Bulag, Pipi at Bingi

3K 109 9
                                    

Bumabaon yung kuko ko sa braso ko. Giniginaw ako pero hindi naman malakas yung buga ng aircon. Nakakatawa lang. Because I should be the one waking up from a dream. Hindi siya. But ironically, si Marcus yung literal na gumising.

Ngayon nasan ka? Nganga.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating kina Trina. Kapag bangag ka talaga nakakarating ka na lang sa isang lugar ng hindi mo namamalayan. Pagbukas pa lang ng pinto niyakap na ako ni Trina. She saw how upset I was. She just knew.

“Bestfriend.”

I started crying. Sa loob ng anim na buwan ngayon ko na lang nagawang umiyak. Ngayon lang talaga. I smiled through the tears, “masaya ako kasi gising na siya.”

Masaya ako. Totoo.

Pero humahagulgol na ako.

Umupo si Trina sa tapat ko. She handed me a tissue. “W-Wala bang ice cream?”

Sinamaan niya ako ng tingin. “E kung umuwi ka na lang kaya.”

I tried to smile and ended up with a grimace.

“Okay lang ba sa asawa mong nandito ako?”

She shrugged. “Wala naman siyang magagawa nandito ka na e.” Sarcastic niyang sabi.

Trina smiled sadly at me. Ilang minuto akong sumubsob sa lap ko at umiyak. Kahit anong punas ko ng dalawa kong kamay ayaw pa rin talagang tumigil. Ito yung masarap na may bestfriend. You could bawl your eyes out. She could judge you, but in the end. She’d always be there. Kahit na nga ba alam niyang mali, kahit na nga ba wala siyang magawa. She’d stay ‘til the bitter end.

And I love my bestfriend for that.

Napahikbi ako. “Ang pathetic ko no?”

Tumango siya.

“Umuoo ka naman.” Umiiyak na sabi ko.

She patted my back and inhaled sharply. “in the first place alam mong mali bestfriend. Your head is in the clouds. Hindi totoo yung Sleepless in Seattle na movie.” Hinimas niya yung likod ko. Nakikita kong nahihirapan din siya. Hindi niya alam kung ano yung exact words na dapat sabihin. Diba ganon naman? Kapag umiiyak yung kaibigan mo para kang kakapusin sa magagandang salita. O sa mga panenermon sa kanya. It was really so hard to put yourself in his or her position.

“Hindi ikaw si Sandra Bullock, Mitch. It doesn’t always happen like the movies. Na-comatose si Marcus. Nawala si… Mika. And you’ve been there for him when he was struggling through life and death. Kahit hindi mo sabihin alam ko sa utak mong gusto mong maging si Mika. Marcus may be your ideal man. Marcus may meet your standards of a prince charming. But really,”

Naiyak ako lalo.

“Masyado ng generic si Prince Charming. Gumagawa tayo ng sarili nating yardsticks sa lalaking mamahalin natin. E tangina naman bestfriend. Humanap ka ng totoong tao, yung gising, yung mamahalin ka talaga. Hindi yung puro fairy tales at happy ending lang ang ibibigay sayo. Humanap ka ng lalaking pipiliin niya yung reality kasama ka.”

Bulag, Pipi at BingiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon