READ.VOTE.COMMENT. thanks :)
---
CHI's POV
tumawag ako ng isang waiter ng bar at nagpatulong para maisakay etong si drake sa taxi.hirap na hirap kami sa pagalalay sakanya kahit medyo gising na siya at nagsimula nanaman sa pagbanggit ng pangalan ni ate.pero ng dahil nga siguro sa kalasingan ay nagpapatianod lang ito sa pagalalay sakanya.
ng maisakay namin si drake sa nakaparadang taxi sa harap ng bar ay pumasok na rin ako para makaalis na kami.
"ma'am san po tayo?" tanong ng taxi driver sa akin.
"sa may johnsville po kuya" alam ko ang adress nilang lahat dahil nga lgi akong nakabuntot kay ate sa mga lakad niya kabilang na dun ang pagsundo sa mga bahay nila pag company van na ang gamit.
pagkatapos ng 20 minutes na byahe pauwi ay huminto na ang taxi sa tapat ng bahay ni drake.
"ui! gising na.nandito ka na sainyo" sabi ko at nagsimula na naman siyang tapikin pero umungol lang siya at humarap sa kabila para di maistorbo sa pagtulog.
"leche kang nilalang ka!" wala na akong nagawa at bumaba nalang ng taxi para mag doorbell sa gate. papatulong nalang ako kung sino ang pwedeng tumulong lumabas ang isang kasambahay na mukhang nasa 50 na ang edad pagkatapos buksan ang gate.
"ano po kailangan nila?" sabi ng ale sa akin.
"ah-eh...si drake po kasi ayun sa may taxi,lasing na lasing inihatid ko po dito" paliwanag ko sakanya.
"naku iha! ganyan talaga pag nalalasing ang alaga ko,salamat at inihatid mo.pwede bang magpatulong at akayin
natin siya papunta sa loob???" nagmamadaling binuksan ng ale ang taxi para alalayan si drake.
"ah sige po" dali dali narin ako sumunod para ipasok si drake sa loob "kuya pahintay po ako " sabi ko sa taxi driver at tinulungan na sa pagbubuhat ang ale na sa gulat ko ay alam kung paano ang tamang pag alalay kay drake.
nang mahatid namin si drake sa kwarto niya ay sinimulan na siyang ayusin ng ale para makatulog ng maayos lumabas na ako at maya maya ay sumunod ang ale at ihahatid na daw niya ako sa gate
"siguro,close na close niyo tong alaga ko no?kasi di ka naman basta basta makakalapit sa batang yan kung di kayo close eh.pero familiar ka.nagkita na ba tayo dati?" sabi niya sa akin habang nagbukas ng pinto sa sala.
napangiwi ako sa sinabi ng matanda. kami? close? hindi ko kaclose ang taong yan at wala akong balak na maka close siya.
"ah di naman po gaano,nagkataon lang po na nagkita kami at walang maghahatid sakanya" yun nalang ang sinabi ko bilang respeto na rin sa matanda at dahil mukhang team drake siya.
"ang bait mo naman talaga iha" nakangiting sabi niya sa akin ng makalabas na ako sa gate.
"sige ho,mauna na ko" paalam ko sakanya.
lumabas na ako ng gate at sumakay sa taxing naghihintay sa akin sa labas.
"manong sa robertsville po" sabi ko kay manong at nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan
i sighed when i realized that this day is a tiresome day simula pa dun sa concert puro galit sa demigods ang naranasan niya.
tumingin ako sa harap ng bintana ng may maalala akong isang bagay...

BINABASA MO ANG
My Subtitute Lover
Fiksi RemajaYou are a pledged hater of your bestfriend's favorite band and your sister works for them.you dont want to work as a subtitute but you did,what future lies ahead when the hater meets the guy who will rock her world? :) Tagalog ongoing series. check...