Thanks for making it here. all the love~! xoxo,.
----
One week...
One week na ko walang balita kay drake.
hindi pa rin stable ang lagay ni abcd.
di siya gaanong nagsasalita pero nangako si sky sa akin na aalagaan niya si abcd,kaya lagi parin andito si sky kasama ko pag ako na ang nagbabantay kay abcd. pero ngayon wala siya dahil may band performance daw sila
"musta na absing?" pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
binalik niya ang tingin sa tv at pinanood ang live performance ng demigods,
"nakikita mo yan abcd? si sky? mahal ka daw niya. nakakatuwa diba? kelan pa kayo naging close?" kinakausap ko pa din siya kahit hindi siya sumasagot alam kong makakatulong sakanya yun.
hapon na pero wala pa rin ang parents ni abcd kaya naman akala ko sila na ang dumating nung bumukas ang pinto pero nagkamali ako.
ang demigods ang dumating.
kasama si yumi.
napatingin ako kay drake at ganun din siya sakin pero napatingin ako sa braso niya na hawak hawak ni yumi at nagiwas ako ng tingin.
ngumiti ako kay abcd para kausapin siya pero nakatingin lang siya sa bintana.
"absing! binibisita ka ng idols mo oh.andito na din si sky" tahimik na naupo ang demigods sa sofa. at nakatayo lang si yumi sa paanan ng kama ni abcd.
"Hi abcd!" bati ni yumi pero napalingon si abcd at bigla na lang nanlaki ang mata niya tsaka siya umiyak.
dahilan para magpanic ako
"absing! absing!" tinatapik tapik ko ang mukha niya kasi bakas dito ang gulat habang tumutulo ang luha"
"no.no.no..." paulit ulit niyang sinasabi.
agad na tumayo si sky sa sofa at niyakap si abcd hinayaan ko nalang na si sky ang mag alo kay abcd dahil alam kong mas makakatulong kung si sky ang nasa tabi ni abcd.
tumawag ako ng nurse para pakalmahin si abcd agad naman nagpunta ang nurse at may tinurok kay abcd kaya maya maya lang ay natutulog na uli siya.
naluha ako habang pinapanood na natutulog si abcd at nasa tabi niya si sky.
"Yumi let's go hinihintay na tayo ni yuki." tumayo na si drake at nagpaalam na si yumi sa amin. pagkalabas ng dalawa sa pinto ay tinignan ako ng demigods ng may halong awa sa mata nila. nagiwas ako ng tingin dahil ayoko na makita nila na nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
My Subtitute Lover
Teen FictionYou are a pledged hater of your bestfriend's favorite band and your sister works for them.you dont want to work as a subtitute but you did,what future lies ahead when the hater meets the guy who will rock her world? :) Tagalog ongoing series. check...
