketch tumira sa kanila. Hihi!" Mas kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Magseselos si Kenneth? Ibig sabihin may gusto na kay JV si Kenneth? Bakla na ang bestfriend ko? Weh? 'Di nga?
TANGHALIAN na at sabay kaming kumakain kaya 'di na ako nakatakas sa tanong ni Kenneth. "Bakit siya sa inyo nakatira?"
Napalunok ako, kasi magkasalubong na naman kilay niya at malakas na ang boses niya. Ngumiti ako ng alanganin bago siya sinagot.
"Ninang ko ang mommy niya at dahil sa ibang bansa na nakatira ang buong pamilya nila ay napagdesisyunan nila mommy na sa'min muna siya tumira. Kasi wala naman silang bahay pa sa Pinas."
Napalunok ako pagkatapos no'n, kasi nakatitig lang si Kenneth habang sinasabi ko 'yon. Sakto namang nasa tapat niya ako nakaupo, samantalang magkatabi sila ni JV na nakalingkis kay Kenneth. Kaso nakakapanibagong 'di umaangal si Kenneth ngayon. Bakit kaya?
"Kung wala siyang matutuluyan, pwedeng sa bahay na muna siya." Nanlaki ang mata ko sa pahayag ni bestfriend. Ngumisi naman na ng sobrang lapad si bakla! Hala ka!
Nagkatotoo ang sinabi ni JV, na aalukin siya ni Kenneth na doon na lang sa kanila. Ibig sabihin no'n, bakla na si Kenneth! Kaloka!
"Si—sigurado ka?"Nauutal pa ako habang kinukumpirma ang suhestyon ni Kenneth. Tumango naman siya bago sumagot.
"Sigurado, ang pangit kasing tignan na may ibang lalaki sa bahay ninyo na hindi ninyo naman kaano-ano."
Kumunot naman noo ko sa sinabi niya, parang ang pangit pakinggan. Parang sinasabi niyang masamang tao si JV, pero bakit pangit naman tignan?
Nilingon ko tuloy si JV, dapat umiimik na siya. Insulto kaya iyon sa part niya. Pero parang wala lang kay JV e, nakangiti parin e. Bumuntong hininga nalang tuloy ako at ako nalang ang nag-react.
"Hindi naman kung sino si JV e. Sinabi ko na 'di ba? Ninang ko ang mommy niya at family friend sila."
Nagtiim-bagang naman si Kenneth at mataman akong tinitigan.
"Pangit parin tignan, lalaki siya tapos babae ka. Hindi naman kayo magkadugo, tapos doon siya pinapatira ng mommy niya. Mas maganda kung sa bahay nalang namin siya."
Nagtatakang tinaasan ko ng kilay si Kenneth dahil sa paliwanag niya. May kakaiba akong nahihimigan sa kanya. Parang nagseselos siya! Tama!
Nagseselos siyang sa'min tumutuloy si JV, kaya mas gugustuhin niyang sa kanila nalang tumira si bakla! Nagtakip ako agad ng bibig ko sa natuklasan. Nanlaki pa mata ko, kaya buong pagtatakang tinanong na ako ni Kenneth.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Nag-iwas ako agad ng tingin. Nabakla na nga ata si Kenneth. Kaloka!
Lumunok pa ako bago siya sinagot, " Kung iyon ang gusto ninyo. Ayos lang."
BINABASA MO ANG
Key To My Heart
Teen FictionSi Maerian Garduce ay isa lamang sa mga babaeng naniniwala sa forever, noon. Naniwala siya at hinanap ang ka-forever gamit ang susi na simbolo ng isang pangako. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari ay nawala ang kanyang paniniwala, dahil ang lalaking...