Bulag, Pipi at Bingi

14.3K 218 19
                                    

Hndi naman lahat ng tao may happy ending e. Actually meron naman talaga, iba-iba nga lang tayo ng perspective ng happy ending. Yung akin kasi, parang hindi naman natagpuan ni Prince Charming si Cinderalla.

Hanggang dun lang ako sa… sa natanggal yung sapatos niya sa ball.

Hanggang dun lang ako sa… sa naranasan kong mahalin ako ni Prince Charming. Kahit isang gabi lang.

Kahit saglit lang.

“Okay ka lang ba?”

Tangina. Ang corny ko. Corny na tanga pa. Umiling ako. Inikot-ikot ko yung wineglass ko tapos tinignan ko yung naglalarong red wine. Saka ko inisang lagok. “Yung totoo?” Ngumiti ako sa best friend ko. Trina sighed. Bubuka yung bibig niya at alam ko na yung susunod na sasabihin niya ‘I told you so’.

Tama pala si Haley Williams, “That’s what you get if you let your heart win...” Kanta ko kahit na wala naman akong narinig na lintek na I told you so niya.

Tinitigan lang ako ni Trina. “Pinagbibigyan lang kita no. Sa lahat ng atraso ko sayo.” Ayokong makita yung awa sa mga mata ng best friend ko. “Naalala ko yung sinabi mo sakin noon nung muntik na kong magpakamatay dahil sa break-up namin ni Roy.”

Nakita kong kumaway sa kanya si Dave. Trina smiled prettily. And I saw the glow in her eyes. Kakaiba. Lalo tuloy siyang gumanda. Never akong nainggit sa best friend ko. But at this very moment, I envy her. Very much. “I thought I was going to die. Tapos sabi mo sakin, isang araw tatawanan ko na lang na muntik ko ng pinagpakamatayan si Roy. Because he’s not worth it.”  

Kapag na-inlove ka pala, lahat ng lintek na advice na binigay mo sa bestfriend mo, lahat yun kakainin mo. Kasi kahit ikaw hindi mo maiapply sa sarili mo. O diba ang galing ko? Kung makapagsalita ako dati wagas, palibhasa di ko pa naexperience. Actually, naintindihan ko naman siya. Akala ko nga expert na ako nun. Because I thought I’d seen it all, from my friends in highschool to my bestfriend in college. Ako yung audience sila yung nasa loob ng tv. Kaya nakikita ko lahat. Kaya feeling ko… alam ko lahat.

Para kasi akong nanunuod ng suspense nun. Ako yung sumisigaw sa background na ‘papatayin ka na, nasa likod mo, tanga!’.

Parang ganon sa love life ng mga kaibigan ko. Kulang na lang iumpog ko sila sa pader.

“Favor naman Trin o.”

“Ano yun?”

“Iumpog mo nga ako.”

Tumawa siya.

“Isa lang. Para matauhan.”

Ngumisi lang siya.

“Ano ba to?” Inis kong sabi habang pinupunasan yung lumigwak na wine sa bibig ko. “Kasal mo tapos naninira ako?” Natatawang sabi ko. “Tangina naman kasi Trina. Dati masaya naman ako. Pero dahil sa lintek na love na yan, lahat ng prinsipyo ko lumabas sa bintana. Yung mga sinabi kong hindi ko gagawin? Kinain ko lahat.”

Bulag, Pipi at BingiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon