dedicated to my new follower :D lovelots! mua :*
---
pagdating ko sa cafeteria naghanap ako kaagad ng makakain ko.
oorder palang sana ako ng pagkain ng makita ko siya.
yung babaeng nakalaglag ng picture.
agad ko siyang nilapitan.
"miss ikaw yung may ari nito?" sabay pakita sakanya nung picture na hawak ko.
"ah oo salamat ha?" sabay kinuha niya ang picture at agad itong tinago.
"ah miss" sabi ko uli para simulan ang nais sabihin sa babaeng kaharap ko ngayon.ng tumingin ang babae sakin agad kong dinugtungan ang sasabihin."are you a fan of demigods?"
mukhang nagulat naman ang babae sa tanong ko base sa reaksyon ng mata nito. may nakita akong kung ano sa mata ng babae pero di ko pinansin ito.agad naman din nagliwanag ang mukha ng babae at ngumiti
"opo! since debut po nila." excited na tugon ng babae. kaya naman nginitian ko siya
"will you do anything for them?"
"opo! kahit ano po. kahit po mahirap kakayanin ko!" napatayo ang babae sa kinauupuan na halatang excited na. may idea na ba siya sa nangyayari? bakit parang alam na niya ang gagawin?
"tara halika sunod ka sa akin kakausapin natin manager nila"
---
pagpasok namin sa room ni ate gising na siya at nakaupo.
"chi,san ka galing?" sabi niya sa akin ng mapalingon siya.
"sa cafeteria lang ate.nga pala may papakilala ako sayo" sabay hila ko sa babae.
humarap ako sakanya "ano kasi pangalan mo?"
mukhang nahihiya man eh ngumiti na rin siya "Yumi po. Yumiko nakahara" nanlaki mata ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Subtitute Lover
Teen FictionYou are a pledged hater of your bestfriend's favorite band and your sister works for them.you dont want to work as a subtitute but you did,what future lies ahead when the hater meets the guy who will rock her world? :) Tagalog ongoing series. check...
