Umaga.
Ready na akong pumasok. Wala ako sa mood. Galit na pinaghahagis ko yung unan sa kama. “Nasan na ba kasi yun?” iritableng bulong ko. Yung cellphone ko nawawala!
“D-dito ko lang nilagay yun.” Bubulong-bulong na sabi ko. Kesehodang dumapa na ako sa sahig at hinanap sa ilalim ng kama. Tapos pagtayo ko kamay agad nakita ko, cellphone ko! Pagtaas ng tingin ko, si Marcus. With blank expression.
Kinuha ko. Tapos tumalikod lang siya. Wow, parang robot.
The whole time we ate breakfast nobody dared to speak. Parang bata. Ayaw makipagbati. Basta ako, I did my part. Inamo ko na siya kagabi. Now kung magiinarte pa rin siya, goodluck! Hindi ibig sabihin nagpapakatanga ka, e sasagad-sagarin ko. Kaunti na nga lang natitira sa pride ko. Kahit onti lang mareserve naman. Binigay ko na nga lahat e. All the way na nga e.
Nilagyan niya ng kape yung mug ko. “Diba hindi ako nagkakape?” Malditang sabi ko. Six months na kaming magkasama. Hanubayan. Never niya akong nakitang nagkape.
Marcus stilled then frowned. “P-pero…” Tapos nagsalubong kilay niya. Tumingin lang ako sa kanya. One brow raised. “I… ahm, I remember you… you always drink coffee in the morning.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Yung kutsara ko bumagsak sa pinggan ko. “R-Remember?” Nakaka… Nakakaaalala na siya?
Napailing siya. “No. More like, glimpses? A-Alam mo yun, parang may rolyo ng film sa utak ko pero malabo. Parang alam kong ito yung ginagawa natin sa umaga pero… pero hindi malinaw?”
Nawalan na ako ng gana. Hindi dahil sa hindi ako nagkakape. Pero dahil hindi naman talaga ako ang ipinagtitimpla niya ng kape noon. Hindi ko alam kung bakit. Natatakot na ba ako? He was now seeing glimpses, wasn’t he?
“M-Mitch…” Nakangiting sabi niya. “Isn’t it good news?” Napahawak siya sa ulo niya. “I… I’m seeing glimpses. P-pero… pero hindi malinaw. Hindi malinaw na naalala ko yung mga ginagawa natin dati. Pero parang reflex action siya. Hindi man kita naaalala pero… eventually I will.” Masayang sabi niya.
Pakiramdam ko nanlamig ako lalo.
Like in the reel film. How could he remember something or someone that wasn’t there? I wasn’t even in the picture.
Hinalikan niya ako sa buhok. And I could only taste ashes in my food. Kape pa.
“Mamamatay daw siya Trina kapag nawala ako.” Bulong ko. Inis na mahinang pinalo-palo ko ng palad ko yung noo ko.
BINABASA MO ANG
Bulag, Pipi at Bingi
RomanceKaya mo bang maging bulag, pipi at bingi sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mo para panindigan ang tao na alam mong hindi sayo?